Chapter 15

14 1 0
                                    

Daniel's POV

Parang ang saya ko ngayon. Nakausap ko ng maayos si Kath. Walang asaran, barahan ganon. Eh kaso nga lang naging alipin ako... Hahahaha pero ayos lang gusto ko naman siyang maging kaibigan eh. Dapat nga itatanong ko sa kanya kung pwede ba kami lumabas para kumain... kaso lang tatarayan ako nun eh. Kaya ito nalang nasabi ko.

----FLASHBACK------

"Wala nga. Kath....."

"Oh?"

"Pwede bang ano..."

"Ano?..."

"S-sabayan kita sa paglalakad mo.."

"Ha? Baliw ka ba? Ito na nga oh. Naglalakad na tayo. Edi sana naiwan kana don kung di ka naglalakad ngayon."

"Ah eh... oo nga." sabay kamot sa batok ko. "Pero pwede nga... Di ka ba naiinis? Kasi diba hater kita?"

"Itatry ko munang wag maging hater mo kahit ngayon lang.."

----END OF FLASHBACK----

Ang tanga ko lang diba? Yun na kasi agad yung nasabi ko. Ehh nahihiya nga kasi ako kay Kath. Andito pala ako sa kotse ko ngayon. Papunta sa pictorial ng bago kong tvc.

Maya maya lang, nakarating na ako dito sa location.

"Uy Dj!"

"Mark!"

"Parang ang saya natin ngayon ah..."

"Kuya mark, mang aasar ka na naman ba?"

"Eh kasi tignan mo naman yung ngiti mo, yung aura mo.. Oh ang saya mo eh!"

"Oo na. Oo na. Masaya na."

"Bakit pre nakascore na ba?"

"Tigilan mo nga ako."

"Ano nga?"

"Oo. Siguro."

"Ayieeee go pre!"

"Tssss."

"Dj."

"Oh."

"Seryoso na to."

"Bakit?"

"Kasi... magkakateleserye ka na!"

"Talaga kuya? Totoo ba yan?!?!"

"Oo! At kailangan nating magpaudition para sa makakaloveteam mo."

"Grabe! Totoo ba yan?!"

"Oo! Bukas na yung audition."

"Astig! Ang saya ko ngayon!"

"Dj, start na daw po yung pictorial." sabi ni ate.

"Sige po. Saglit lang."

Kathryn's POV

Andito ako ngayon sa bahay. Nagfafangirl. Hehe. Eto ako, dini-dm ko si James. Hahahaha

bernardokath: JAMES!
bernardokath: YAY JAMES THANKS SA PAGFOLLOW HOPE TO SEE YOU SOON :))
bernardokath: I love you! :*
bernardokath: Alam mo ang saya saya ko ngayon...
jamesxreid: talaga?
bernardokath: OMG! SINAGOT MO YUNG DM KO! OMG! HIIIIII!
bernardokath: Kung tinatanong mo ako kung gano ako kasaya, sobrang saya.

After 10minutes...

bernardokath: James? Asan ka na?
bernardokath: Siguro busy ka na.. sige... bye!

Tumingin tingin lang ako sa tweets ng iba... May naligaw ata sa timeline ko..

"Daniel Padilla.. may bagong teleserye ang nakalinya.. Bukas ang audition bukas para sa magiging ka-loveteam niya.. Magdala ng birth---"

"Ang haba naman... Pero astig ah, sikat na talaga siya ngayon.. May teleserye na." para pala akong baliw na nakikipagusap sa sarili ko.

Pero bukas na pala yung start ng 'halos pagiging katulong niya' hahahaha ano kayang pwedeng gawin ko don..

Ipagluto ako? Parang ang cheesy. Ipahiya siya sa klase? Parang ang harsh. Hays bahala na.

------------

Yas, bakasyon na po. Bwahahaha! Makakafocus na ako sa watty :)) Sana basahin niyo yung bago kong story na 'My Imaginary Soulmate' :)) Thankyouuuu :*

Not Your Ordinary HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon