14

46 31 0
                                    

" Sino iyan?"

Tanong ni Ivor sa akin, habang katabi si Deianira. Ngayon na ang tamang panahon, sa tingin ko, at hindi na ako makapag hintay na sabihin kay Ivor lalo na't sa susunod na mga araw ay malalaman na namin kung babae o lalaki ang magiging anak namin.

" This is my wife, Ivor." Nanlaki ang mata niya. Inilagay ko sa harapan niya ang marriage contract namin at lahat ng litrato noong kasal namin. Ang mga lalaki naman na kasama ko ay nasa likod namin, makininig daw sila sa usapan para kung anong mangyari ay mapapakiusapan nila si Ivor.

Tinignan at sinuri iyon ni Ivor, nanlalaki ang mata niyang ibinalik sa lalagyan ang mga iyon, hawak niya ang bibig niya habang nakatingin kay Deianira. Hinawakan ko ang kamay ni Deianira para pakalmahin siya, at saka naman kami tumitig kay Ivor.

" She's pregnant. Kaya ko gustong sabihin sayo ay para kapag nalaman na namin ang kasarian ng anak namin sa susunod na mga araw ay makakasama kayo sa party na gaganapin sa pribadong lugar." Mahabang paliwanag ko.

Tumayo si Ivor at saka siya galit na tumingin sa akin, kinuha niya ang kamay ko at saka kami nagusap nang malayo kay Deianira.

" Kyle, you know what will happen, right? Sa oras na malaman ito ng mga tao, at mga taga hanga ninyo, masisira ang grupo ninyo-"

" Ivor, hindi ganiyan ang mga tagahanga namin, hindi ko pa naman sinasabi sa kanila ang tungkol sa amin, sa iyo palang, kasi gusto kong malaya kong makikita ang asawa at anak ko, at para hindi na ako takas nang takas papunta sa kaniya." Umiwas ng tingin si Ivor sa akin, tinignan niya si Deianira, ngumiti naman si Deianira dito.

Bumuntong hininga si Ivor.

" Kyle, sa oras na malaman ito ng mga fans ninyo, sino ang may kargo? Hindi ba ako? Kasi ako ang manager, at ako ang sisisihin ng tao dahil pinayagan ko kayong mag girlfriend kahit na napakasikat ninyo ngayon, what do you think?" Sambit niya.

" Ako ang bahala, Ivor. Ako ang magsasabi na wala pa ako sa industriyang ito, asawa ko na si Deianira, at hindi mo alam ang tungkol dito dahil gusto kong itago ang relasyon naming dalawa."

" Ayusin mo, Kyle. Sa oras na malaman ito, wala akong magagawa." Tumango ako, nakipag kamay ako sa kaniya. Bumalik ako sa upuan namin ni Deianira nang may ngiti sa aking labi.

Tanggap siya.

" Mrs. Intelligentsia, I know and you know that your husband is a famous artist, at alam mo din ang consiquences kapag nalaman iyan ng mga tao, lalo na at buntis ka din." Paunang sambit ni Ivor kay Deianira. Nakikinig naman si Deianira sa kaniya.

" Yes, Sir. I know that. Ang mga magulang at kamag anak lang namin ni Kyle ang may alam nito, and also, ang ibang mga members, at ikaw." Sambit niya.

" Iniisip ko lang kasi na baka magalit ang mga tagahanga nila kapag nangyari at nalaman nila ang tungkol sa inyo, natatakot ako para sa iyo, lalo na't dala dala mo ang anak ninyo ni Kyle. Inaasahan din iyan ng mga kagrupo ninyo." Tumawa siya. Kaya naman nabawasan ang kaba sa aking dibdib, hindi naman siguro siya mangbabara ngayon.

Nagkatinginan kami ni Deianira.

" Yeah, Brian is so excited, by the way, sa susunod na mga araw ay malalaman na namin kung anong gender niya, kaya gusto naming mag celebrate, if you have time-"

" Of course, I will attend. Sasabihin at ipaliliwanag ko na din sa mga staff ang tungkol dito, para malaya kang makabisita at makapasok dito sa building kung may emergency ka, Deianira." Ngumiti si Deianira kay Ivor.

Ang saya namang makita ang ganito, akala ko ay ayaw nila sa amin, at alam kong hindi naman sila magsasabi ng tungkol dito.

" Maraming salamat, Ivor-"

" Maraming salamat sa iyo, Kyle. Kung lalaki ang anak mo, maaari ko siyang ipasok bilang isang idol, kagaya ng Papa niya." Tumayo kaming dalawa ni Deianira at saka kami nakipag kamay kay Ivor.

" Gagawin ka naming ninong, if it's fine with you." Tumawa si Deianira sa sinabi ko. Ngumiti naman at tumango si Ivor kaya naman alam kong papayag siya.

" Of course, ako na ang ninong. Mag iingat kayo pauwi, may meeting pa ako."

" Maraming salamat, Ivor."

" Thank you so much."

Umalis na si Ivor sa kaniyang opisina. Pumasok naman ang mga lalaki. Agad nilang niyakap si Deianira isa isa. At saka sila tumingin sa tiyan nito.

" Anong sabi ni Ivor? Wala kaming narinig na sigawan sa labas e." Sambit ni Nathan.

" Pumayag siya sa aming dalawa ni Kyle, at sasabihin niya daw mamaya sa mga staff ang tungkol dito." Nanlaki ang bibig ni Brian, at saka niya ako niyakap.

Tumawa kaming lahat sa ginawa ni Brian.

" Congratulations! Mabuti iyan para hindi na kayo mahihirapang magtago tago kung magkikita kayo, dahil mahihirapan talaga si Deianira." Tumango kami sa sinabi ni Cody.

" Yeah, iyan din ang iniisip ko, and besides, tanggap naman na kayo, edi, sige, ano pang gagawin natin? Wait for the results." Tumawa kami sa sinabi ni Nathan. Ang ilang miyembro naman ay nakatingin lang kay Deianira.

Hinawakan ko ang beywang nito at ang kamay niya.


" Mamaya daw ay may practice, hindi ko lang alam kung anong oras, at saka bibisita daw tayo sa venue ng concert, nakahanda na din ang mga damit natin pang rehearsal." Tumango kaming lahat sa sinabi ni Timothy.


" I have to go, Boys. May kailangan pa akong gawin sa opisina-"


" Love, I told you-"


" Kyle, hindi ako magtatagal, may pipirmahan lang ako saglit bago ako uuwi, I promise." Tumango tango nalang ako sa kaniya at saka ko siya inalalayan ng makapunta sa kotse.


" Magiingat kayo pabalik, Kyle. Alalayan mo yan." Tinapik ko ang braso ni Alex sa sinabi niya.


" Alex, asawa ko ito, malamang ay iingatan ko ito."


Nagpaalam na at nakipag beso na si Deianira sa mga kagrupo ko, at saka na kami tuluyang umalis para madali akong makabalik, dahil may rehearsal pa kami.


" Kyle, I am so happy today, akala ko ay bubulyawan ka pa ni Ivor dahil magugulat siya." Hinawakan ko ang hita niya bago ako tumingin sa kaniya.


" Sabi ko naman sayo, wala tayong magiging problema."

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon