Maaga akong nagising. Madalas si Andi ang unang nagigising upang magluto ng Almusal pero ngayon ako ang nauna. Paglabas ko sa kwarto ko napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Andi. Sana hindi na masama ang loob niyo sa akin.
Nagsimula akong magluto ng almusal. Bumukas ang pinto niya at napalingon ako. Nagtama ang tingin namin at matagal kaming nagtitigan bago siya nagbaba ng tingin.
"Gusto mo na kumain?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot, parang wala itong narinig. Kumuha siya ng kape sa cupboard.
"Nag-pakulo na ako ng tubig." Sabi ko. Hindi parin niya ako pinansin at kumuha parin ng kettle. Naglagay siya ng mainit na tubig sa tasa niya at nagtimpla ng kape. Umupo siya sa mesa at ininom ang kape.
"Gutom ka na ba? Luto na ang pagkain." Wala parin. Para akong nakikipag-usap sa hangin. Ni hindi nga ako tinapunan ng tingin.
"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" Napabuntong-hininga ako. She's giving me the silent treatment and it's killing me. "Sige ka, mapapanis laway mo nyan." Biro ko pa pero hindi talaga epektibo.
Kumuha ako ng plato at pinagsandukan ko siya ng pagkain at inilapag ko sa harap niya ang plato. "Sige kung ayaw ko akong kausapin, kumain nalang tayo."
Kahit nga ang pagkain na hinain ko sa kaniya ay di niya pinansin. Kumain nalang ako at baka ma-late pa ako sa trabaho at mabilis na naligo.
"Andi, alis na ako." Paalam ko sa kaniya. Dati hinahatid niya pa ako sa pinto pero ngayon dedma. Nahihirapan ako sa ganito. Nami-miss ko agad ang kakulitan niya. Nami-miss ko yung babatiin niya ako ng good morning paglabas ko palang sa kwarto at ku-kuwentohan niya ako ng kung ano-anong napanaginipan niya habang kumakain kami tapos yung paulit-ulit niyang paalala na mag-ingat ako sa pagmomotor bago ako umalis sa bahay. Isang araw palang niya akong hindi pinapansin pero nahihirapan na ako.
Hindi ko naman sinasadyang saktan siya. Para rin naman sa kaniya iyon. Siguro kapag nahanap niya na yung lalaking para sa kaniya siguro pasasalamatan pa niya ako balang-araw sa pagtanggi ko sa kaniya. Parang hinihiwa ng blade ang dibdib ko ng maisip iyon. Paano nga kapag nakahanap na siya ng iba? Paano na ako?
Nakaalis na ang huling kliyente na nagpakuha ng litrato at pasara na ang studio. Nagaayos na ako ng gamit at naghahanda na umuwi. Hindi parin maalis sa isip ko na nagtatampo si Andi.
"Sige labs, pauwi na ako. I love you!" Narinig kong sabi ni Cholo, ang photo editor. Kausap nito malamang ang girlfriend niya. Ibinaba na niya ang telepono pagkatapos.
"Cholo." Tawag ko sa kaniya. Humarap siya sa akin.
"Oh parekoy, Problema?" Tanong niya.
"Paano ba manligaw?" Ako? Kahit ako nagtataka kung bakit pumasok ang tanong na iyon sa isip ko.
Ngumisi si Cholo. "Naks! nagbibinata kana."
Napasimangot ako at medyo naasiwa. "Kalimutan mo nalang ang sinabi ko."
Tatalikod na ako ng bigla niya akong akbayan. "Unang-una, syempre kailangan mong bigyan ang nililogawan mo ng bulaklak at tsokolate. Tapos, ilalabas mo siya, ipapasyal mo siya kung saan-saan. Yan ang gusto ng mga babae."
"May nililigawan ka na? Akala ko ba hindi uso sayo ang pakikipagrelasyon? Sino naman ang maswerteng babaeng nagpatibok ng puso mo?" Naki-epal pa si Ted, ang may-ari ng Photo Studio n ito.
YOU ARE READING
The Sex Goddess First Love
Roman d'amourEveryone gets a MIRACLE in life, mine happens to be TRISTAN.