Habang nasa byahe..
"Pwede sa labas mo nalang kami ibaba ni Jabelle? "
"And why? "
"Kasi hindi naman alam ng lahat na magkakakilala tayo, tsaka.. ayoko magkaroon ng issue sa school. "
"What issue? "
"About us? Alam mo na mga isip ng tao."
"Issue that you and I are dating?, ganun ba? "
"Parang ganun na nga.. "
"Ah?.. "
"Ano? "
Nakangiti nalang siya habang nagmamaneho. Ano sagot niya? Pumayag ba?. Bahala na nga. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Nagsisimula na kasi ako mag overthink about what will happen pagkarating sa school. Tahimik lang si Jabelle sa likod habang ako kinakabahan na dahil malapit na kami sa school.
Bigla naman lumiko si Ville sa kanan. Nagtaka naman ako dahil doon pa sa unahan ang Main gate ng school.
"Where we going? " I asked
"School.." He said
Ilang minuto nakarating na kami sa school. Sa likod lang pala kami dumaan. Bigla naman gumaan ang loob ko. Pagka-bukas ng gate, ibinaba niya ang bintana niya at..
"Good morning po Mr. Heruise" bati ng guwardya habang nakangiti.
"Good morning rin po." nakangiting sagot ni Ville. Pumasok na ang sasakyan at nag park.
"Secret door ba dito Ville? " biglang tanong ni Jabelle.
"Haha No, dito dumadaan ang mga staff ng School."
"Ang sosyal talaga ng school natin Fai"
"Kaya nga, may ganito pala, parang mas maganda gate sa likod kaysa doon sa harap"
Inunahan ko si Ville bumukas ng pinto. Lumabas na rin si Jabelle at..
"Hey! Kuya Ville! " isang babae na tumatakbo papunta sa direksyon namin.
Tiningnan ko si Ville. Wala man lang reaksyon sa muka niya.
"What are you doing here Ave? " pagtatakang tanong ni Ville, magkapatid ba sila?.
"Uhm? To study? " sagot nito.
"What?! , I thought you're enrolled in Australia?" Gulat na reaksyon ni Ville.
"No, I choose to stay here with you, and? Oh, Hello po.. " napatingin naman siya sa amin ni Jabelle.
"Hello/Hi" sabay kami ni Jabelle.
"Who are they?" Nakangiting tanong niya kay Ville.
"This is Jabelle and Faira and girls this is my younger sister Ave." confirmed magkapatid nga sila.
"Hello nice to meet you. " sabi niya at inilahad ang kamay para makipag shakehands.
"Hello Ave, its nice to meet you too." sabi ko at nakipag-shakehands.
BINABASA MO ANG
PUBLIC DIARY (Ongoing)
General FictionUNIVERSITY OF HONOR I am Faira, 20 years old, First year college in a course of Bachelor of Science in Tourism Management (BSTM). Habang naglalakad tinitingnan ko ang suot kong I.D.. habang papasok sa malaking gate ng paaralan. Hindi ako makapaniwal...