Chapter 13

19 1 0
                                    


Chapter 13

Hayy.. Sarap gumising sa umaga, pero di talaga ako maka move on sa sinabi niya nung isang gabi.

Flashback..

"I really hate watching horror movies, pero pag iisipin ko na nandito ka sa tabi ko at magkahawak ang kamay natin.. Parang nawawala ang takot ko."  sambit niya na naka panigas sakin.

H-huh? Utal kong tanong sa kanya pero agad lang siyang ngumiti sakin at umiling bago nanood kina kuya na nagbabangayan.

End Flashback..

"Tama na shekinah! Move on kana ok??" Sambit ko sa sarili ko dahil yun nalang ang naging laman ng isip ko.

"Anong araw nga ngayon?" Tanong ko sa isip ko at tinignan ang kalendaryo sa bedside table ko.

"Biyernes na pala? Dali naman ng araw." Usal ko at naligo na tapos nag bihis.

***

"Kuyaaa!" Sigaw ko dahil parang tahimik ata ng bahay namin.

Oh! Mag-almusal kana!" Sigaw naman ni kuya galing sa kwarto niya kaya naman nagtungo ako dun at kumatok.

"Hindi ka sasabay?" Tanong ko sa kanya habang kinakatok parin ang pintuan.

"No, later nalang sis. Ikaw kumain kana dahil may pasok kapa." Ani niya sakin galing kwarto kaya hininto ko na ang pagkatok.

"Ok! Good morning kuya." Bati ko at agad niya yung sinuklian.

"Good morning din. Kumain kana." Sambit niya kaya tumango ako at nagtungo sa hagdanan.

Ng maka baba ako ay agad akong nagtungo sa kusina at nadatnan ko si manang na nag reready ng pagkain sa mesa.

"Good morning manang. Ano ulam natin?" Masiglang tanong ko sa kanya kaya agad na napabaling ang tingin niya sakin at ngumiti.

"Magandang umaga din sayo iha, halina't kumain kana. May pasok kapa." Usal niya kaya umupo na ako at nanalangin muna bago kumuha ng pagkain.

"Manang kain po tayo." Aya ko kay manang pero umiling lang siya sakin.

"Hindi iha, tapos na akong kumain." Sagot niya sakin kaya ngumiti lang ako sa kanya at nag simula ng magsubo.

Habang kumakain ay tumitingin din ako sa Instagram at habang nag iinsta. Ay biglang nag pop-up yung notif. ko at ng tingnan ko yun ay bigla ako at nabilaukan.

"Hoy! Ano ka ba naman iha! Hala! Inumin mo to." Tarantang sambit ni manang at binigyan ako ng isang basong tubig.

"A-ah manang ok lang po ako." Ubo-ubo kong usal kay manang habang si manang naman ay hinihimas-himas ang likod ko.

"Ano ba yun nakita mo sa telephono at bigla kang nabilaukan?" Tanong ni manang kaya napatingin ako sa kanya at umiling.

"Wala po. Hahaha." Ani ko sabay tawa para di ako mahahalata.

"Hay nako.." Sambit niya at iniwan na ako sa mesa.

At ng makaalis na si manang ay tinignan ko ulit ang dahilan kung bakit nabilaukan ako.

It's_Oliver started following you.

Yan lang naman ang dahilan kaya ako nabilaukan.

Babaw no?

Ng makita ko yun ay agad ko yung tinap at nakita ko agad ang acc niya.

Char. Nakaprivate.

Kaya agad ko itong finollow back kahit requested yung lumabas.

My Supposed To Be Husband(squad series #1) Where stories live. Discover now