Chapter 26

7 0 0
                                    

Chapter Twenty-Six

3rd Person POV

Pagkatapos ng dinner ay hinila ni Bridgitte ang kapatid papunta sa opisina nito. Naroon din ang kaniyang asawa na si Guillaume at nakasunod sa kanila. That time, it was perfect kasi wala sa kanilang paligid ang pamangkin nitong si Gabriella at ang mga anak. Hindi niya alam kung saan nagtungo ang mga ito pero ayaw niya na itong isipin. She also made sure na silang magkakapatid muna ang makakaalam sa kanilang pag-uusapan dahil medyo kritikal ito lalo na at mayroon siyang pinagdududuhan sa loob ng Chateau.

“Ano na namang trip mo, Bridgitte?” Buntong-hininga na isinandal ni Gustave ang sarili sa couch ng opisina ni Bridgitte sa loob ng Chateau. Bihira lang kasi itong mag-rekwes ng presensya ng Kuya at alam ni Gustave na kung ano man ang nais nitong pag-usapan to the point na kailangan pang sa opisina ito gagawin ay sersyosong bagay nga.

Naupo so Bridgitte sa tapat ng kapatid at tumabi naman dito ang asawa.

“Kuya, alam kong maaaring hindi ka papayag sa sasabihin ko but I swear, I want to do this. This time, gusto kong magtagumpay and I want it to be with you, Kuya. Tsaka tutulungan din tayo ni Guillaume.” Baling nito sa asawa sa kaniyang tabi.

Kumunot naman ang noo ni Gustave. “Tungkol saan ba ito?”

Immediately, Guillaume handed him the brown envelope. Nagtaka naman si Gustave habang nakatitig rito at tsaka ito dahan-dahang binuksan. Bumungad sa kaniyang paningin ang mga litrato ng sasakyang pamilyar sa kaniya at nang tingnan niya ang petsa kung kailan ito nakuhanan, doon siya napatigil.

“It was the date when Aderina died, right?”

Matagal na napatingin si Gustave sa mga litrato na para bang gumagawa siya ng sariling konklusyon sa kaniyang utak pero nahihirapan siya. “What's with these photos?”

“Kuya, I'm getting suspicious by this. I think it's time to give your wife the justice that she deserves. Kasi naniniwala ako, all along we've been fooled.”

Gustave glanced at the both of them puzzled. Hindi niya maintindihin ang sinasabi ni Gustave at lumakas lamang ang kalabog ng kaniyang puso nang marinig ang pangalan ng babaeng minamahal na matagal nang namayapa. Hindi niya alam kung anong sasabihin kaya naman nananatili lamang siyang tahimik roon sa kaniyang pwesto.

“I got those photos from Freska Markus, Bridgitte's secretary. May inuutos sa kaniya si Bridgitte na document na ipapabigay sa akin. She was holding two brown envelopes and that time, she was in a hurry which I don't know the reason. Nagmamadali siya kaya siguro napag-swap niya ang dalawang envelopes at saktong sa akin pa nabigay. Gustave, I am aware of all the things that happened 13 years ago especially the date. I also remembered that the color of the car was the same sa nakita nating ebidensya noong panahong iyon.” Mahabang paliwanag ni Guillaume.

“Ano namang kinalaman ni Freska at nasa kaniya ang mga litratong ito?”

Agad namang sumingit si Bridgitte. “Iyon na nga Kuya, nagtataka rin kami ni Guillaume kung bakit nasa kaniya iyan. Eh ano namang koneksyon niya sa imbestigasyon dati di'ba? And ito pa, I'm sure that it was Freska inside that car dahil sasakyan ko 'yan. It was my very car and siya lang ang hinahayaan kong magmaneho niyan.”

Gustave fell silent. May punto nga naman ang mga sinasabi ni Bridgitte but he doesn't want to think about it anymore. For the whole 13 years, hindi na niya ginambala ang kung ano mang tungkol sa imbestigasyon ng pumanaw na asawa dahil na-serve naman agad ang hustisya nito after a month. Pero ngayong sinasabi ito ni Bridgitte at Guillaume, for the first time in those years, nagkaroon din siya ng pagdududa but something in his mind that doesn't want to push it.

Ladders of EleganceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon