16

53 33 0
                                    

" Sabi na nga ba e!"

Masayang sambit sa akin ni Brian nang mabanggit ko ang gender ng anak namin ni Deianira, nakaupo kaming lahat sa kama ko, nandito silang lahat sa kwarto ko, dahil nga sa nangyari kanina, nag alala din sila.

Ngumiti naman ako nang makita ang reaksiyon ng mga kagrupo ko, halos lahat kasi sila, ang inaaasahan at gusto nila ay lalaki ang magiging anak ko, para nga daw sa susunod na generation, at may papalit sa amin.

" Noong unang kita ko palang sa sapatos, alam kong lalaki na ang-"

" Hindi naman nahuhulaan ang gender ng bata sa unang kita mo sa sapatos, Brian." Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Alex sa kaniya, si Brian naman ay halos malaglag nanaman sa upuan kakatawa niya.

Sina Nathan at Cody naman ay tahimik lang, lalo na si Cody, hindi naman masyadong nagsasalita talaga iyon.

" Paano ba iyan? Susunod na leader na ang anak ni Kyle, sino kaya ang susunod?" Agad na napaubo ang ibang member sa tanong ni Timothy, si Theodore naman ay umiwas ng tingin, kahit si Brian.

Nagkwentuhan lang kami kung gaano kami kaexcited sa paglabas ng anak namin ni Deianira, bago sila nagpaalam na matutulog na.

Kinaumagahan ay maaga kaming nagising dahil kay Nathan, siya lang naman ang alarm clock ng grupo, mahirap lang gisingin ay sina Theodore at Timothy, minsan, si Brian din, ang mga Maknae, kahit kailan.

" Magsusukat daw ng damit ngayon, at saka kailangan nating makipag meeting kay Ivor, kaya dapat ay handa na daw tayo by 10 am." Tumango ako.

Kumain kami nang sabay sabay. Naunang natapos si Brian, saka na siya naligo agad. Kailangan naming lahat na gumalaw dahil may oras kaming hinahabol, siguro sa araw ng concert, doon ko nalang sasabihin sa kanilang lahat na may asawa na ako at Anak. Hindi ako marunong magtago ng lihim at ayaw kong magsinungaling ng matagal, kaya gusto kong umamin na, para hindi na ako mahihirapan at si Deianira, ayaw ko ding mahirapan ang magiging anak namin, kaya naman gusto ko ay alam na din lahat ng mga tao ang katotohanan.

Kung hindi naman nila kami tanggap ay ayos lang, bubuwag ako sa grupo o kaya naman ay kailangan nila akong tanggapin at si Deianira, ganoon lang iyon, hindi ko naman pwedeng iwan nang basta basta si Deianira dahil anak namin ang nasa tiyan niya.

" Kyle, bukas ha? May photoshoot, sabi ni Ivor, kaya dapat nandoon lahat, bawal ka daw munang umalis." Tumango ako.

Medyo nalalapit naman na ang concert, kaya kung may oras ay gumagawa ako ng speech, para sa mga Army's, kasi baka nga hindi nila maintindihan ang gusto kong sabihin at maguluhan sila.

" Sige."

" Sir? Nandito na po iyong stylist, pasok na daw po kayo sa fitting room, nandoon na po iyong ibang member." Tumango ako.

Pagpasok ko ay bumati ako sa stylist, kahit sa ibang kasama nito. Nadatnan ko nga sila Brian at Timothy na naglalaro, nagtatawanan sila, kaya naman tumatawa din ang mga staff dito.

" Let's start, Sir?"

" Lahat pala ito ay gagamitin ninyo sa Concert, ilang araw ba iyon? Dalawa? Ayos na din pala." Pagsasabi ng stylist. Nakahilera ang unang susukatan, alam naman na nila ang sukat namin, pero hindi naman ganoon palagi ang sukat namin kasi malakas din kami kumain, minsan.

Masasarap naman kasi talaga ang pagkain dito, kaya kahit si Alex ay nadadagdagan ang timbang, kain kasi ng kain.

" Oo, dalawa, paulit ulit naming gagamitin, tapos gagawing display ni Ivor sa Insight." Tumango naman ang designer sa sinabi ko.

Nang matapos na ako ay sunod sunod na ang ibang member, nahuli si Timothy, dahil mabilis lang siyang sukatan, maliit kasi ang beywang, daig pa ang babae.

" Hindi ata umaalis ng gym si Timothy? Ang sexy ng beywang." Tumawa kaming lahat.

" Minsan nalang ako maka gym!" Sigaw naman ni Timothy.

Nakakaexcite dahil malapit nanaman naming makita ang mga tagahanga namin, kaya naman hindi na ako makapag hintay na makapag concert ulit. Kinakabahan din ako, dahil hindi alam ni Ivor ang gagawin ko, dapat ay sabihin ko na, dahil baka mas mahirapan kaming itago at iiwas si Deianira sa mga tao kapag malaki na ang tiyan niya, mahihirapan kaming ibyahe siya.

" Ang mga make up artists ninyo? Nainform niyo na din? Sabagay, si Ivor ba naman, wala pang concert, isang buwan pa bago ang concert ninyo, baka nasabi na niya, iniingatan niya kayo e, simula nung hindi pa malaki ang tiyan niya, mahal na mahal na kayo non." Mas lalong umingay ang paligid.

Kumakain na ang ibang staff, at kahit ang ibang members, noong hindi pa kami ganoong sikat, hindi namin nagagawang kumain ng ganito karami, kasi noon, hindi pa kami gusto ng mga tao, kaya hindi kami kakain ng ilang araw para magensayo kung paano sumayaw at kumanta ng maayos, para mahalin kami ng mga tao, ngayon, iba't ibang branch ng pagkain na ang nagbibigay saamin ng pagkain nila ng libre, kaya naman kahit ako ay napaparami ng kain minsan, pero buti nalang nagtayo si Ivor ng gym, kaya naaalagaan namin ang aming katawan.

" Baka sa susunod na linggo, nandito na iyong damit, kaya huwag muna kayong kain ng kain, ha?" Sabay sabay na kaming lumabas ng buong team sa fitting room, ihahatid na namin sila sa labas, kaya naman sabay sabay talaga kami.

" Yeah, alam naman namin iyon, matagal na kayong gumagawa ng damit namin, kaya madalas na namin iyang marinig." Tumawa nanaman sila sa sinabi ni Brian, agad naman siyang humingi ng tawad, kahit kailan talaga ang cute ng tawa at ngiti ni Brian, hind ko ba alam kung bakit ayaw siya ng ibang tao.

Nagbigay siya ng tulong noong isang araw, milyon ata ang ibinigay niya, pero hindi niya pinasabi sa media, kaya naman nakakaproud, tapos malalaman kong may mga ayaw sa kaniya, kaya minsan ay kinakausap ko siya nang masinsinan para gumaan naman ang loob niya.

" We'll go now, nice to meet you all after a month." Ngumiti kami.

Ang mga staff naman ay nagbigay ng daan sa kanila bago sila.

" Nice to meet you too, after a month."

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon