Chapter 2 - Classes and groups

63 3 1
                                    

**

 

“Who are you?”

H-huh?!

Nakita kong napatingin rin sa direksyon namin si Yuki. T-teka? Tinatanong niya kung sino ako? Ako? Si Ms. Nobody kinausap ng isang Mr. Perfect? OMG lang! Ok. Nami. Tama na muna kalandian. Magpigil ka.

“I-I’m Kairin Mi---“

“I’m not asking your name. I’m asking who are you?” pagputol niya sa sasabihin ko.

What the?! What’s the meaning of that?! He’s asking me who am I and when I’m about to tell my name, he’ll tell me that he’s not asking for my name. Is this some kind of a joke? Ugh. He’s getting on my nerves!

“Excuse me mister. You’re asking who I am, then you’re gonna tell me that you’re not asking for my name?! Did you hit your head or something?!” pagtataray ko sa kanya. Sorry siya, pag ako napapahiya, lumalabas katarayan ko. Tch.

“No. Don’t get me wrong. I’m just---”

“Ms. Nagato, Mr. Flores, we’re still in the middle of our class. Pwede niyong ituloy ‘yang getting to know each other niyo after class. But for now, take your sit mr. Flores and we’ll start our homeroom.” Sabi ni maam Aki sa amin. Tsk. Nakakahiya. First day na first day napagalitan ako. Kasalanan ‘to ng Darwin engot na ‘yan e.

Umupo na si Darwin engot sa likod. Buti na lang malayo layo ang upuan niya sa akin. Nagstart nang magbigay ng pointers at iba pang kailangan naming matandaan si maam Aki nang kalabitin ako ni Summer.

Magkatabi kami ni Summer. Sa harap naman niya si Yuki at kaharap ko si Autumn. Mas gusto kasi naming square type kami nakaarrange para mas madaling kausapin ang isa’t isa, di katulad kapag naka straight line kaming apat.

“Ang init ng dugo mo kay Darwin kanina ah. Ngayon na lang ulit kita nakitang sumigaw ng ganoon. Hahaha, katakot friend!” sabi ni Summer kaya inirapan ko siya. Tingnan mo ‘tong babaeng ‘to, imbis na suportahan ako sa inis ko sa Darwin engot na ‘yan, inasar pa ako.

“Tsk. Napahiya kasi ako sa damuhong ‘yon. Tatanong-tanong kung sino ako, tas sasabihing di niya tinatanong pangalan ko?! Nakakaleche lang.” pagrereklamo ko kay Summer ng nakahalumbaba at hindi nakatingin sa kanya.

“Pfft.” Narinig kong sabay na pagpipigil ng tawa nina Autumn at Summer. Leche ‘tong dalawang ‘to. Paguuntugin ko silang dalawa dyan at itatapon sa kalawakan e.

“At dahil nga iba’t iba ang level ng crimes na nangyayari, napagdesisyunan ng nakatataas na ang magiging grupo niyo ay base sa mga kakayahan at level niyo.”

 

Napatingin ako bigla kay maam Aki nang sabihin niya iyon. Shit. Di ko napakinggan yung mga una niyang sinabi. Makapagtanong na lang kay Yuki mamaya. Buset kasi si Summer e. Nagfocus na ako sa mga susunod na sasabihin ni maam.

“May binigay na sa aking list ang mga elders kung saang class kayo mapapabilang. Sila ang nag-assess ng mga kakayahan ninyo base sa entrance exam ninyo dito.” Pagpapatuloy ni maam Aki.

DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon