07

61 47 0
                                    

" I want something. Hindi ko magawang mabili, Kyle. Hindi ako makalabas ng Opisina."

Napakamot ako sa aking ulo sa sinabi ni Deianira. Sa tingin ko ay isang sign din ang pagki- crave? Hindi ko din maintindihan kung bakit.

" I'll try to visit you there, okay? Itext mo sa akin kung anong mga pagkain ba ang natitipuhan mong kainin, bibilhin ko." Agad kong narinig ang matamis niyang mga tawa sa kabilang linya. Agad naman akong nahawa doon kaya napatawa din ako.

Tinignan ko si Nathan na kausap din ang kapatid niyang babae.

" Okay, love. Thank you so much, maarte ata si Baby natin, I'm sorry for being stubborn." Malungkot na sambit niya. Umiling naman ako kahit na hindi niya naman ako nakikita.

" No, Love. You are not stubborn. I will buy the foods that you are craving for, okay? I have to end the call, I love you always."

" I love you more, Kyle. I'll wait."

Nang ibinaba ko ang telepono ay saka ko hinintay ang text niya.

" Bakit daw, Kyle? Anong gusto? Sasama akong mamili." Sambit nanaman ni Brian. Pinakita ko ang text ni Deianira, napakadami nga niyon, at kailangan ko pang makabili niyon ng tig dadalawa, dahil baka kulangin ang tig iisa lang, baka kasi mag crave pa siya ulit ng mga iyon, ay mahirap ng maghanap kapag hatinggabi siya maghahanap ng ganitong mga pagkain.

Agad naman na tumango si Brian.

" Papaalam ako, isama natin ibang staff, tapos mamili tayong dalawa." Pangungumbinsi niya sa akin. Tumango nalang ako sa sinabi niya sa akin. Mamaya ay magmemeeting kami nila Ivor, kaya kailangan kong makapunta muna sa opisina ni Deianira habang wala pa sila.

Kaya lang, paano?

" We have to go somewhere. I want to buy some stuffs for myself before the meeting.  Please, don't tell this to anyone, thank you."

" Yes, Sir. We'll wait for you. Just make it fast, Mr. Intellegentsia." Tumango ako.

Kinuha ko ang susi ng kotse ni Brian mula sa kaniya at saka kami umalis. Doon na mismo ako namili ng mga hinahanap ni Deianira sa isang store malapit sa building nila. Kinuha ko ng tig dadalawa ang mga gustong kainin at hinahanap ni Deianira para sa kaniyang pagbubuntis.

Nang makarating kami sa store na iyon, ay nakayuko kaming dalawa habang naglalakad kami. Maingat at hindi namin pinakikita ang mukha naming dalawa. Mahirap na baka makita kami ng mga tao, baka dumugin kaming dalawa, lalo na si Brian na bahagi ng Maknae Line.

" Love? Is that you? Oh my gosh!" Agad akong niyakap ni Deianira nang makapasok ako sa kaniyang opisina kasama si Brian. Sinarado namin ng mabuti ang pintuan at nilagyan ng harang ang mga cctv camera na nasa opisina niya, para hindi kami makita ng mga nagaayos at nagbabantay ng mga kaganapan sa opisina niya.

" Dala ko na lahat ng kailangan mo. Binili ko ng tig dadalawa para hindi ka na mahirapang maghanap kapag nakakatikim ka ulit." Nilapag ko sa sofa niya ang mga pagkain niya. Malaki naman ang ngiti niya habang nakatingin sa mga pagkain na dala ko. Nakita niya si Brian na nagtanggal saglit ng kaniyang mask, agad naman siyang nilapitan ni Deianira at saka niya ito hinalikan sa pisngi at niyakap.

Ngumiti naman si Brian nang kumalas na si Deianira sa yakap nila.

" Brian, ikaw iyong maingay noong nalaman mo nabuntis ako? Napaka excited daw ninyo, sabi ni Kyle sa akin." Tumawa naman si Brian, nawala nanaman ang mga mata niya.

" Oo, hindi lang ako makapaniwala na magiging Uncle na kami, at saka kapag lumaki iyan, kami agad ang Ninong." Mas tumawa naman si Deianira sa sinabi ni Brian, nakaupo na siya sa kaniyang upuan, kami naman ay nakatayo lang sa gilid ng kaniyang lamesa.

" Love, thank you very much for this. Kanina pa ako nakakatikim, ayaw ko namang ipaalam sa mga tauhan ko na buntis ako. I am very careful, Kyle." Sambit niya. Napabuntong hininga ako at saka kami nagkatinginan ni Brian. Hinalikan ko naman ang noo niya.

" I know you are careful. That's ours. Our child, Deianira. And please, when you need anything, ask for help, okay? Call me, text me, or kahit sila Brian at ibang members." Tumango tango naman siya sa sinabi ko.

Nakita ni Brian ang oras, kaya naman sinenyas na niya sa akin iyon.

" Mauuna na ako sa labas, Kyle, Deianira. Kapag hindi mo kayang magtrabaho, huwag kong pilitin. Handa naman palagi ang telepono namin kapag kailangan mo ng tulong. At saka, iyong check up mo sa Doktor mo ha? Huwag mong kakalimutang puntahan, sasama ako kay Kyle kapag sasama siya sa iyo. Sige, mauna na ako sa labas."

Nang sumara ang pintuan ay sabay kaming napatawa. Agad ko namang tinignan si Deianira at saka ko hinalikan ang noo niya. Hinawakan niya naman agad ang belt ko, at saka ako hinila paupo at pasandal sa lamesa niya.

" Deianira-"

" I missed you, Kyle. So much."

Tumayo siya sa upuan niya, at doon niya ako pinaupo.

" Deianira, makakasama sa Anak natin ang-" Siniil niya ako ng halik, at saka siya umupo sa aking mga hita.

Nang natapos na siya ay saka siya tumigil sa paghalik sa akin. Hinalikan ko ang kaniyang noo, napangiti naman siya sa ginawa ko.

" Kyle, thank you for giving me this. I'm really craving for those, Love." Sambit niya. Tumango ako, at saka hinawi ang mga buhok na nasa mukha niya. Tinitigan niya ang ginagawa ko sa kaniya.

At saka siya umalis sa aking mga hita.

" Hello?" Sagot ko sa aking telepono. Tumatawag na si Ivor. Baka hinahanap nila ako, o kaya si Brian.

Delikado na.

" Kyle? Where are you? Bakit hindi kayo kumpleto dito?" Sambit niya. Agad akong napatayo at inayos ko ang aking damit. Hinawakan ko ang beywang ni Deianira, habang kausap si Ivor.

" May binili lang kami, Ivor. Pabalik na kami."

" Dalian ninyo. Mag uumpisa na ang meeting."

Kinuha ko na ang mga nakalagay sa mukha ko kanina, at saka ko hinalikan ang noo at labi ni Deianira, kailangan na naming makaalis.

" Love, I have to go. Please, don't force yourself to work, hmm? Call me if you need anything. I love you." Tumango siya. At saka ako hinintay na makaalis.

Nang makalabas na kami ni Brian sa building ay may nabangga kaming isang babae sa sobrang pagmamadali namin. Nalaglag ang salamin ni Brian, hinila ko siya nang nakita ko ang reaksiyon ng babae.

" Si Brian!"

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon