"Babe!" sigaw niya.
Hay bat ba ang ingay niya lagi.
"Good morning Blake!" bati nito sa akin na may malapad na ngiti, sinuklian ko na lang din ito ng isang ngiti at mahina na ginulo ang buhok niya.
Para siyang bata, lalo na din kasi malayo ang agwat ng tangkad namin.
"Morning, Chloe." sabi ko at hinalikan ang noo nito.
Ngumiti naman uli ito ng malaki at hinatak ako papasok sa school. Hindi din na nito pinadala pa ang bag niya tulad ng mga ex ko noon.
"Babe una ka na sa klase mo." ngisi nito nung dumating na kami sa harap ng room ko.
Ewan ko nalang kung sasaya ako o maiinis dahil siya pa talaga yung naghahatid sakin tsk!
"Sige babe." sagot ko nalang at tatalikod na sana pero napahinto ako ng bigla ito tumingkayad at dumanpi ng isang halik sa labi ko bago ito patakbong umalis.
"Uy dre! Hinatid ka naman ata ng gf mo ah!" patawang tukso nung mga teammates ko na agad ko din namang sinamaan ng tingin.
Pinaalala pa, mga gungong.
.
.
."Babe! Ito na oh, kain ka na." pag-agaw nito ng pansin ko na may hawak hawak na kutsara na may pagkain.
"Babe, marunong naman akong kumain." marahan kong tanggi pero umiling lang ito.
"Sige na kasi." ngiti nito sakin at nilapit na ang kutsara sa bibig ko.
Napatitig naman ako sa mga mata nito na hindi talaga sumusuko. Bat ba kasi ang ganda ng mata niya?
Sa huli ay sinubo ko lang din ang bigay nito at muli ay dinig ko ang impit na tawa ng mga kaibigan ko.
Kainis naman!
.
.
.Kakatapos lang namin practice sa soccer at andito uli si Chloe sa tabi ko. Ewan ko ba pero lagi siya andito.
Tuwing lumilingon ako ay andun siya at ngumingiti sakin kaya medyo napapawi din yung pagod ko.
Ngunit meron lang talagang pinaka-ayaw kong ginagawa niya.
"Babe, punasan na muna natin yang pawis mo." agad niyang lapit sakin na may towel na dala dala.
Tatanggi na sana ako pero naunahan niya ako sa pinunasan na nga yung mukha at leeg ko. Kasama na din yung likod ko.
"Pfft!" rinig kong pigil na tawa ng mga kateam ko kaya nainis naman uli ako.
/"Parang may nanay lang si Blake ah"/ dinig kong bulong nila
/"Parang bata siya tingnan dre"/ saad pa ng isa
"Babe tama na." mahina kong saad
"Teka lang... Ang basa pa ng likod mo oh." sagot niya
"Babe tama na kasi!" mahina kong sigaw na agad niyang ikinatigil. Kahit ako mismo ay nagulat sa inasal ko.
"Si-sige." kahit na pinilit nitong hindi ko mahalata ay dinig ko pa din ang pagkautal nito.
"Babe so—"
"Dun na muna ako sa bleachers, Blake." ngiti na nito sa akin kaya napabuga ako ng hininga na naitigil ko pala saka ngumiti din sa kanya.
"Sige, madali na lang naman kami dito. Ihahatid kita sa inyo." sabi ko na siyang mas ikinalapad ng ngiti niya. Buti naman.
.
.
.
Interhigh Prelims...
YOU ARE READING
The Mystery Between Miseries (A Collection of One-shots)
Short StoryThere are a lot of mystery in our world, some makes us doubt if what we know are even true, a lot may give us anxiousness and there are also those that makes us curious. Mysteries are everywhere, so are our miseries. Those miseries came from somethi...