"Goodmorning my wife." Bulong ng nasa tabi ko. Bago ko buksan ang mga mata ko.. Nag-unat -unat muna ako sa higaan.
Pagdilat ko, nakita ko siyang naka-upo sa tabi ko na naka-ngiti. Nilibot ko ang mga mata ko at napansin kong may bed sa kabilang side. Napansin ko kagabi na one bed lang ang nasa room na ito ah?. Nagrequest siguro to.. Pwede pala yun?..
"We're going home today. Lets go babe.. " pag aaya niya. Tumayo siya para kunin yung wheel chair..
"Kaya ko na mag-lakad. " sabi ko sa kaniya at umupo ako saglit bago tumayo.
"Okay, thats great" ngiti nito sabay balik ng wheek chair sa gilid.
"Bills are already paid. Lets go home." Pinakinggan ko lang siya at tumayo na. Sumaglit ako sa banyo para tingnan kung pang tao pa ba ang itsura ko.
After that lumabas na kami ng room then diretso sa parking lot.
"What do you want for breakfast babe? " he asked. Wala akong gana kumain ngayon dahil siguro kulang ako sa tulog?, habang naglalakad .. Binuksan ko ang sling bag ko at kinuha ang phone. Pag-tap ko.. Naka off ito at naalala kong lobat na siya kagabi.
"Do you want to use my phone?, hindi ito lobat." alok nito.
"No thanks, I want to go to my house. " sabi ko. Wala akong gana ngayong araw.
"Ayaw mo sa bahay natin??" Malungkot na boses nito.
"I want to go to MY HOUSE. " diin ko. Anong bahay natin pinagsasabi niya?
Huminga siyang malalim at "okay.. "
Nang nakarating kami, pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok. Umikot na siya para pumasok na rin at nag simula ng magdrive.
Habang nasa byahe, biglang tumunog ang phone niya at pagtingin ko may tumatawag.
"Yes?"
"Boss, may bisita po dito sa bahay niyo, Jabelle daw po ang name niya, papapasukin ko po ba? " naka-loud speaker ito dahil nagmamaneho siya. Si Jabelle nasa bahay niya?, alam niya?, huminga ako ng napaka lalim dahil ito na naman ako sa sitwasyon na hindi ko maintindihan.
"Yes, let her in. And tell her parating na kami. " seryosong tono ng boses nito. Tumingin ako ng oras sa harap ng car niya at 6:24am na.
"We're going to our house, because Jabelle wants to see you. " seryosong sabi nito habang nakatingin sa kalsada.
Hindi ko na siya sinagot, at tumingin nalang sa labas.. Habang nasa byahe nakaramdam ako ng antok, pumikit muna ako dahil feeling ko malayo pa yung bahay niya.
"Fai! wake up! " gising ni Jabelle sa akin. Nasa tabi ko siya kung saan bukas ang pinto ng kotse.
"Jabelle? " naiiyak na banggit ko.
"Oh?, mamaya na ang drama, tara sa loob ng bahay niyo, kwentuhan kita. " pag aaya nito. Lumabas na ako ng kotse at sinara ang pinto.
Nang tumingin ako sa paligid.. Grabe ang lawak at malaki ang bahay, mansyon ba ito?, kulay gray at white ang combination ng kulay na ito. Halatang lalaki ang nakatira. Pang-mayaman na village? Medyo malalayo rin ang ibang bahay ha?. At medjo familiar ang lugar.
"Tara, mag-luluto daw ng agahan ang asawa mo. Gaga ka, sabi niya sakin hindi mo daw maalala may asawa kana?, I thought ayaw mo lang pag-usapan dahil noong unang gabi niyo nag-aaway kayo." sabi niya habang naglalakad papasok ng gate, may mga bantay rin ang bahay niya at puro sila naka-itim na formal suit. Hindi ko muna pinansin ang mga nasabi ni Jabelle dahil nakuha ng paligid ang atensyon ko.
BINABASA MO ANG
PUBLIC DIARY (Ongoing)
General FictionUNIVERSITY OF HONOR I am Faira, 20 years old, First year college in a course of Bachelor of Science in Tourism Management (BSTM). Habang naglalakad tinitingnan ko ang suot kong I.D.. habang papasok sa malaking gate ng paaralan. Hindi ako makapaniwal...