Chapter 15

25 1 0
                                    


Chapter 15

"Hi." Agad na bungad sakin ng nasa pinto kaya nagulat ako at napa atras ako.

"U-uy! Ikaw pala tumawag sakin?" Tanong ko sa kanya kasi kating-kati na ako bumalik sa pad ni Nature.

"Yes, welcome to my pad Shekinah." Seryoso siyang sambit kaya sinunod ko naman.

Ang ganda ng pad niya.. Malaki siya keysa kay Shekinah na pad.

"Kumain ka na?" Tanong ni Oliver sakin.

Opo,si Oliver po may ari ng pad.

"Yeah, kumain na ako sa pad ni Nature bago ako pumunta dito." Sambit ko dahil bigla akong na conscious sa itsura ko.

"That's good... Eventually dalawa lang ang kwarto dito, isa ay guest room and the other one is mine."

"Hala.. Sa guest room nalang ako."

"No, san matutulog si manong?" Agad na bara niya sakin kaya napatingin din ako kay manong at bumuntong hininga.

"Oh edi, dito nalang ako sa sala." Ani ko sa kanya pero umiling siya.

"No, dun ka matutulog sa kwarto ko." Sambit niya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"E saan ka matutulog?"

"Dun din." Tipid niyang sagot at pumunta saglit sa kusina at ng bumalik siya ay may dala na siyang gatas.

"Drink it before you sleep." Seryoso niyang utos kaya sinunod ko naman, nakakapanibago naman di ako umiinom ng gatas bago matulog.. Well pwera nalang kung di ako makakatulog.

"Manong matulog kana." Sambit ni Oliver kay manong kaya napatianod naman si manong.

"Yes bossing!" Sambit ni manong at sumaludo sa amaw na si Oliver.

"Tsk. And you. follow me." Sambit niya at umalis, umirap muna ako saglit bago sumunod sa kanya.

"This is my room." Tipid niyang sambit ng mabuksan niya na ang pintuan.

"Wow! Anlaki ng kwarto mo buang!" Manghang usal ko sa kanya kaya agad na kumumot nuo niya at nagsalubong ang makakapal niyang kilay.

"What's buang?" Tanong niya sakin.

"Buang? Ano.. Uh pogi yun! Oo pogi nga." Tarantang pagpaliwanag ko sa kanya at tumango naman siya kaya ang pagkataranta ko napalitan ng mahinang tawa.

"Ikaw na sa kama, dito na ako sa couch." Sambit niya kaya tumango nalang ako at sumampa sa kama.

Inggit ako! Ang lambot ng kama niya.

Ang laki ng kama niya pramis. Halos 10 ka tao ata yung maano nito.

Agad akong bumaling kay Oliver na halatang hindi komportable sa couch.

" Psst! Wag ka na jan, malaki masyado kama mo, dito ka na." Sambit ko sa kanya kaya napabaling yung tingin niya sakin.

"Nope, baka malikot ka." Tipid niyang sagot kaya na offend ako saglit.

"Hoy excuse me! Di kaya ako malikot matulog." Agad na depensa ko at nilagyan nalang ng unan ang gitna ng kama.

"Halika na, choosy ka pa e, ayaw mo nun? Makakatabi ka ng maganda." Usal ko at tumawa habang siya naman ay poker face lang na tinitignan ako.

"Ambisyosa." Sambit niya at naglakad patungo sa kama niya.

"Pangit mo kabonding." Naiusal ko nalang kasi hindi siya tumawa.

Pero laking pasalamat ko nalang dahil lumipat na siya ng higaan.

"Don't snore ok?" Usal niya kaya umingos ako.

My Supposed To Be Husband(squad series #1) Where stories live. Discover now