Chapter 4

10 2 0
                                    

Nasa labas ako ng isang bar, kung saan naghihintay kay Jabelle. We need to celebrate our friendship anniversary, every year namin ito ginagawa dahil.. Wala lang trip lang namin, we don't have a boyfriend so.. we need this.

"Nasaan na ba siya" bulong ko sa sarili while tingin sa mga paa ko, hindi ako komportableng tumambay dito sa labas lalo na at maraming lasing. Hindi kami sabay dahil may nilakad akong papel kanina pero she is aware kung anong oras at saan kami magkikita.

Nasaan ka na ba?, mag-isa lang ako dito gaga ka.
Message sent!

Papunta na promise, wait lang.
She replied.

Alam ko na yang papunta mo, maliligo ka pa lang ano?.
Message sent!

Ilang minuto, hindi na naman siya nagreply. Ganito yung ayaw ko kapag aalis kaming dalawa tapos magkahiwalay eh. Kailangan talaga lagi kaming sabay.

Lumipat ako ng pwesto para maiwasan ang mga lasing na lalaki sa paligid. Pero sa paglipat ko.. May limang lalaki na palapit sa akin at..

"Hi gorgeous" the guy no. 1 said

"Wag ganyan pare, tinatakot mo." Guy no. 2

"How much?" Guy no. 5 , the fuck? Muka ba akong pokpok?. Grabe na ang kabang nararamdaman ko.

"Ay, so-sorry po, m-may hinihintay lang po ako." Nanginginig na sabi ko.

"Sino naman, friend mo?" Guy no. 3 asked me.

"Uhh.." Hindi na ako makasagot ng maayos dahil sa takot na nararamdaman ko.

"Hi babe, I'm really sorry na late ako" bungad ng isang matangkad na lalaki, at nagulat ako sa pag halik niya sa ulo ko. Isang lalaki lumapit sa akin at tinawag akong babe?.

Pilit kong inaalala kung sino ang tinatawag akong babe?, mukang wala naman akong maalala na may boyfriend ako..

Nabawasan konti ang naramdaman ko dahil school mate ko pala ang lumapit sa akin.

"Back off! , Im her Husband!" Sabi niya sa limang lalaki na nasa tabi ko. At tumingin siya sa akin.

"B-babe? " pagtataka ko.

"You're the husband?, wala nga kayong sing sing!, pre? wag kana mang-gulo dito, nauna na kami sa kaniya." Ipinipilit ng isang lalaki at hinawakan ang kanang wrist ko..

Hihilahin na sana ako ng guy kaso..

"Bibitawan mo siya o puputok yang bungo mo?" Kalmadong sabi nito habang nakatutok ang baril sa ulo ng lalaking may hawak sa wrist ko.

Nanlaki naman ang mga mata ng kasama nitong lalaki at agad na sinabihan siyang bitawan na ako.

"Okay, calm down, we're sorry okay? " sambit nito na nakataas ang mga kamay na akala mo hinuhuli ng pulis.

"Now leave!, or else.. " kalmadong pagbabanta niya sa limang lalaki.

Tulala ako sa mga nangyayari ngayon. Wait.. Totoo ba yung baril niya?. Pagka-alis ng mga lalaki, ibinalik niya sa gilid ng bewang ang dala niyang baril at tumingin sa akin, na parang sobra itong nag-aalala.

"Are you okay? " he asked.

"Uh... O-oo. " nginig na sagot ko.

PUBLIC DIARY (Ongoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon