**
Dalawang linggo na ang nakakalipas nang magsimula ang klase. Normal lang naman ang mga nangyari. Lesson at training for the past weeks. Sa ngayon, yung anim hinahasa pa nila lalo yung abilities nila sa tulong ni Sir Van at ako naman ay hinayaan ni Sir na alamin sa sarili ko yung ability ko.
Everything seems normal the past weeks except sa mga magulang ko. Noong umuwi kasi ako noong first day sa bahay, binalita ko agad sa kanila na sa S class ako nabilang.
“Mom! Dad!” Pagbati ko sa kanilang dalawa pagkauwi ko.
“Hi sweetie” Kiniss naman nila ako.
“May sasabihin ako. Alam niyo ba sa group ng S class ako napunta. Ewan ko nga kung anong nakita ng elders at doon ako nilagay e. Nabulag na ba sila? Hahaha.” Pagbibiro ko.
Pero napansin ko hindi sila tumatawa at seryoso lang silang nakatingin sa isa’t isa. Bakit parang di ata sila masaya?
“Mom? Dad?” Pagtawag ko sa kanila.
Tumingin naman sila sakin at yung serious faces naman nila ay napalitan ng mga ngiti. Mga ngiting alam kong pilit at hindi totoo.
“Ah. Wala. Naisip lang namin. Gusto mo bang lumipat ng school?” Tanong ni mommy.
Ha? Lumipat? Ng school?
“Bakit naman po? Ok naman yung school ko ah.”
“Ah. Wala naman. Naisip lang namin ng mom mo. Sige nak, magpahinga ka na sa taas, malamang pagod ka sa buong maghapon mo.”
Tiningnan ko lang sila bago ako naglakad papunta sa kwarto ko.
Oh di ba? Ang weird nila? O ako lang nag-iisip ng ganoon. Pero ayokong lumipat ng school dahil nandito mga kaibigan ko. Hay bahala na nga, di ko na lang iisipin ung sinabi nila mom.
Kasalukuyan kaming nasa training room sa Murasaki Building at hinihintay si Sir Van. Ngayon daw kasi niya kami papipiliin ng mga weapons na pwede naming magamit sa mga laban namin.
“Ang tagal ni sir. Nagugutom na ako.” Pagrereklamo ni Summer.
“Kakakain mo lang kanina ah. Ang takaw mo talaga. Tataba ka niyan.” Pangungutya ni Autumn.
“Ehhhhh. Bilhan mo na lang ako Tumn. Dali naaaa.”
“Yuck! Wag ka nga mag-puppy eyes at magpout diyan. Di bagay.”
“Hahahahahaha.”
Tiningnan ni Summer ng masama ang tumawang si Keith.
“Shut up.”
“Oh bakit? Di naman ikaw tinatawanan ko ah. Ito kayang binabasa ko. Feeling masyado.” Sabay taas ng manga na binabasa.
Inirapan lang siya ni Summer at di na pinansin. Hay, itong dalawang ‘to talaga.
Sa kabilang banda nakita kong nasa isang sulok lang si Ash habang sina Darwin at Yuki naman ay nag-uusap. Madalas ko ata sila makitang mag-usap. Ano naman kaya ang pinaguusapan ng dalawang iyon.
Bigla kong naalala yung naging usapan namin dati nila Summer sa cafeteria.
“May problema ba Yuki?”
“Ah. Wala. May iniisip lang ako.”
Tumingin naman siya bigla kay Summer.
“And don’t bother asking. ‘Cause I won’t tell.”
“HAHAHAHAHAHA!” Sabay naming tawa ni Autumn.
“Pero Yuki. Ikaw ah. Bakit mo nilapitan si Darwin kanina? Ayieeee. Nagdadalaga ka na ba? HAHAHAHA!”
Sinamaan siya ng tingin ni Yuki kaya napatigil siya sa pagtawa.
“That was nothing. Don’t make it a big deal.”
May kinalaman kaya yung paguusap nila dati at ngayon. Hindi kaya… tama nga si Summer at may gusto itong si Yuki kay Darwin. Ahihihihi. Maasar nga siya mamaya.
Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip sa pangaasar ko kay Yuki nang dumating si Sir Van.
“Guys, ipopostpone ko muna ang weapon selection natin ngayon.” Bungad ni Sir pagkadating niya sa training room.
“Bakit naman po Sir?” tanong ni Keith.
“We received an urgent case. And you, S class, will be the one to solve it according to the intelligence.”
Nagpantig ang pandinig ko doon sa sinabi ni Sir. S class daw oh. Kahit dalawang linggo na ang nakakaraan simula nung mapabilang ako dito, hindi pa rin ako sanay na matawag na S class. Ang saya sa feeling.
“Anong case sir?” Tanong ni Yuki.
“You need to solve a serious killing case. The killer is using bombs. By merely looking at the death bodies of the victims, walang kahit anong sugat at aakalain lang na nahimatay sila. Pero nakita sa autopsy ng mga bangkay na may mga sabog na part sa mga body organ which caused their death. Kaya we assumed that the killer is a bomber, though hindi pa namin alam kung paano niya iyon nagagawa pero it might be related to the killer’s ability.” Pagpapaliwanag ni Sir.
“Now, I want the seven of you to find the killer. This is your first mission. Stop this serious killing and arrest the killer as soon as possible.”
“Yes Sir.”
Napatingin ako sa kanilang anim na sumagot. Nakikita ko sa mga mata nila ang excitement sa mission na ito. Pero bakit ako hindi ko magawang maexcite? Kinakabahan ako. This is our first mission. I must not fail in this.
**
BINABASA MO ANG
DREAM
Science FictionOngoing. Will the feelings of love overcome the feelings of revenge?