Eyes.
'Hey, she's the girl right?'
Ears.
'Y-yeah...I heard the guy's from 3-C. She should have picked someone better.'
Dug dug, dug dug.
Can my day get any worse?
I hope not. Any more at baka mahihimatay na ako. Pagkatapos ng announcement ni ganyan kanina, hindi ako nakafocus sa klase. Paano ako makakafocus kung halos lahat ng mga kaklase ko tinitignan ako. Pinatawag si Cyllyn pagkatapos ng announcement niya at pagbalik niya, tinignan niya ako na parang gusto niya humingi ng tawad pero wala naman siyang ginawa.
Ngayon dismissal na, may mga student galing sa iba't ibang year level na nagkumpulan sa labas ng classroom namin para lang makita kung sino 'yung sinasabing girlfriend ni Ganyan. In truth, hindi ko alam magreact. Gusto ko sipain 'yung lalaking yun! Kasasabi ko lang na hindi ko siya boyfriend, tapos iaannounce niya na kami na?
Wala pa ngang panliligaw!
Mabuti pang hindi niya ako ligawan pero I don't think my heart could take this.
"Umalis nga kayo dito! Ano business niyo? Wala kaya alis!" Nakita kong lumapit si Stefania sa pintuan at tinutulak ang mga tao palabas. Wala ng ginawa ang mga tao kaya umalis na lang pero tumingin parin sakin one last time.
Tumayo nalang ako at inayos na mga gamit ko. "Maia!"
"Ano?" Irita kong nasabi kay Stef. Napatigil siya ng saglit.
I realized how rude I sounded. "A-ah....Stef, h-h-hindi ko sinasadya, sorry! Sorry!" Niyakap niya lang ako. "Okay na. Shh...Naiintindihan ko. Please don't push yourself. Kawawa naman yang puso mo."
Right then and there, biglang sumikip dib dib ko. Hindi ako pwedeng maging depressed. "Of course! Ako pa, inaalagaan ko sarili ko!" Ngumiti ako sakanya at umalis pagkatapos. I don't want her to worry about me. Sinakyan ko nalang ang trip ni Ganyan kanina. Ngayon ang hindi. I ignored the people that stared at me and girls whispering while looking at me.
Hindi ako nakikipag-away at hindi ako nananakit kahit na masakit na.
I can't do that. I literally can't dahil wala akong lakas na loob kahit gusto ko pa. Nagkataon lang na inaway ko si Ganyan dahil sa ugali niya
Hindi ako lumabas sa main gate. Maingat kong tinignan mga paligiran ko, kung meron 'yung demonyo. Oo, isa siyang demonyo! Gustong gusto niya makita akong napapahiya. Sure ako!
Nakita kong walang katao tao kaya diretso akong naglakad. Hindi naman ako makatakbo dahil nakakapagod.
Pero wrong timing.
"Maia..."
Ayaffu.
Hindi na ako nag-alinlangan at tumakbo kahit na bawal.
"Maia! Wait lang! Hintayin mo ako!" Ang sigaw ni Ganyan habang tumatakbo na rin.
"Baliw ka ba?! Ba't kita hihintayin eh sa'yo nga ako tumatakbo palayo!" Sigaw ko pabalik. Malapit na sa gate.
Konti nalang, maabot ko na destination ko.
...
Ano bang meron na kung konti nalang ang matitira doon ka lang mamamalas?
Nadapa ako.
I fell flat on my face. "Aray..." Hindi ako makatayo. "Ayan. Sabi ko kasing hintayin mo ako. Tuloy, nadapa ka kahit wala naman pumatid sayo. Ahahahaha!"
BINABASA MO ANG
One More Time, Another Chance
Genç KurguLove is only painful when you fall for the wrong person. Maia Avila had a crush on one of the most popular guy at her middle school, Austin Arellano. Smart, Handsome, Good at everything and quiet. Harshly rejected by her love, Maia tried to forget a...