FIVE
Tashanie Aint G. Montreal on the pic.. kulet! Isipin niyo nalang na ganyan ang suot niyang pantulog pfft..haha
---
"Gabe, uhm.. may sasabihin ako sayo"
Matangkad at matipuno ang pangangatawan.. blonde ang buhok at maputi. Nakasuot siya ng uniporme ng Morisson High ang lalakeng nasa harapan ko, kaso nga lang nakatalikod siya sakin.
Hinawakan ko ang braso niya...
"Gabe tumingin ka naman sakin oh, may sasabihin ako sayo..." sabi ko sakanya ng hinigpitan ko lalo ang ang aking pagkakapit sakanya...
Sasabihin ko na sakanya ang nararamdaman ko..ipapa alam ko na sa lalaking inii-stalk ko for 2 months na gustong gusto ko siya.. wala nang atrasan to!
Kinabig ko uli ang braso ng lalaki sa aking harapin ngunit ayaw parin niyang tumingin sakin..
Grabe naman tong si Gabe pakipot pa! Sinabi ko na ngang tumingin siya sakin eh!
"Gabe uyy.. tumi-"
napatigil ako sa susunod kong sasabihin nang biglang may humablot ng kamay ko sa pagkakahawak sa lalaking nakatalikod sa akin ..
"Euphy? Anong ginagawa mo dito?"
"Ang sama mo! Alam mo naman na may gusto ako kay Mint diba? Ba't mo siya inaagaw sakin?!"
With confusion written all over my face, tiningnan ko sa mata si Euphy...
Hala! Paiyak na si babae!
"Uyy.. uhh.. uy.. wag ka iyak Euphy ui! Ano bang ibig mong sabihin?"
"akala mo di ko makikita?! Tasha bobo ako minsan, Oo... pero di ako tanga para di malamang linalandi mo ang lalaking mahal ko!"
(⊙o⊙)?
Huh?
What?
Nani?
Mwo?
Ano?
"Are you out of your mind?! Nakita mo nang ang kasama ko si Gabe diba? Ito oh!"
Itinuro ko ang lalaking blonde and buhok na nakatalikod samin..
"Gabe.."
tawag ko sakanya ng unti-unti siyang humarap samin...
Unti-unting napalitan ng pag ngiwi ang ekspresyon sa mukha ko nung makita ko ang mukha nung lalaki..
=________________=
"Hi, I'm Mint.." sabi nung lalaki..
Anak nga naman ng lalaking nagngangalang Gabe na may blonde na buhok na tinubuan ng napaka pangit na mukha ng lalaking nag ngangalang Mint
=_______________="
Tangnene.. si Mint nga! Pero pano nangyari yun? Blonde ang buhok ng lalaking nakatalikod kanina at sigurado akong si Gabe yun!
Pano napunta si Mint dito?
Krriiiiiiiiiiiiinggg~ Krriiiiiiiiiiiiiiiingggg~~
Napabalikwas ako ng higa sa kama ng iminulat ko ang aking mga mata..
BINABASA MO ANG
Pretty Little Stalker
Novela JuvenilA story about a girl stalking the "ace" of Morrison High. We'll get to know how a beautiful crazy girl fall in love with the boy of her dreams. All her troubles just get close with him and all her crazy "out-of-this-world" antics just to get to know...