Chapter 27

9 0 0
                                    

Chapter Twenty-Seven

Hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang tungkol sa pagpapa-imbestiga ni Mommy. Lalo na at ang hinihinalaan niyang may koneksyon rito ay ang isa sa mga taong malapit sa akin; si Freska. Gabi-gabi ko iyong iniisip at nangangating malaman ang anomang update tungkol roon pero alam ko naman na hindi iyon agaran matatapos dahil hindi naman iyon madali. Tsaka alam ko rin na ganoon din si Papa. We can't get over by that thing.

Pero kung totoo man na maling tao ang naituro sa imbestigasyon dati at ang tunay na suspek ng pagkabangga ni Mama ay buhay pa, hindi ko maaatim kung paano haharapin ang taong iyon. Nagsisisi man siya o hindi. The fact na siya ang dahilan ng pagkabuwag ng pamilya namin ni Papa ay sapat na na dahilan upang mag-apoy ang aking damdamin sa galit.

Sobrang bait ni Mama at ganoon lamang ang kinahantungan niya. Mula noong gabing iyon ay palagi na lamang akong nakatitig sa painting ni Mama na gawa ni Papa. Mas lalo ko tuloy itong nami-miss. Pero masaya akong kahit papaano ay nakapagpahinga na siya. Sana, kung ano man ang kinalabasan ng imbestigasyon, magkakatotoo na ang hiling namin ngayon na makuha niya ang hustisya---namin.

Tamad akong naglalakad sa mahabang hallway habang nguya-nguya ang candy na bigay ni Laikynn. Nang mag break time na ay nagpaalam ako rito na mag-CR muna. May fifteen minutes pa naman bago ang next subject eh.

Nakapamulsa akong pumasok sa CR ng girls mag-isa at kinatuwa ko naman na ako lang mag-isa roon maliban sa taong taga-linis ng CR. Napaghalataan ko iyon dahil may kumakalabog at buhos ng tubig na maririnig sa kabilang cubicle. Umihi ako roon saglit at lumabas na. Humarap muna ako sa salamin at inayos ang ponytail na gawa pa ni Laikynn. Lihim akong napangiti sa naalalang ginawa niya kanina.

Mukha raw kasi akong babaeng sumakay ng airplane na nakabukas ang bintana dahil sobrang gulo ng buhok ko. Kaya ayon, pinagsuklay ko siya at pinagpuyod ng buhok ko. Ang mokong, halatang hindi sanay takot lang matalakan kaya ayon ginawa ang lahat mapagtagumpayan lang ang buhok ko.

Napabalik ako sa aking diwa nang marinig ko ang padarag na paglabag ng isang balde sa aking likuran. “Oh, look who's here.”

Mula sa repleksyon ng salamin, nakita ko si Fabbiene na naka-school uniform na may hawak na mop at balde na may kalahating tubig. Halata sa itsura nito ang pagod dahil pawisan na ito. Umawang ang bibig ko nang makita siyang nakahilig sa dingding ng cubicle. Oo nga't last day na nang paglilinis niya ng CR ngayon.

“Fabbiene, please lang ayaw ko ng gulo.” Mataman kong sabi ngunit parang hindi iyon matanggap ng babae sa harapan ko.

“Oh really? Kamusta nga pala ang experience mo bilang ‘talk of the campus’ as a slut in a boyish outfit? Grabe ang plotwist mo 'no? You went from rags to riches and then when you became rich, you became cheaper! Wow, glow down season ba yan?”

Umigting ang panga ko sa kaniyang mga sinabi. I held my knuckles firmly at pinipigilang dumapo iyon sa pagmumukha ng babaeng ito. Hindi ko alam kung anong punto niya at pinapakulo niya na naman ang dugo ko.

“Alam mo Fabbiene, mas maaappreciate kita kung tatahimik ka riyan. Bakit ba gigil na gigil ka sa'kin? Tsaka bago mo kamustahin ang experience ko bilang ‘talk of the campus’, bakit 'di mo kamustahin ang sarili mo? Kamusta ang CR ng Luther International, mabango ba?”

She smirked. “Hindi. Kasing baho ng pagkatao mo.”

“Baka bunganga mo lang 'yang nasinghot mo, dinadamay mo pa ako!”

“You!” Marahan akong tinulak nito. Siya naman ngayon ang parang nag-aapoy na ang ilong sa galit. “I suffered all of this because of you! I doesn't deserve to be here, I am an Auclair for Pete's sake and I know you're silently smirking and celebrating because you drag me into the lowest with you! Ikaw nga ang mas nababagay rito eh at hindi ako!"

Ladders of EleganceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon