EIGHT
---
"Hayys..." buntong hininga ko, tinutusok-tusok ko yung karne ng baboy habang iniisip ko yung mga pinag usapan namin ni Euphy pagkatapos nung scrimmage game..
Mag isa lang akong kumakain ngayon dito sa cafeteria ng lunch ko.. si Euphy kasi! Di daw ako kakausapin hanggang di ko ginagawa yung dare niya!
Kelangan ko na talagang mag tapat sakanya ng mga nararamdaman ko at syempre sa mga pinaggagagawa ko... tutal.. pa graduate na din naman kami.. ilang linggo nalang... tsaka totoo naman talaga ang mga sinabi ni Euphy, di ko naman siya pwedeng panghabang buhay sundan nalang...
Though I already planned on going to the same university kung saan din mag-aaral ng college si Gabe hihi..
its already Thursday at wala pa akong ginagawang plano para sa gagawin ko bukas.. at dahil diyan mas diniinan ko pa ang pagtusok tusok ko sa karne.. =_____=
"kawawang karne, lutay lutay nayan oh! Tsk tsk.."
Guess who?
=_______________=
"anong ginagawa mo dito Mint?" I monotonously asked..
"Hmmm..kakain?" Sabi niya sabay lapag ng tray ng pag kain niya...napansin kong pareha kami ng pagkaing kakainin kaso nagalang yung akin, yung karne ko lutay lutay na.. na double dead ko ata.. pft
Napansin ko namang almost lahat ng mga mata sa Cafeteria ay samin nakatitig..
'Tss, this guy..what an attention grabber..'
"Bakit kasama ni Mint my loves yung babaeng yan?" - sabi ng isang babae
"Diba si Tasha yun ng class B-4??"
"Baka liligawan ata ni Mint si Tasha, di pwede yun!" Sabi naman ng isang boses lalaki
"Ui si Mint tas si Tasha oh.." - bulong bulungan naman nung iba
'Hayys yan tuloy.. pati ako napaguusapan na din" =_________=
"Di ba dun ka dapat nakaupo?" Sabay turo sa upuan ng basketball team
"You shouldn't be here" dagdag ko pa habang ibinalik ko nanaman ang pansin ko sa kawawang karne at tinusok tusok uli iyon..
"Says who??" Nagulat naman ako nung bigla niyang kinuha yung walang bawas na lutay lutay na karneng ulam ko at pinalitan niya nung sakanya...
"Hey.. thats mine!!" Sabi ko sakanya..
"No... thats yours now..tsaka mas masarap ang lutay lutay na karne kaya akin nalang to ahh pfft.."
=__________=
Sinimulan ko nanamang tusok tusukin yung karne na ipampalit niya.. argghh..
"Papatayin mo pa yan? Eh patay na yan aahh!! Kita mo naluto na nga!" Pang aasar niya..
I glared at him and stabbed the meat even more..
"Paki mo! Binigay mo na to eh!"
Isinangka ni Mint yung ulo niya sa nakatukod na braso niya..
"Di ka ba kakain?? Naka diet ka ba?? Ayaw mo ba niyan?" Sunod sunod na tanong niya..
"Kulit mo din nuh! Bat ba ang dami mong tanong?" =______=
wala siyang isinagot.. kundi pinalapad lang niya ang kaniyang ngiti..
^_______________^ ---> Mint
"You're annoying you know.." sabi ko..
"I know.." sabi niya..
Nagsimula nalang akong kumain.. baka kulitin pa ako nitong asungot na to eh...
"Alam mo, you're weird.." sabi niya habang nginumguya
"Pfft.. at ikaw pa ang may ganang mag sabi niyan ah.. eh ikaw nga tong susulpot sulpot nalang kung saan saan na parang kabute.." sabi ko habang isinusubo ang isang buong kutsarang puno ng kanin..
"afgsjjdgjsk *chew* afgshsjdh neym *chew* aagknxhsjka kabuti *chew chew* " dagdag ko pa habang ngumunguya ng pagkain..
"Pfft.. di ko naintindihan sinabi mo haha.."
=______________=
*BIG SWALLOW*
"Ang sabi ko...Dapat nga ang name mo ay kabute!! Pfft bingi.."
Mint Glared at me.. haha ang cute! With the nose all scrunched up haha..
"Narinig ko yun aaahh!!!" Sabi niya..
Haha.. natatawa talaga ako sakanya.. ang kyuuuut xD
Tawa kami ng tawa ni Mint.. kulit kasi eh.. haha.. Kahit naman pala asungot tong lalaking ito, nakakatuwa din naman pala siyang kasama at sobrang ingay din haha.. hep-hep! But this doesn't mean na friends na kami! Haha
Tas kung ano ano pa napag usapan namin.. marami akong natutunan tungkol sakanya haha at karamihan ng gusto at trip ko gusto niya din haha.. magkakasundo talaga kami nito!
"Hahahahaha!! Oo nga! Pano mo nalaman yun?? Haha xD tas ito pa! Isang beses napagtripan kong lagyan ng pekeng ipis yung juice ng klasmeyt ko dati sa gradeschool haha tili ng tili pramis nakakatawa!!" Kwento ko sakanya.. at tumawa naman siya..
"Grabe ka pala! Haha akala ko pa naman matino ka! Pfft.."
sinuntok ko ng pabiro yung braso niya tsaka tumawa..
"Naku pasalamat ka talaga at di mo ako naging kaklase nung gradeschool.. pfft haha xD si Euphy nga hirap na hirap bantayan ako.. haha ang kulit ko daw kasi dati eh.."
"haha.. hanggang ngayon din naman ahh.." pang aasar niya habang malapad ang ngiti na pati yung dimples nakikita na tas yung mga maliliit niyang mata nawawala na pfft xD
Napalibot ang tingin ko sa cafeteria... pansin kong napaguusapan na kami ni Mint.. haha ang lakas kasi naming mag tawanan eh.. pero isa talaga naka agaw ng pansin ko..
Si Gabe..
Pero ba't ganun?
Nakatingin siya samin..
Naka kunot ang noo niya?
Is he glaring at us?
---
Ac/N (Ambot-chi's Note):Grabe, nagkaka mabutihan na si baby Mint ko at si Tasha haha.. oh well its still hell week here samin so para marelease ang stress i wrote this!!
Eneweys... SALAMAT PO SA MGA NAGBABASA!! *^O^*
notify me if there's something wrong, aratji?? sorry for typo's kulang kulang, sobra sobra, ulit ulit or misspelled words... thankie dears~
PS thank you sa WiFi GV hotel xD
Ciao~
BINABASA MO ANG
Pretty Little Stalker
Teen FictionA story about a girl stalking the "ace" of Morrison High. We'll get to know how a beautiful crazy girl fall in love with the boy of her dreams. All her troubles just get close with him and all her crazy "out-of-this-world" antics just to get to know...