Chapter 14

9 0 0
                                    

Chapter Fourteen

Halos mabilaukan ako sa nabasa ko sa translator. Iyong mga mata ko talaga pakiramdam ko'y lalabas na aytime now. Mas lalong ngumiwi ang itsura ko hanggang sa feeling ko hindi na ako ma-describe.

“Parang sira, lang?!” Hindi ko mapigilang sigaw.

“B-Bakit?”

Humarap ako kay Lai at ipinakita sa kaniya ang nasa translator. Pati siya ay nagulat rin at natigilan. Kitang-kita ko pa kung paano namula ang kaniyang mga tainga.

Sige. Ipaliwanag mo'to ngayon.

Nang sumulyap siya sa akin ay agad ko siyang tinasan ng kilay.

“A-Ah, ganoon pala meaning nun.” He smiled awkwardly. “Sorry na, hindi ko naman kasi alam na ganoon pala iyon. D-Diretso ko lang 'yan na hinablot dun eh kasi nagandahan ako. Pero hindi naman siguro iyon big deal di'ba?”

Tumikhim ako at binalik na sa aking bulsa ang cellphone ko. Hindi ko siya tinantanan ng aking titig kaya siya naman ay feeling ko malulusaw na. Mas lalong pumula ang kaniyang magkabilang tainga.

“Bakit naman ito ang pinili mo?” Turo ko sa hoodie jacket. “Tapos may heart-heart pa. Eh?!” I cringed.

“Okay lang iyan. Hindi naman halata eh kasi maliit lang naman.”

Hindi na ako umimik pa at hinayaan nalang iyon. Hindi ko nalang rin iyon hinubad kasi aminado naman ako na nilalamig ako kanina pa. Sino ba naman kasing tulad ko ang magsusuot ng revealing na damit gayong hindi naman ako sanay?

Habang naglalakad kami palabas ng mall ay panay ang titig sa amin ng mga tao. Gusto ko sanang isipin na dahil lang iyon sa pagkamangha nila sa itsura ni Lai pero who am I lying? Nakatitig lang naman sila sa suot naming dalawa pero nung lingunin ko si Lai. He seemed unbothered. Tsk.

“Siya nga pala, hindi ka ba pupunta sa pageant mamaya? Di'ba kasali si Séve?”

Pagkatapos naming mag-mall ay dumiretso kami sa isang restaurant. If I wasn't mistaken, friend ni Mommy ang owner nito. It is a high-end restaurant kaya nagi-guilty ako dahil baka maubos ko ang pera ni Lai. Though, sa ibang pinamili namin nag-insist naman ako na sagot ko na.

“Ano namang meron kung kasali siya?” sagot nito habang abala sa pagngunguya ng pagkain.

Umirap na lamang ako sa kawalan. Itong lalaking 'to talaga. Di'ba crush niya si Séve? “Tsk. Siyempre! Iche-cheer mo siya para motivation niya hehe.”

“Bakit ko naman siya iche-cheer?”

Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya. “Bakit hindi? Di'ba close kayo?”

“Kailan ko naman sinabing close kami?”

“Potek naman, oh.” Napahilot ako sa aking sentido. “Eh di'ba nag-date kayo nung una? Edi siyempre magkakilala na siguro kayo ng lubusan kasi ang tagal din nun. Tsaka baka nga may something na sa inyong dalawa eh.”

“Isang beses lang naman iyon.”

“Sure ka?”

“Kung meron man, ikaw naman ang una kong sasabihan. Di'ba?” Sa wakas. Hinarap niya na ako.

“Eh, malay ko ba? Kung hindi ko hinuhulaan ay hindi ko naman malalaman kung sino nga ba ang crush mo.”

Narinig ko ang kaniyang buntong-hininga. “Hindi ako mahilig manood nun. Lalo na ang mag-cheer. Tsaka nakakatamad na kaya pumunta ng school.”

“Sure ka?”

“Oo naman! Gusto mo call tayo mamayang gabi para ma-sure mo na nasa bahay lang ako? Pati na siguro sila Callum ay wala nang ganang pumunta ng school eh. Tuwang-tuwa nga iyon dahil one week ang event.”

Ladders of EleganceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon