NINE
---
Nathaniel Mint Monteverdi's POV
Gusto ko ba si Tasha?
Kung yan ang ang itatanong mo sa akin, dalawang letra lang ang masasabi ko sainyo..
N-O..
Pero kung ito ang itatanong niyo..
Mahal ko ba si Tasha?
Dalawang letra din lang ang isasagot ko sainyo..
OO
Kelan pa?? Kahapon lang.. de joke haha..kung di niyo lang maitatanong, lagi kaming magkaklase ni Tasha nung grade school kami...kaso nga lang, di niya ako napapansin..i was kinda sickly and dull back then.. but i've always admired her..napaka sigla niya kasi, mahilig makipag kaibigan, she was everyone's favorite.. kaya nga dati pag may nagtatanong nung bata pa ako na kung sino daw ang crush ko, laging si Tasha ang isinasagot ko.. haha..
Pero nung lumipat ng school si Tasha nung grade 5 kami..sobra akong nalungkot, iyak ako ng iyak nun.. si Thello lang nakakaintindi ng nararamdaman ko dati..kaya yun, noong grade five din ako unang nakatikim ng alak.. grabe dalawang shot palang Knock Out agad kami ni pards..haha
High School, freshmen year nung nalaman ko na sa MH din napasok si Tasha.. sobrang saya ko nun! Di ko mapigilang magkwento kay pards kahit puro tango at iling lang ginagawa nun...Sumali pa ako nun sa basketball team para lang dagdag pogi points haha.. ang hirap kaya makapasok dun! Buti nalang may kapit ako..haha kay pards.. pft..
Nung una, sinusundan sundan ko muna si Tasha..tas ng makompirma ko na talagang si Tasha ko na talaga yun..saka na ako gumawa ng mga hakbang..
Nung Sophomore year namin, balak ko nang mag tapat sakanya..kaso nga lang..naunahan ng kaba at takot... Junior year..mas lalo akong kinakabahan kapag malapit na siya..kumukulo ang tiyan ko na parang ewan.. di ko maintindihan kung nauutot ako, kung nagugutom ako o napapa pupu ako.. haha. pero nang mga panahong iyon, alam ko na sa sarili kong.. mahal ko siya..
At ngayong senior year.. nag step up na ako sa panliligaw! Patago lang kaso haha.. napupuno ko nga ang locker niya ng mga chocolates kada lunes, nabibigyan ko naman siya ng mga bulaklak (palihim lang kaso xD) kada martes, sinusulatan ko din siya kada miyerkules, nabibigyan ko siya ng mga paborito niyang pagkain kada huwebes, pero kahit pauli ulitin pa ang isang buong linggo, di ko pa din makayang magtapat sakanya kahit sa araw ng biyernes..
Torpe nga talaga ako, biruin niyo..malapit na ang graduation..pero wala pa din..natotorpe akong aminin sa kanya..
"Eh ba't ka naman nandito? Bakit sakin ka nanggugulo?" Tanong niya sakin..
"Kasi gusto kita" pabulong kong nasabi sakanya..
Shet!! Tangene! Nadulas ako! Sana di niya mapamsin.. sana di niya narinig!
"Ha?" Sabi niya..
YES!!! Mukhang di niya narinig!!
"Kasi gusto ko ng fita.." mabilis kong sagot sakanya..
Please sana lumusot sana lumusot!
(⊙o⊙)?---> Tasha
"ha? Eh wala naman akong fita dito ahh! Pft.. kulit mo talaga.." sabi niya sakin..
"Kung alam mo lang, hindi fita gusto ko, kundi ikaw mismo.." bulong ko sa sarili ko..
Alam kong di niya narinig yun... halatang nakakunot ang noo niya eh..sumisikip na din ang dibdib ko.. di ko na kayang kimkimin ang nararamdaman ko.. kelangan ko na talagang sabihin sakanya..
BINABASA MO ANG
Pretty Little Stalker
Подростковая литератураA story about a girl stalking the "ace" of Morrison High. We'll get to know how a beautiful crazy girl fall in love with the boy of her dreams. All her troubles just get close with him and all her crazy "out-of-this-world" antics just to get to know...