Chapter 16

23 1 3
                                    


Chapter 16

"Kyahh!" Agad kong narinig kay nature ang pagtili niya.

"Ano ginagawa mo dito?"Tanong ko sa kanya kaya agad namang umangat ang kaliwang kilay niya.


"Diba sinabi ko na sayo na hintayin mo ako?"Tanong niya sakin at nilagay ang mga braso sa dibdib.


"A-ah kasi... Ano." Utal utal kong sagot kasi wala talaga akong mahanap na sagot kaya agad akong bumaling kay Nature at kumindat-kindat kay Nature at dahil nga matalino si Nature agad niya namang nakuha.

"Uh kasi Oliver.. Tinawagan ko siya para papuntahin dito ASAP." Agad na sagot ni Nature kay Oliver kaya ang uto uto namang si Oliver naniwala naman.

"And why is that?" Tanong niya.


"E kasi wala na akong sanitary napkin tanungin ko sana siya na-ay gago!" Agad na sigaw ni Nature dahil sa kahihiyan.

"I understand. Pwede ba akong pumasok?" Tanong niya kay Nature na namula ang pisngi sa kahihiyan.

"S-sure." At tumabi para maka pasok si Oliver.

"Gago, bwahahaha!" Halkahak ko nang malayo na si Oliver samin.

"Tumahimik ka She! Shuta bat ko yun nasabi?" She said in horror.


"Halika na nga." Sambit ko at hinila siya patungo kusina.


"Ang buang ko dun she.. Jusko," agad na ani niya sakin ng makapasok kami ng kusina.

"Bat mo kasi nasabi yun? Bwahaha." Agad na tanong ko sa kanya kaya agad siyang bumaling sakin at nang makita na naka tingin ako sa kanya ay nag iwas din ng tingin.


"Hindi ko Alam, nawala ako sa sarili ko hindi ko alam na yung Iniisip ko na sabi ko na pala." Agad na sagot niya kaya napatango ako.


"Sus, he understand naman daw." Pagconyo ko sa kanya.

"Gago! Halika na nga."


"Hoy gagi maliligo muna ako." Agad na singhal ko nang hilahin niya ako patungong sala kung saan naroon si Oliver.


"Ay! Nakalimutan ko! May sasabihin pala ako sayo." Agad na sambit niya at binalingan ako.


"Di daw matutuloy yung prom." Agad na sambit niya kaya lumaki yung mata ko.

"Hala! Bakit daw?" Tanong ko sa kanya pero nagkibit balikat muna siya bago nagsalita.


"E kasi daw, may bagyo and then hindi pa daw ngayon ang panahon para mag prom.. So sa January daw." Mahabang lintaya niya sakin.

"January... Sana sa birthday ko." Sambit ko kaya agad na lumiwanag yung mukha niya.


"Great idea, pero hindi tayo ang nag handle ng prom. So wala tayong karapatan magsabi kung ano ang exact date ng prom."

"Oo nga e."


"Ay she! Malapit na birthday kooo! Chuchu. 18 na talaga si me!" Pagsayaw sayaw niya sa harap ko kaya napatawa ako.

"So what's the plan?" Tanong ko sa kanya.

"Siyempre big celebration yan.. Ayaw ni mommy na simple party lang, dapat daw memorable ang debut ko." Lintaya niya.

"18 shots lang nat." Biro ko.


"Gusto mo suntukin kita sa leeg mo?" Banta niya kaya agad kong tinaas ko yung dalawang kamay ko tanda ng pag suko.

My Supposed To Be Husband(squad series #1) Where stories live. Discover now