Chapter 6

30 2 0
                                    

Chapter Six

Maaga akong nagising kinaumagahan at sa tingin ko, isa iyong himala. Well, siguro'y dahil iyon sa blinds ng kwarto ko na nakabukana at ang sinag ng araw ay patungo sa aking mukha. Dahilan ng aking pagkasilaw. Dati, nung mga bata palang kami ni Lai at doon pa kami nakatira sa tabi ng kanilang bahay, maaga akong gumigising para magsaing ng agahan tapos bubulabugin ko ang bahay nila Lai para sabay kaming maligo sa malapit na ilog. Dito, kabaligtaran. Pati panligo ko ay palaging nakahanda. Isang click ko lang.

Nang matapos na akong maligo, inisa-isa ko ang mga damit sa aking closet para makapag-bihis na. Napangiwi ako dahil masyadong showy ang mga damit. As in wala man lang mga hoodie jackets na pa-cool, puro sweatshirts at cardigans ang naroon. Wala ring t-shirts na makikita kundi mga dresses na alam kong design pa ng mga fashion designers kasi ang dami-daming designs nun. Yung parang kikislap ka talaga kapag iyon ay sinuot mo.

Buti nalang talaga, may isang pares ng sapatos—doon ito nakalagay sa mga pang-adventure na mga damit. Ang ganda tingnan nun ang lakas maka-cool! Pero hindi ko muna 'yan ngayon susuotin.

Pero kahit ganoon kaganda ang mga iyon, hindi ko pa rin sila feel na suotin. Panigurado, lalamigin lang ako sa mga tops na'to. Baka kapag ito ang suotin ko sa school, maghahanap na'ko ng ointment pag-uwi. Mas sanay kasi ako sa shirts. Komportable suotin.

Siyempre ayaw ko namang sirain ang imahe ko sa harapan ng pamilyang ito kaya, pumili ako ng isang fitted top at isang skirt. Ewan ko ba kung bagay ba 'to sa akin. Siyempre dahil stubborn ako, nilagay ko sa aking bag ang t-shirt ko at pants. Siyempre, avoiding panlalamig lang.

Isang flats ang sinuot ko, iyong simple lang. Mahirap na baka madapa pa ako dito sa hagdan edi mas lalong mangangailangan talaga ako ng ointment.

“Gabriella Adrienne looks so beautiful with her outfit today!”

Humahakbang pa lamang ako sa hagdan ay narinig ko na agad ang boses ni Mommy. Bakas ang maikling ngiti sa kaniyang labi nang makita ako. Ngumiti lang ako ng bahagya bilang tugon.

“Good morning po, M-Mommy... ”

“Good morning, Gabrielle—oh! Why is your bag so malaki naman? Didn't I brought you a small one? I'm sure naman na kasya na roon ang notes mo.”

Kung alam mo lang kung anong laman nito, don't worry Mommy, iniiwasan ko lang ang panlalamig. Sabay hashtag, prevention is better than cure. “Ah, hindi naman po ito sobrang laki. Keri pa naman po ng muscles ko.”

“Hmm, okay fine. Let's eat breakfast na together. Naroon na ang pinsan mong si Séve and Fabbiene. Maaga kasing umalis si Jacques. You know, work! But I'm sure you all can be great friends!”

Muntik na akong mapangiwi doon sa sinabi niyang great friends. Hindi naman ako interesado makipagkaibigan kay Séve eh. Lalo na kay Fabbiene. Iyong circle of friends nila sa school, naturingan pang mean girls siyempre sa sobrang mean. Palaging suspect sa mga bullying! Tapos siyempre, kaming mga magkakaibigan ang pawang Knight and shining armours pero kami pa ang mas naturingang basagulera at basagulero.

Tahimik lamang kami sa dining table. Umalis daw ng maaga si Daddy kasama ang kapatid niya at si Kuya Jacques.

“You wanna go with me?”

Nang paalis na kami papuntang school ay tinanong ako ni Séverine Binuksan niya ang limousine.

“Huh, 'di ah! Mauna kana!” tanggi ko kaagad.

She smirked tapos tinaas ang kilay. “Good. You shouldn't sit with me.”

Napakunot ang aking noo. Doon sa limousine ay nakasandal ang babaeng laklak sa makeup. That was Fabbiene na nakatingin sa salamin ng kaniyang makeup. As if nagre-retouch na agad.

Ladders of EleganceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon