One day i met this annoying girl,
psshhhh ang pangit ko talaga mag english ! by the way, hahahaha ang labo ko talaga ! alam kong pagtatawanan lang ako ng marami pag nalaman nilang may ganitong bagay akong ginagawa, paki ba nila ?! first time ko tong ginawa sa buong buhay ko ha, grabe ! wala kasi akong mapagsasabihan ng nararamdaman ko ee kasi pag kina jigs ko sasabihin, panigurado pagtatawanan lang ako ng mga yun, mga gago pa naman yun ! sige sisimulan ko na tong sinimulan ko, hahahah tangee talaga ako !
Dear Diary,
psshhh, ang baduy naman para akong babae nito ee, ano ba ang pwede kong itawag sa notebook na to ?!! kainis naman to oh !
One day i met this annoying girl at school, syempre saan pa nga ba ? Actually sa MSN ko talaga sya nakilala akala ko kasi sya na si Bee kaya pala iba ang screen name nya, pero dahil nga sa tangengot ako basta-basta nalang ako nag aIM sa kanya kahit hindi ako sure kung sya nga ba talaga ! Ang tanga ko noh ? Ganun kasi pag inlove ee (ang baduy ko naman) ..
Para na akong tanga kakasabi sa kanya na magkita kami, mag-usap kami pero di parim sya pumapayag at ang kinainisan ko lalo ay yung sinabi nya na masaya na sya nagyon.. Puuteekkk ! masaya ? talaga lang ha ? hanggang sa nag out na sya pero di ko parin sya tinigilan, nag text ako sa kanya at paulit-ulit na sinabi na magkita kami sa dating lugar .. Dahil nga sa tanga ako pumunta ako sa lugar na sinasabi ko pero Tang-Ina lang ha ! talaga bang sinasadya nya na paghintayin ako ? o talagang ayaw nya lang akong makita ? Bee naman ee, miss na kita para na akong mababaliw kakaisip sayo ? ano bang nagawa ko at nakipag-break ka sa akin ? ayusin naman natin to oh !
Umuwi na ako wala naman akong mapapala kakaintay sa kanya doon ee ! Nag online na naman ako sa MSN ko baka online sya at luckily online nga sya, nag IM agad ako sa kanya at sinabing bakit di nya ako sinipot at kung ano-ano pa .. Hnaggang sa sinabi nya na hindi daw sya ang babaeng gusto kong makita ! Puteeekkk ! sino ba tong babaneg to ? pag ito nakita ko mapapatay ko talaga to ? hindi ba sya naawa sa akin ? pinag mumukha nya akong tanga sa kakaintay doon tapos sasabihin nyang hindi sya ang hinahanap ko ? Gago lang talaga ! ang tanga ko talaga ! Bushit na buhay to oh ! Sa mga sinabi nya sa akin ang tangi ko lang nasabi ay "Humanda ka sa akin. Tandaan mo may araw ka rin sa akin" yan nalang ang nasabi ko sa kanya, siguro ok na yun panakot ko hahahaha ano na kaya ang reaksyon ng babaeng yun, . Dapat lang yun sa kanya sa ginawa nyang panloloko sa akin..
Kinabukasan pasukan na, arggg nakakatamad talaga pumasok pero sa pasukan na ee pumasok nalang ako wala din naman akong magawa sa bahay ee.. Isa pa gusto kong alamin kung sino yung naka IM ko kahapon at pinaghintay ako na parang tanga ! Naiinis talaga ako sa tuwing naaalala lo yun para bang gusto kong sapakin ang babaeng yun ee.. Nang makarating na ako sa paaralan nabalitaan kong may transferee daw at kaklase pa namin ? sino na namn kay to, huh ! pumasok pa sila sana hindi na 1 week na kaya silang absent ! Nang papasok na ako sa classroom naringi kong nagpapakilala na sila ..
"Hi! Im Athena Dizon, im new here so please be nice to me" ee pano kung ayoko ? may magagawa ba sya ?
Teka nga ano pangalan nun ? Athena ????
"Hi! Im Sra Jung, im also new here, i hope we can be friends" bestfriends ata to sila ? masayahin pareho ee. anong konek nun ? ewan !
Teka nga matawagan nga yung nanloko sa akin kahapon baka sya to ee ... Hanggang sa may narinig akong cellphone na tumunog ..
"Miss excuse me, i have an important call" narinig kong paalam ng transferee,
Ayan na ! lumabas na sya, lagot ka sa akin ! natagpuan na din kita !
"Hello? Who's this?"
"Kilala mo ako"
"Itatanong ko ba kung sino ka kung kilala kita? stupid" Aba ! at pilosopa ahhh, sya na nga may kasalanan ee !
"Nasan ka? Patay ka sa akin pag nakita kita Athena Dizon" yan ! tatakutin na kitang babae ka ! tignan lang natin kung hindi ka kabahan !
"Sino ka ba ha?!" Aba at sya pa ang galit ngayon !?
"Si Sushi" Ayan na ! nanlaki din ang mga mata mo, sige manloko ka pa kasi ... humanda ka talaga sa akin ngayon, magkaklase pa naman tayo hahahaha ...
Pumasok na ako sa loob matapos kung kausapin si Athena, hahahaha nakakatawa talaga ang reaksyon nya, pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom ano pa ba ?! sinermonan na naman ako ng napakagaling kong titser ! deadma nalang ako, ano pa bang use kung sasagutin ko pa sya, hanggang sa sinabi nya sa babae na nasa harapan na tabi daw kami ... Nang makaupo na sya, tiningnan ko sya, korean ba to ? mukhang korean ee, maganda pa sya kesa kay Bee ko.. Wala na akong pakialam malaki kasalanan ng babaeng to sa akin ...
"Grabe. Hindi nga ikaw yung hinahanap kong Athena. Ang panget mo ee. Di hamak na mas maganda sayo ang Athena na hinahanap lo." At dahil sa sinabi ko, nagulat sya at sumigaw ...
"SUSHI BOY?!"
BINABASA MO ANG
Kenji Delos Reyes Diary
FanfictionA very memorable diary of Kenji Delos Reyes ^___________^V sana po magustuhan nyo ..