...
Pumasok na ako sa classroom ko pagkatapos ng usapan namin ni ganyan.
Oo. Ni 'Ganyan' kasi kahit pangalan niya ayaw ko banggitin because it leaves a sour taste in my mouth.
Lahat ng mga kaklase ko nakatingin sakin pagpasok ko, at 'yung top 1 namin ang unang lumapit sakin. Cyllyn Magadya. Siya 'yung tumapik sa balikat ko kanina. Halatang halata ang pag-alala niya sa mukha. Kung ako naman ang sinasabing isa sa pinakapopular na babae sa school, Osya naman si Cyllyn. Siya ang pinakamaganda at popular, hindi lang sa year level namin kundi sa buong school.
"Okay ka lang? Gusto mong ireport ko siya?" ang tanong niya sakin habang tumitingin ng mga 'injuries.' Idagdag mo ang maganda niyang ugali at talino sa pagiging popular niya, parang siya na ang dreamgirl ng lahat ng mga lalake. Not that I know of.
"Okay lang. 'Wag mo na ireport, may kailangan lang kami pag-usapan kasi.." Ngumiti nalang ako sakanya. Close kami, pero hindi kami palaging magkasama. Paano naman kasi, palagi siyang pinapaligiran ng mga lalake pero hindi niya napapansin. Besides sa lahat ay nasakanya, dense siya pagdating sa love. Hindi pala dense.
Manhid siya.
"Ah, sige..." Mukhang may gusto pa siya sabihin kasi binuksan niya 'yung bunganga niya pero sinara ulit.
Naramdaman kong may yumakap sakin sa likod at pagtingin ko, si Stefania pala. Nakakatrauma ang pagyakap sakin ni ganyan. Nakakakaba. Brrr!
"Hoy Maia, siguraduhin mong wala siyang ginawa sayo! Makakatikim 'yun samin!" Halatang galit siya, boses palang kahit di ko nakikita mukha niya. "Stef, hindi pwede makipag-away, lalo na sa ibang students. Lalong lalo na kung galing sa C." Ayan tuloy, seryoso ulit si Cyllyn at pinagsabihan siya. In every year level, may tatlong section. According sa principal, leading ang A, sunod ang B, at last ang C. Hindi magkakasundo kasi may mga students na nakikipag-away sa kabilang section, at tawag nila ay 'discrimination of minds.' Siempre, mayors of each section are trying to discuss a way to have peace pero hindi naman agree ang majority.
Nagkumpulan ang mga kaklase ko at andaming lahat sila nagtanong ng sabay-sabay, same topic lahat.
'Maia, ex mo ba 'yun?'
'Sino siya para sayo? Ano relasyon mo sakanya?'
'Manliligaw mo ba?'
'Bagong student...galing sa C, matalino ba siya? Malay mo kasi..'
'Mataray ang rating niya para sakin, 'yun ba type mo?'
'Hinihintay ka niya parin sa labas, baka may sasabihin pa?'
Hinintay kong pansinin nila na hindi ko sasagutin ang mga tanong bago sila tumahimik. "Question 1, No. Number 2," I paused, "..Wala akong relasyon sakanya. Number 3, hindi porket nasa C hindi na matalino. Number 4, Wala akong type. Number 5- What?" Tumingin ako sa window sa labas. Oo nga. He's still staring at me.
"Pabayaan niyo 'yan. Malapit na magsimula ang 1st period, pupunta rin 'yan sa classroom niya." Nginitian ko nalang sila. Nagsitinginan sila pero hindi na nagtanong at nagsibalikan sa mga upuan.
RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGG!!!!
Pumasok na si Ma'am Goulding, ang advisor namin at science teacher. Nagsimula na rin ang homeroom. Siguro aalis na si mokong. Tick tock tick tock tick tock...
... 5 minutes
...10 minutes
...20 minutes
BINABASA MO ANG
One More Time, Another Chance
Fiksi RemajaLove is only painful when you fall for the wrong person. Maia Avila had a crush on one of the most popular guy at her middle school, Austin Arellano. Smart, Handsome, Good at everything and quiet. Harshly rejected by her love, Maia tried to forget a...