Chapter 4

33 4 0
                                    


Chapter 4

Naglagay lang ako ng lipbalm sa aking labi at pinonytail yung buhok ko, I'm wearing a very comfortable off-shoulder white dress hanggang tuhod yung haba, at pinarisan ko ito ng white sandal na may laso sa gilid, pagkatapos nun ay muli akong tumingin sa salamin at bumaba na.

Pagkababa ko ay agad kong nakita si kuya sa dulo ng hagdanan na naka pamaywang si papa naman ay naka upo sa couch at si mommy naman ay naka krus ang mga braso malapit sa pintuan.

Nang maka baba ako ay agad na nilahad ni kuya ang kanyang kamay kaya agad ko din yung hinawakan, pero nilagay niya yun sa kanyang braso at ngumiti sakin.

"Kahit ganyan ka, pangit ka parin sa paningin ko" bulong sa akin ni kuya.

"Che! Ikaw mukha kang gorilla sa suot mo di bagay!" Bulong ko ring sigaw sa kanya kaya na tawa kaming dalawa.

'Gosh you three are so drama! Enough of that drama guys, let's go we gonna be late. Ani niya at tinuturo yung relo niya.

"Inggit pikit." Bulong kong sambit ng tarayan niya ako at nauna nang lumabas.

"Tara na" malumanay na sabi sa amin ni papa at inalalayan ako maglakad.

Nang makasakay kami ng kotse si papa sa driver's seat, mommy naman sa passenger seat, at kami ni kuya sa back seat.

Dahil malayo layo pa daw ang byahe todo chika naman tong kuya kong abnoy. "alam mo sis? Malapit ko na talagang masesante yan si Jessica, wala ng ginawa kundi awayin ako hindi ko alam bakit, hay nako talaga sis."Pagsusumbong sa akin kuya.

"Share mo lang?" Pangingiskor ko sa kanyang tanong kaya umasim yung mukha niya.

"Kuya kanina kapa sa Jessica-Jessica jan, walang kanang bukang bibig sa byahe kundi Jessica nalang, type mo sya no?" Tukso ko sa kanya pero mahina lang boses ko, baka marinig nung bruha.

"Ah, eh, eh w-wala N-no! Of course not." utal - utal na sabi ni Kuya sa akin.

"Syur ka Jan?" Tanong ko sa kanya ng may demonyong ngiti at inakbayan ko sya.

"Alam mo kuya, sabihin mo na sa akin,para mailakad kita kay ate." Tukso ko ulit.

"Ewan ko sayo" inis na Sabi sa akin ni Kuya at umirap.

"Alam mo Kuya? Ang kyut mo... Kyut mo ihagis sa bermuda triangle."Sarkasmo kong sabi sa kanya at tumahimik nalang at nakikinig nalang ng musika.

"Kuya punta tayo sa pad mo bukas?? Sunduin mo ako ha??" Pangingiba ko ng usapan.

" Sure why not? Ano oras labas mo bukas??" Tanong niya sa akin.

" Mga 2 Ata ng hapon Kuya, basta I text you nalang bukas ok?" Tanong ko sa kanya.

"Syur" naging sagot nalang Nya.

"Nandito na tayo." Anunsyo ni papa sa amin habang pinapark yung kotse sa parking lot ng restaurant,ng mapatay ng ang makina ng kotse ay bumaba na agad ako, ayoko ng pag buksan, basta ayaw ko lang.

Ng makababa na sila ay agad nagtungo at pumasok sa restaurant kami naman ni kuya ang sumunod.

"Kumare!, Kumpadre! Good to see you again!, Have a seat!" Bati sa amin ng kaedad lang ni mommy siguro pero angganda Nya.

"Fran! Dan! Have a seat... Is this your daughter Dan?" Tanong nung lalaki na kasama ng babae Kay mommy.

"Yes this is my daughter, her name si Shekinah Louis Shein 16 years old and, my son Andrew Darwin Shein 26 years old, bachelor na yan..." Pagmamalaki ni mommy Kay Kuya, pero si kuya ay poker face lang, halatang di nagustuhan ang Pagmamalaki ni mommy sakanya.

My Supposed To Be Husband(squad series #1) Where stories live. Discover now