Chapter 22

2 0 0
                                    

Daniel's POV

"Kath... okay ka na?"

"Yup."

"Sorry kung matagal ako ha? Kasi dinu---"

"Kasi dinudumog ka? Hay nagmamayabang na naman siya!" sabay irap. Maldita talaga!

"Oo. Eh ganon naman talaga eh. Tignan mo to. Nagsusungit pa. Binuhay nga kita eh."

"Eh bakit mo ako niligtas? Sabi ko na nga ba eh.. Ipang ba-blockmail mo sakin yan palagi!"

"Eto naman.. Joke lang!" sabay akbay sa kanya. Damoves to mga bregs!

"Tanggalin mo yang kamay mo. Tch."

"Sorry. Tara na." sabay buhat ko sa kanya. Bridal style. Hahahaha dami kong damoves ngayon!

Kathryn's POV

"Eto naman.. Joke lang!" sabay akbay sakin. Ano na naman to Daniel. Pa fall na naman ba? Ayoko naaaaaaa

"Tanggalin mo yang kamay mo. Tch."

"Sorry. Tara na." sabay buhat sakin. Pa bridal style. Nakuryente ako. Pwede bang mabutas nalang ung lupa? Gusto ko nang lumubog!

"Uyyyy! Ibaba mo ako!"

"Bakit?"

"Kaya ko namang maglakad eh! Tsaka anong klaseng ospital to? Wala bang wheelchair pag palabas na ng ospital?"

"Ang drama mo. Malay ko ba sa ospital na to. Bahala ka diyan." ibinaba niya na ako. Aba siya pa tong nagalit huh. Magpatigasan kami.

Naglalakad lang kaming dalawa ng tahimik. Mukhang nagtampo ata kanina. Porket close na kami, pwede na siyang magtampo? Edi wow!

Andito na kami sa may parking. Sa labas pa yung sakayan ng tricycle. Deretso pa. Kaya naglakad ako ng deretso. Nilagpasan ko lang yung kotse niya.

Medyo malayo layo na ako sa kanya. Aba hindi ako pinilit ha! Pero okay lang. Ayoko ng mga taong PA-FALL eh. Biglang may kumuha sa kamay ko. SINO TO? HOLDAPER? NOOOOOOOO!

"Sumabay ka na."

"*sigh* Bwiset ka! Akala ko holdaper!"

"Sorry. Sakin ka na sumabay."

"Ayoko. Galit galit ka diyan, baka mabangga pa tayo."

"Wala ka bang tiwala sakin?"

"Wala."

"Wag ka nang sumabay. BAKA KASI MABANGGA PA TAYO EH." diniinan niya talaga yung pagsabi nong 'baka kasi mabangga pa tayo'.

Umalis na lang ako. Ang unfair niya! Ako bawal magsungit pero siya konting ano lang galit agad! Ang gulo niya! Ewan ko sa kanya!

**

Nakauwi na ako sa bahay. Mga 2pm na.

"Ma!"

"Anak!" sabay yakap sakin.

"Ano bang nangyari sayo ha? Bakit ka naholdap?"

Kinuwento ko lahat ng nangyari. Ang OA talaga nito ni mama. Hahahaha.

"Ahh... Eh sino naman tong tumulong sayo?"

"K-kaibigan ko po...."

"Sinong kaibigan? Dapat pasalamatan natin siya! Malaki ang utang na loob natin sa kanya!"

"Ma ano po eh... Ayaw niya pong ipasabi sa inyo. Ako lang daw po muna makakaalam."

"Bakit anak?"

"Eh ma. Basta ayaw niya. Magpapakilala daw siya sa inyo soon." Ma. Alam mo kung bakit? Kasi siya si DANIEL PADILLA. Ang lalaking alam mo na hate na hate ko eh hindi naman pala.

"Basta ipakilala mo siya sa akin ha? Girl ba yan o boy?"

"B-boy ma." Sinabi ko na. Pati ba naman gender magsisinungaling ako? Ang dami ko nang kasalanan no!

"Anak. Wag kang maglilihim sakin ha?"

"A-ahh opo ma. Akyat po muna ako sa taas."

"Osige anak. Pahinga ka muna."

"Ay ma. Di po muna ako papasok bukas ha?"

"Oo naman anak. Baka mabinat ka."

Then umakyat na ako sa taas. Ayoko munang mag isip isip. Matutulog nalang ako.

-----------------

Hi!!! Sorry medyo matumal yung update :)) Nagbabasa kasi ako ng mga kn fanfics hahahaha :))

Not Your Ordinary HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon