ANOTHER DAY
IKATLONG KABANATA:
SULLAVIN CLAN⚰️
"I-ikaw yon! Sabi na nga ba hindi ako nababaliw." Bulong lang yung dulo.
"Hindi kaya." He's teasing me huh? I knew it he's the guy who save me at monster but failed to save me on bangin!
But he's extraordinary right? Baka sya ang makasagot sa lahat ng katanungan ko!
Yumuko siya ng maginoo at binati ako in a manner way tsaka inilahad ang kamay, masyadong maputi ang kamay nya at mahaba ang mga daliri nito. Hinawakan ko ito at pinakiramdaman. Masyado syang malamig kumpara sa amin. At isinayaw nya na ako. Ramdam na ramdam ko ang malamig nyang palad sa katawan ko kahit pa makapal ang dress ko.
"What are you thinking?"
Damn his voice are too real to handle. Ugh i hate this! His husky voice make me blush.
"No, i-its nothing- i mean b-bakit ka nandito? Tsaka hindi ko naman sinulat ang pangalan mo sa 18th roses ko ah?" Kinurot ko sya unti sa tagiliran na ikinatawa nya ng kaonti.
"Ah yun ba? Ampanget naman kasi ng pangalan ng boyfriend mo. Alam mo? Hindi kayo bagay."
"Neknek mo." Kaasar parang sya yung may hawak ng buhay ko ah?!
"Hays ayoko na nga magbiro di bagay sakin e. Ngayon kasing gabing ito, simulan mo nang magpaalam sa lahat kasi kukunin na kita."
Kinurot ko ang tagiliran nya.
"Uy ano ba nakakakiliti."
"Para ka kasing si kamatayan kung magsalita." Saad ko.
"Hindi mo pa nga nakikita si kamatayan e, tsaka si kamatayan masasama lang kinukuha nyan at kung mabuti ka liwanag na puti lang ang kukuha sayo." Wow. Dami netong alam ah?
"Hindi ko naman tinanong, bida bida." Asar ko na ikinatahimik nya. Oh diba instant abnormal.
"Pero di nga? Seryoso ka?" Saad ko. Paano ba naman kasi, he's a freaking crazy if he think na sasama ako sa kanya. Tsaka totoo pala yon?
"You need to, I can read your mind if i want to, hawak ko na ang buhay mo Serenity. Kasi i gave you two lives, that one is last year. the two is when you are on your moms tummy, manganganak na sana sya non kaso naaksidente sya kakamadali ng family mo magdrive naaksidente sila at ikaw ay namatay na doon kaso napadaan ako dun that time and your mom is begging me to save you ah basta pag sumama ka sasagutin ko ang mga tanong mo."
Gusto kong malaman ang lahat pero...
"At kung hindi, masasayang lang ikatlong buhay mo sa huling pagkakataon na yon hindi na kita matutulungan." Seryoso nyang saad. Bakit? Kapalaran ko bang mamatay?
"Pwede bang pag isipan ko muna? Kahit hanggang bukas lang. Sige na?"
"Sige pag-isipan mo at inaabangan kana nila. Kay tagal kitang inantay kakatwa lang na isang tao ang ibinigay sakin at hindi isang bampira o kahit ano mang immortal kagaya ko." Choosy neto. Gusto ko sanang isingit kaso wag na lang baka mapikon e mamatay pa ako ng tuluyan.
—
Nagsulat na kaagad ako ng note sa mga importante sakin at nag-impake na.
Mga limang maleta lang naman ang dala ko actually kulang pa nga yan e pero inisip ko baka hindi kayanin ni Chamber at ng sasakyan nya ang bagahe ko.
Sullavin nga pala sya,. Parang may naalala ako.. ahm alam ko na! Yung sinabi ni lola! Pero sabi nya layuan ko daw ang mga Sullavin? Eh mukha namang mabait sila tingnan mo oh konportable pa nga ako at feeling safe when he's around.