Chapter 1 - Who are you?

91 5 0
                                    

YEAR X781

“Mom, I’m leaving. Bye!” I said as I kissed my mom.

“Ok. Take care” said mom waving. I smiled then leave our house.

I’m walking my way to school. Malapit lang naman so I’m fine in walking and also it’s my way of exercise. Ahh! Excited na talaga akong makarating sa school. I really miss these friends of mine. Hindi kasi kami nakapagkita nung summer break dahil may kanya kanya silang lakad.

Oh, by the way. I’m Kairin Mische Nagato. Seventeen at ako ang bunga ng pagmamahalan nina Kaizen at Rina Nagato. I’m a first year junior high school student. Nagtataka siguro kayo kung bakit seventeen na ako pero first year pa lang ako. Well, iba kasi ang training and education sa country na ito. But before anything else, I’d like you to know that this is not an ordinary country. Because our country is not composed of normal people but espers. Yes, espers. Ibig sabihin, those who have powers and special abilities. Espers here are ranged from level 0-5, 5 being the most powerful. It is believed that level 0s are different from normal people. Kasi sabi ng mga nakatataas, ang mga normal daw ay walang pag-asang maglevel up unlike level 0s.

Oh. Right, I’m currently a Level 0 esper. Walang pinagbago simula nung bata ako. Medyo nakakalungkot lang. Ang sabi kasi ni dad nung bata ako may ginawa daw siyang machine para mapataas yung level ko. I put my hopes into it, kaya every after class namin sinasacrifice ko yung pakikipaglaro sa classmates ko para pumasok sa machine na  iyon. But after 12 years, tentenenen! I’m still a level 0 esper. Pero ngayon di na ako masyadong nalulungkot , dahil may mga kaibigan na akong sumusuporta sa akin.

Naglalakad na ako ngayon sa classroom namin papunta sa upuan ko ng biglang ---

“Namiiii! I miss youuuu!”

 

Argghh! Biglang naramdaman kong bumigat yung likod ko at parang may pasan pasan akong tao. Well, hindi parang, dahil meron talaga. At isa lang ang alam kong ganun bumati. Nilingon ko siya at tiningnan ng masama.

“Autumn! How many times do I have to tell you! Stop teleporting and landing on me! Ang bigat mo kaya.”

“Ehehehe. Sorry. Di na mauulit” sabi ni Autumn nang naka peace sign.

She’s Autumn Angeles. One of my friends and a level 4 teleporter. Kaya niyang iteleport ang kahit anong bagay at ang sarili niya sa lugar na gusto niya. She may act childish sometimes but when it comes to battle, she’s a serious and a skillful one.

“Ilang beses ka na bang nagsabing di na mauulit pero inuulit mo pa rin.” Paglelecture ko sa kanya. Aba, ang bigat kaya niya kung alam niyo lang.

“Sorry na nga. Promise eto na yung la---ARAY!”

Biglang may tumama sa ulo niya na – wait, makapal na libro?! Ouch, ang sakit nun.

“Hoy, Autumn! Tama ba namang iwanan mo kami ni Yuki ha?! Sinabi lang ni Yuki na nandyan na si Nami bigla ka nalang nagteleport at iniwan kami!” Sigaw ni Summer kay Autumn.

DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon