Faira
Pagka-pasok ko sa bahay, agad ako nagpalit ng pang-bahay at humiga sa kama, dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Nararamdaman ko na ang sintomas na malapit na ako'ng reglahin. At ito ang pinaka-ayaw ko, dahil sobrang nanghihina ako, wala'ng gana kumain, kung kakain naman ay nagsusuka ako at nilalamig ng sobra kahit mainit ang panahon. Siguro nga tama si Jabelle na dapat na ako magpatingin sa Doctor. Ipinikit ko ang mga mata ko para kahit papaano ay makapag- pahinga ako.
Nang nagising ako, nakapikit kong kinapa at hinanap ang phone ko pero wala ito. Idinilat ko ang mga mata ko at naalala na naiwan nga pala ito sa kotse ni Ville. Tumigin ako sa wall clock na nasa dingding. 6:35 na ng hapon. Pinilit kong ibangon ang sarili para magbihis at pumunta sa bahay ni Ville para kunin ang phone ko.
Gustong-gusto ko na makausap si Mama tungkol sa kasalanang nagawa ko. Nang nakatayo na ako, binuksan ko ang kabinet at kumuha ng plain t-shirt na blue, white shorts na above the knee at sandals na flats lang, nagpalit na ako. Pagkatapos ay kinuha ko yung sling bag at inilagay ang wallet, at susi ang bahay.
Bago ako lumabas sinigurado ko muna na naka-off ang lahat para walang problema. After that, lumabas na ako ng bahay at ni-lock ang pinto, napatingin ako sa bahay nila Jabelle, mukang wala jaan si Jabelle dahil nabanggit niya kanina mag grocery sila. Naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep.
Nang nakarating ako sa sakayan, maraming tao ang nakatayo at naghihintay ng masasakyan. Rush hour na rin kasi sa ganitong oras. Nag-desisyon ako na sumakay nalang ng taxi dahil gabi na rin. Naglakad-lakad ako para makahanap ng taxi. Pati taxi nakikipag-unahan ang mga tao. Maya-maya may taxi paparating at pinara ko naman, mabilis ako'ng kumilos para makasakay na. Pagkapasok ko sa loob, sinabi ko agad sa driver kung saan ako ibaba at umandar na ito.
Habang nasa byahe ako, nakatingin lang ako sa labas dahil wala rin naman ako magawa, para hindi rin ako mainip dahil medjo malayo-layo ang bahay ni Ville. Nakaramdam naman ako ng antok pero pinigilan ko ito dahil baka maligaw pa ako.
Ilang minuto ang nakalipas..
"Ma'am hanggang dito nalang po ako, dahil bawal po ang taxi sa loob." Paliwanag naman ni Manong driver.
"Ay sigi po Manong, salamat po" tumingin ako sa metro kung magkano ang babayaran ko at ibinigay ko na kay Manong ang bayad. Bumaba na ako ng taxi, pagkatapos ay naglakad ako ng kaunti papunta sa gate at hinarang naman ako ng guard.
"Good evening po Ma'am, saan po sila?" Kalmadong tanong niya.
"Ay kuya good evening din po, pupunta lang po ako sa bahay ni Daegan Ville Heruise. " sabi ko ng nakangiti.
"Ah? Kaano-ano po kayo ni Mr. Heruise? "
Bigla naman ako natulala sa sunod na tanong ni Kuya guard. Anong sasabihin ko sa kaniya?, asawa ko si Ville?, friend? Uhmm.. Bestfriend?, simpleng tanong niya na nahihirapan ako sagutin.
"Ma'am? Okay lang po ba kayo? " bigla naman ako natauhan sa sabi niya habang kinakaway-kaway ang kamay sa harap ng muka ko. Huminga ako ng malalim para sagutin ang tanong niya.
"A-asawa po ako ni Mr. Heruise. " agad naman ako tiningnan ni Kuya guard ng mula ulo hanggang paa. Nakaramdam naman ako ng pangbabastos sa ginawa niya..
"Ah?, wait lang po Ma'am ipa-confirm ko lang po, pasensya mahigpit po kasi dito. " paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
PUBLIC DIARY (Ongoing)
General FictionUNIVERSITY OF HONOR I am Faira, 20 years old, First year college in a course of Bachelor of Science in Tourism Management (BSTM). Habang naglalakad tinitingnan ko ang suot kong I.D.. habang papasok sa malaking gate ng paaralan. Hindi ako makapaniwal...