Kathryn, Sofia and Jay Jay's Special Chapter - 3

7 1 0
                                    

Paalala: Ang lahat po ng special chapters ay flashback lamang. Walang present. Puro past lang. Kaya di na ako maglalagay ng (FLASHBACK). Kung may makita kayong (FLASHBACK) na word, ibig sabihin flashback yon nung flashback. Gets niyo ba? Wahahahaha!

Daniel's POV

May mga kaibigan na ako dito. Three months na ang nakakalipas nang mag aral ako dito. Pero ang pinaka close ko ay sina Kath at Sofia.

"Daniel!" sigaw ni Sofia.

"Uy. Andyan pala kayo."

Andito kasi ako sa garden ngayon. Bigla nalang silang sumulpot.

"Why are you here?" tanong ni Sofia.

"Ahhh.. Nagiisip isip?"

"Who? Or What?"

Si kathryn. Siya ang iniisip ko. "W-wala."

"Ahh okay. Daniel, can you please help me sa paggawa ng Araling Panlipunan assignment namin please?" Ang arte talaga nito si Sofia.

"Okay. Eh ikaw kath?"

"Uhm... Okay na ako. Kayo nalang ni Sof."

"Sige. Pero pwedeng tulungan mo din kami ni Sofia?" Actually, gusto ko talagang makasama si Kath.

"Ha? Eh diba alam mo na yan?"

"Ah eh.. Medyo hindi pa eh..."

"Sige na nga. Tutulungan ko na kayo. Kung di ko lang kayo bestfriends eh!" sabay hawak sa balikat namin ni Sofia.

Nagsimula na kaming tulungan si Sofia. Pano ba naman kasi tong si Sofia, puro pagpapaganda. Di katulad nitong ni Kath. Wala sa kanya kung pangit siya o hindi, aral lang siya ng aral. Pero maganda naman siya. Natural beauty ika nga.

**

Three months ulit ang nakalipas. Mas lalo pang tumibay ang samahan namin nila Kath at Sofia. At oo nga pala, umamin sakin si Sofia na gusto niya ako. Nung una awkward, kaya sinabi ko sa kanya na friends nalang kami pero bata pa kami. Kasabay ng pag amin sakin ni Sofia, umamin na rin ako kay Kath. Gusto ko siya. Gustong gusto.

--FLASHBACK--

Pauwi na kami ngayon. I need to see Kath. Aamin na ako sa kanya.

"Kath!"

"Yes?"

"Can we talk?"

"Naguusap na nga tayo eh. Hahahahaha."

"Hindi. Serious talk." hinila ko siya papuntang parking lot.

"Ano bang sasabihin mo at kailangang dito pa talaga?"

"Kath. May aaminin ako sayo."

"Ano?"

"Kath. Gusto kita."

"Joke ba yan? Hahahaha."

"Kath. Seryoso ako. Gusto kitang ligawan. Pero kung ayaw mo pa, maghintay tayo ng right time. Kaya kong maghintay. Kahit ilang years pa yan."

"Nasa sarili ka ba? Kung nasa sarili ka, bakit? Bakit mo ako gusto? Diba inamin sayo ni Sofia na gusto ka niya? Bakit hindi mo siya ligawan?"

"Kath. I like you. Mahirap siyang mahalin. Tinry ko, pero hindi ko kaya. Ikaw talaga yung sinisigaw nito." sabay turo sa puso ko.

"Daniel.. Hindi pwede! Magkaibigan kami ni Sofia. Masisira friendship namin! I dont want to lose her.."

"I dont want to lose you also.... Kath, please. Pwede ba?"

"N-no..." sabay nagwalk out na siya.

-----END OF FLASHBACK-----

Wala... Ayaw ni Kath... Hindi niya rin ako gusto... Pero hindi lang ako basta basta susuko.

-------------

Ay grabe. Ito na yata yung pinakasabaw na special chapter. Walang pumapasok sa utak ko eh :(( Grabe na po. Na-occupy masyado ni DJ yung utak ko. Kasi siya yung unang nakita ko kaninang umaga. Kasi naman uminom ako ng milo eh. Tas mukha niya yung nakalagay don sa tasa. xD OKAY TAMA NA ANG DALDAL KO TALAGA -_- Trip ko lang kasi magshare anoba. :p

Not Your Ordinary HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon