" Bye! Daddy Kyle! And Tito's!"
Nagpaalam muna kami kina Deianira dahil magsisimula na ang concert namin, isang araw lang ito dito. Tapos sa susunod na buwan ay sa ibang lugar na, hindi ko alam kung makakasama ang magina ko. Sana makasama sila.
" Enjoy the concert with Ayu, love. I love you." Hinalikan ko ang labi ng asawa ko bago ako dumiretso sa hagdan pataas sa stage, sabay sabay kaming umakyat doon.
Agad na humiyaw ang mga tao, punong puno parin ang stadium kagaya noon, nagiging emosyonal ako sa loob loob ko, pero pinipigil ko lang, masaya ako na kahit ganoon ang pinagdaanan namin ay natanggap kami ng tao at hindi kami kinamuhian, nagalit, oo, at nabigla, pero sa huli, natanggap nila at naintindihan nila ang gusto kong iparating sa kanila.
Sabay sabay na winawagayway ng tao ang kanilang mga Armybomb, at hinihiyaw ang pangalan namin, halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses dahil sa lakas ng sigaw nila.
" Everybody! Put your hands up in the air!" Sigaw namin. Agad nila itong sinunod.
Nagtatalunan kaming pito sa unang kanta palang, alam naming lahat ang hirap na pinagdaanan, kaya sa pamamagitan ng concert na ito, gusto namin silang pasayahin muli bilang pasasalamat. Nagtanggal ng jacket si Timothy at hinagis ito sa kung saan, sina Brian naman ay nagtatapunan na ng tubig kahit na pasimula palang kami.
" They call me Bapsae!" Mawawalan na ata kami ng boses sa kakasigaw.
" Army make some noice!" Sigaw ko.
Nagiba ang kulay ng mga ilaw sa stage, kahit ang ilaw sa mga lightstick nila ay sumasabay sa beat ng kanta namin, nakikita din kami sa malalaking screen, at hindi mapakali ang camera man sa pagikot ikot para makakuha ng magandang anggulo sa aming pito. Tinanggal ko na ang isa kong earpiece, para marinig ko nang tuluyan ang sigaw nila sa amin. Kinuha ko ang machine na may usok at confetti at saka ko ito itinapat sa mga nanunuod.
" So what!" Hindi ko na mabilang kung pang ilang kanta na ito, basta ang alam ko ay nag eenjoy kami sa pagkanta at pagsayaw.
" Kyle, Alex, Cody, Nathan, Brian, Theodore, Timothy, Bamtan!" Sigaw ng mga tao.
Ngumiti ako sa kanila. Nang matapos na ang kanta ay saka kami uminom ng tubig at saka kami nagpahinga saglit.
" Hoo! It's nice to be back! Army's are you having fun!" Tanong ni Cody.
" Yes!" Sigaw nila pabalik.
" Today, we are going to enjoy, and we will give you more! We prepared so much for this so I hope you will enjoy this concert." Sambit ni Nathan.
" Yes, Nathan, I know Army's will enjoy, because tonight, we have a special guest! But, you will see and meet them later." Kinindatan ako ni Alex matapos niyang sabihin iyon, alam kong ang magina ko ang tinutukoy niya, kagaya din noon, kabado akong ipakilala sila, pero kailangan ko e, at saka tanggap na sila ng mga tao, kaya wala na akong magiging problema.
" We will be back for a minute!" Namatay ang mga ilaw, bumalik kami sa backstage para magpalit.
Matapos ang ilang pagpapalit ay nakabalik kami sa stage. Mas lalong maging wild ang mga tao, nagtatalunan na sila at hindi na magkamayaw ang sigaw, hindi ba sila napapaos? Masyadong malakas ang mga boses nila.
" Everybody say, la la la la~"
" Say la la la la la~"
" Fire!" Sabay sabay kaming sumayaw sa tugtog. Sina Brian ay todo bigay sa harapan.
Nagfa fanchant ang mga tao habang sumasayaw kami, dire diretso din ang pagputok ng fireworks sa harapan ng stage. Napakaganda ng mga iyon, hindi naman kami natatamaan, kahit na ang confetti ay sumasabay sa beat kung kailan sila lalabas. Kaya napakaganda ng concert na ito. Nang tumigil ang music ay saka na kami nagpahinga muli.
" Okay, listen guys. Do you want to meet our special guest for tonight?" Tanong ni Brian, agad naman silang sumagot.
" Yes!"
" Kyle, do the honor." Bulong saakin ni Cody. Tumango ako.
" Everyone, I hope this past few year is tough, and our special guest for tonight, I am proud to announce this to everyone, please welcome my beautiful wife and my son, Ayu." Agad silang pinakita sa camera, nasa malaking screen sila. Kinuha ni Deianira ang kamay ni Ayu at saka sila kumayaw sa camera, nakita ko si Ivor sa likod nito at saka sila inalalayan para makapunta dito sa stage, agad akong naglakad upang salubungin sila.
Binigay ko ang mic ko kay Deianira, at saka siya lumapit kina Brian para magsalita.
" Hello! I am Deianira Fauna Lacerna- Intellegentsia, and this is our son, Ayu. Thank you for accepting and loving and supporting my husband until the end, and the other members as well. Thank you for accepting us, especially our son, thank you for loving our son Ayu. And thank you for coming tonight." Nagsigawan sila sa sinabi ni Deianira. Pumapalakpak naman ang anak ko na ipinakita sa malaking screen, alam kong pakana ito nila Ivor, kaya nagpapasalamat ako sa kaniya.
Tinignan ko si Deianira at saka niya inabot sa akin ang mic. Ako naman ngayon ang magsasalita.
" Thank you so much Army's. Hindi ako nagkamali na sabihin at umamin sa inyo, kasi alam kong matatanggap at matatanggap niyo kaming dalawa, thank you for supporting us until the end, and thank you for coming tonight, Ayu said, don't catch a cold and have a good rest, and also, don't forget that we are not seven, without you!" Sigaw ko. Nilalaro na nila Brian si Ayu, kaya tumatawa ang mga tao. Si Deianira ay hawak ang aking kamay.
" Thank you, Kyle. Thank you for loving me, for loving us both. I love you, Love. So much. Hindi ako nagkamali na ikaw ang pinakasalan ko at magiging Daddy ng anak ko, ni Ayu." Sambit niya. Ngumiti ako. Hindi ko na napansin, sina Timothy na ang nagsasalita para makaalis na ang mga tao.
Sina Brian naman ay pinatatawa at nilalaro ang anak ko na hawak hawak ko.
" Kiss!" Tumingin kami ni Deianira sa sinabi ng mga tao, hinarap ko si Deianira at saka ko hinapit ang beywang niya.
" I love you, Love."
" We love you too, Daddy Kyle."

BINABASA MO ANG
His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)
FanficBakit nga ba maraming tao ang nagtatago ng lihim? Anong dahilan bakit sila naglilihim? Well... Ibang lihim ang pilit na itinatago ni Kyle Dustin Intelligentsia. Isa siyang Idol, hinahanggan ng lahat dahil sa kaniyang talento, alam naman nating lah...