Chapter 22

5 0 0
                                    

Chapter Twenty-Two

We spent the whole day together. Nothing could even beat the happiness I felt that day with Laikynn. Sa buong gala namin, hindi niya pinakawalan ang kamay ko kahit saglit lang.

Ewan ko ba kung paano ko ipapaliwanag ang damdamin ko ng maayos. Kanina nang umamin si Lai sa lahat ng mga kahinaan niya, there was warmth in my heart. Kasi naman, hindi naman sa lahat ng oras kaya ng isang tao umamin ng mga ganoong bagay kasi pati ako sa sarili ko ay aminadong nahihirapang umamin sa mga ganoon. Takot na baka pagkatapos ay mahusgahan ako. Tapos sasabihin, ang simple-simpleng bagay, kinakatakutan na.

Feeling ko tuloy, ang laki-laki ng tiwala ni Lai sa akin dahil sa pag-open up ng mga ganoong bagay. Sa araw na iyon, hapon na nang mapagpasiyahan na naming umuwi. Hinatid niya ako pauwi sa Chateau at mismong pagkarating namin roon ay naramdaman ko agad ang tensyon ng paligid. Mismong kakarating namin ay siyang pagbaba ni Grandma sa sasakyan na mane-maneho ng butler namin. Ngunit mas lalo akong napatigil nang mapagtantong hindi siya nag-iisa. Sunod niyang bumaba sa limousine ay sina Fabbiene, Tita Clementine at Séverine. Hula ko ay galing ito sa hotel.

Pansin naman namin kaagad ni Laikynn ang matutulis na tingin ni Grandma nang makita ako. Kitang-kita ko naman ang gulat na expression ni Séve nang makita si Laikynn. Shit, wrong timing.

“Ah Lai, sige na pasok na'ko.” Tanging sambit ko kay Lai nang makababa ako sa motor nito.

Pinasadahan niya nang tingin ang pamilya kong inaabangan ko sa bukana ng gate at alam ko na pati siya'y ramdam rin ang tensyon ng paligid. “Uh, sigurado ka ba? Parang papagalitan ka yata e. Samahan nalang kita sa loob, Gabi."

Umiling ako rito. “Huwag na. Ayaw kong madamay ka pa, Lai. Sige na, pumanhik kana kasi malapit na rin naman maggabi.”

“Sigurado ka, Gabi? Pwede naman akong manatili para samahan ka. Lalo na't mukhang wala pa ang papa mo. Sasamahan muna kita.”

I sighed. “Lai, thanks. Alam kong nag-aalala ka sa akin at panigurado nga'ng papagalitan na naman ako ng mga iyan.” Umirap ako. “Pero hayaan mo na. Huwag ka nang mag-alala sa akin, ha. Sanay na ako sa mga litanya ng mga iyan. Sige na, umuwi kana.”

“Ano ba 'yan, pinagtatabuyan na ako ng crush ko.” Ngumuso ito na parang bata.

“Sira!”

“Sige na nga. Basta text mo'ko mamaya pagkatapos niyong mag-usap.”

Tumango ako rito at niyakap siya ng sandali. Naiintindihan ko naman si Lai na nag-alala siya sa akin. Naaamoy ko na rin naman kasi kung anong sasabihin ng mga ito ngayon. Lalo na't nariyan sina Fabbiene at Séve. Nauna na mga ito na pumasok sa bahay at ako naman ay inantay muna na tuluyan nang makaalis si Lai. Natatakot rin kasi ako para sa kaniya na baka madamay siya sa gulo namin ng pamilya ko. Sapat na iyong nasaksihan niya iyon ng isang beses.

Mabibigat ang bawat hakbang ko habang papasok sa mansion. Pagkapasok ko sa bulwagan ay bumati sa akin ang kasambahay na naroon at galing sa labas. Huminto ako ng saglit sa bulwagan para pahingahin ng maluwag ang aking  sarili. Mariin pa akong nakahawak sa sling bag ko at halos pikit-matang tinahak ang papasok sa Chateau.

“Oh, she's here...”

Napapikit ako. Lintek, lagot na naman ako nito!

“A-Ah, hello po Grandma—”

“Where the hell have you been with that boy, Gabriella? Ah la vache! Hindi ko inaasahang ganito ka!”

Yumuko ako dahil sa takot. Malakas ang boses ni Grandma na umalingawngaw pa ang kaniyang boses sa loob ng silid. Napakagat ako sa aking labi. Hindi ko alam kung anong gagawin kasi wala namang ibang tao rito sa mansion ma maaaring magtanggol sa akin. That's kinda sad because again, all I have is myself. Narito naman si Fresca pero wala naman siyang laban kay Grandma kaya wala na rin akong inaasahan sa kaniya.

Ladders of EleganceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon