Prologue

210 3 0
                                    

YEAR X769

 

Having no ability at all is so difficult. Especially if all that surrounds you has it.

Sana maging katulad rin nila ako...

"Kairin! Tara sali ka! Laro tayo!" Sigaw ng kaklase ko.

Nginitian ko lang siya at sinabing "Sa susunod na lang."

Sa susunod na lang... Ilang beses ko na bang nasabi ang katagang iyon sa kanila?

"178 times ka na namin niyayaya, pero ganun at ganun pa rin ang sagot mo." malungkot niyang sabi sa akin. "Sige, maglalaro na kami." pagpapatuloy niya at umalis na.

Sana makasali rin ako sa kanila...

Pinapanood ko lang silang masayang naglalaro habang hinihintay ko si dad. Napabuntong hininga na lang ako. Mag-isa na naman ako. Gustong gusto kong sumali sa kanila. But I can’t. The reason? I’m not like them. I don’t have any power or ability. I’m a level zero esper. A worthless esper.

Kung sana may kapangyarihan din ako...

"Mische!" Napatingin ako sa kung sino ang tumawag. Si dad!

"Tara na at may gagawin pa tayo."

"Yes dad"

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming naglakad palabas ng school.

"Dad, papasok ba ulit ako sa machine na iyon?" Tanong ko kay dad.

"Yes. We'll do everything para mapataas ang level mo." sabi ni dad at ngumiti siya. Napangiti rin ako ng pagkalaki.

"Yehey! Thank you dad! I love you!"

Sana tumaas na ang level ko...

**

DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon