Chapter 2

63 7 1
                                    


Chapter 2

"Hey! Pwede ba? Tumingin tingin ka rin sa dinadaanan mo?! Meron ka namang sigurong mata no?" Sigaw sa kanya ni amethyst sa kanya pero umangat Lang ang mukha niya para tignan ako at hindi pinansin si amethyst at bigla nalang umalis.

"Aba! First time akong naganon ah?" Di makapaniwapalang angil ni amethyst sa amin.

"Ok kalang she? Di kaba nasaktan?" Tanong sa akin Nature. "I'm OK" Nakangiti kong sabi sa kanila. "sarap sapakin nung bumunggo sayo she!."gigil na sambit ni Amethyst.

"Sa totoo lang aroganteng tao parang hindi naturuan ng GMRC." inis na sabi naman sa akin ni Joyce.

"Hayaan nyo na, tara at kumain nalang tayo para lumamig naman mga ulo nyo." yaya ko nalang sa kanila at sabay na pumasok.

"Alam mo ba she? Kung ano ka kabait at ma intindihin, baliktad naman yun sa mama mo, buti din ang kuya mo is maalaga at mahal ka." Sabi sa akin ni Amethyst.

"Oo nga you like an angel living in hell, pano maging ganyan she?" Tanong na naman sa akin ni Nature.

"Yeah... in our generation now, yung mga kaedad lang natin ay maiisip na talaga ang salitang SUICIDE, dahil lang sa maliit na problema, career nila ang mag laslas ng mag laslas na para bang ang laki na ng problema pero, ikaw.....sa kalagayan mo ngayon, siguro kung hindi lang malawak ang isip mo baka nag pakamatay ka na dahil sa bitch mong ina.. Bat kaya ganyan yung ina mo?" mahabang lintaya naman ni Joyce

"Hayyst.. ayaw kong sayangin buhay ko
para Lang sa kanya no! baka maging masaya pa yun pag mawala ako." galit kong sabi sa kanila.

"Oo nga! Wag mong isipin yang nanay mo, baka akala niya worst ka na ngayon pero hindi pala, duh!"Mataray na sabi naman ni amethyst sa akin at kumain ng cookies and cream niya.

At pagkatapos ng mahabahabang usapan ay naisipan na namin lumabas at umuwi na.

Si Joyce at Amethysts ay nagsama Lang sa isang condo kaya magkasama silang umuwi, kami naman ni Nature ay naghiwalay na dahil naghihintay lang pala driver niya sa parking lot at ako naman ay naghintay lay kuya sa waiting shed ng mall, at after 15 minutes ay may pumaradang black sedan at alam ko kay kuya yun ay agad akong sumakay.

"O bat busangot mukha mo sis? Pangit ka pa nga mag pumangit kapa." natatawa nyang Sabi.

"Ganda ko kaya Alam mo kuya..ayoko ng umuwi sa bahay,hindi ko na masikmuraan ang pagsama kay mommy sa isang bahay.. at alam mo kagabi? Nag desisyon lang naman siya na ipakasal ako sa business partner niya, at si papa naman ay wala ng magawa.. I hate her very much!" Gigil na sambit ko kay Kuya.

"Hindi ko alam uan.." Takang sambit naman sa akin ni Kuya na nakakunot ang nuo.

"Pero baka may reason si mommy bakit niya ginawa yun lil sis... Ok, ito nalang let's have a deal." Sabi ni kuya sa akin at tingnan ako.

"Ano naman yun brader?" Bagot na sagot ko sa kanya na nakatingin sa bintana.

"Geh.. Pag ma valedictorian ka sa graduation mo.. Bibigyan kita ng kotse at condo pero katabi lang sa akin,para malayo ka sa ina natin." Sambit ni Kuya na ikinanganga ko sa gulat at natuwa siyempre.

"Talaga! As in really?!" Sigaw ko kaya napapikit sya dahil siguro sa sigaw ko.

"Alam mo wala naman ako sa malayo lil sis e, andito lang ako sa tabi mo kaya wag kang sumigaw dahil nabibingi ako." Sarkasmo nyang sabi sa akin.

"Sorry Kuya"agad akong nagpaumanhin at nag peace sign.

"Sige kuya deal ako!" Galak kong sabi sa kanya.

My Supposed To Be Husband(squad series #1) Where stories live. Discover now