After a few minutes tumawag ulit sa phone ni Phoenix si Tristan. Phoenix gave me his phone so i could talk to him.
"Mahal ko, nandito na ako. Hinatid ako nila Wayne." Sabi niya. Natuwa ako sa sinabi niya.
"Pero hindi ako makakapasok dyan sa ballroom. Baba ka dito.""Okay, mahal ko. Pababa na ako." Basag ang boses na sabi ko. Ibinaba ko ang cellphone at nagpasalamat ulit kay Phoenix.
Nagmamadaling nagpunta ako sa pinto palabas baka kasi makita ako nila mommy. Before i could get out of there, hinarang ako ng dalawang bodyguard.
"Miss Andi, saan ka pupunta?" Tanong ng isang bodyguard.
"I'm just going to get some fresh air. I'll be back." I smiled at them.
"Inutos ni ma'am Olivia na sundan ka namin kaya sasami kami." Sabi ng bodyguard.
" This is not fair! Why are you treating me na parang prisoner? I just want some fresh air!" I complained. I feel like crying right now. I want to see Tristan so bad.
"Sorry miss Andi, ginagawa lang namin ang trabaho namin." Sabi nila. Paano kami makakapag-usap ni Tristan kung nakasunod sila sa akin? Masama ang loob na lumabas ako sa ballroom habang nakasunod ang dalawang bodyguard. Bumaba ako sa may lobby at nakita ko agad si Tristan. He smiled ng magtama ang mga mata namin. Oh God, i miss him so much. Bago siya nakalapit i shook my head as a sign na hindi siya pwedeng lumapit. Naintindihan naman niya agad iyon.
Umupo siya sa couch ng lobby. Lumapit ako sa kinauupuan niya and i sat at the other end of the couch. He's so close yet so far. Naktayo ang dalawang bodyguard sa likod ko at binabantayan ako. We have to act like we don't know each other when all i wanted to do is to hug him.
"Excuse me miss, anong oras na?" Tanong niya sa akin.
Hindi ko maiwasan ang mapangiti when he talked to me. Tumingin ako sa wrist watch ko. "It's 09:30."
"Ang tagal naman ng girlfriend ko. Kanina pa ako naghihintay dito." He said habang nakatingin sa malayo. I wanted to laugh. Ang galing palang umarte ng mahal ko.
"I'm sure dadating yun. Or baka nandito na siya, hindi lang kayo magkita." I said.
"Siguro nga. Teka, ako nga pala si Jose.... Jose Rizal." Sabi niya. Hindi ko na napigilan ang tawa ko.
"Oh, bakit natatawa ka? Hindi ako nagbibiro. Jose.. short for Joseph, Joseph Rizal." Painosenteng sabi niya. He really is good.
"Okay, Joseph Rizal. Nice to meet you. I'm Miranda Cordova." I held my hand to him in offer of a handshake. Hinawakan niya ang kamay ko. His touch sent a electricity bolts through my entire body. God know kung gaano ako nagpipigil na yakapin siya. "Babaero ka rin ba, parang si Jose Rizal?"
"Hindi no, mahal na mahal ko ang girlfriend ko at hindi ko siya kayang lokohin. Saka maghahanap pa ba ako ng iba, eh ang ganda-ganda at ang sexy ng girlfriend ko." Sabi niya. Kinikilig ako pero ayokong makahalata ang mga bodyguards. I had to take a deep breathe. Andi, Act normal! Act normal!
"Your girlfriend is so lucky to have a boyfriend like you." I said, smiling.
"Ako ang maswerte sa kaniya. Bihira ang babae na katulad niya. Biruin mo, sa dinami-rami ng lalaki sa mundo ako pa ang pinili niya." Sabi niya.
YOU ARE READING
The Sex Goddess First Love
RomansaEveryone gets a MIRACLE in life, mine happens to be TRISTAN.