ENJOY GUYS :D
-----------------------------------------------------
Kenji's Diary :)
Ayun sa sabay kaming naglakad palabas ng PG ! Tssss napaka talaga ng babaeng to ! Ang hilis mag shopping, ano ba kasing meron sa mall at halos ikamatay nila pag di sila makakpunta doon ?! Tsk >.< Nagsasayang lang sila ng pera !
Ang nakakatuwa pa ee parang manghang-mangha sya ng isinakay ko sya sa jeep ahahaha nakakatuwa naman ng reaksyon nya. Parang bata na walang kaalam-alam. Tsk.
Eh sa walang dalang pera ang babaeng to, ayun ! Napasubo tuloy ako pero gusto ko din naman ee kaya ok lang tssss ano ba to ?! Simula ng magkasama kami ni Athena parang ang weird ko na masyado -_- ano bang ginagawa sa akin ng babaeng ito ?!
Punta doon punta dito, haaaayyy nakakapagod talaga kasama ang mga babae sa mall kung saan-saan pumupunta. Kaya ayun hinayaan ko nalang muna sya maglakwatsa tyaka sya naman nagsabi na hayaan ko nalang muna daw sya, nakakapagod kaya lakad ng lakad ! Hihintayin ko nalang sya pag tapos na sya tyaka gutom na ako ahhh ! Potek naman oh ! Mga babae talaga !
Tagal naman nung babaeng yun ?! Nakakinis ha ! Pinaghintay na naman nya ako ?! Di ba sya nagsasawa na paghintayin ako ng matagal ?! ABA ! Sumosobra na talaga ang babaeng yun ahhh…
Nag-ikot-ikot ako baka sakaling mahanap ko sya pero wala eeh ! San ba nagpunta ang babaeng yun ?! Tsk. Kaya tinawagan ko nalang sya, aba ! Ayaw sumagot ha. Ano naman bang problema nito ?! Wala naman akong ginagawa ahh, sinamahan ko na nga sya sa mall eehh tapos ganyan pa sya umasta, di ko talaga sya maintindihan !!
Aba ! Sumosobra na talaga ang babaeng to ahh. Halos isang oras na ako naghihintay sa kanya dito ! Wala ba syang awa ?! Peste talaga oh ! Ayoko sa lahat yung pinag-aantay ako ng matagal ! Lagot ka sa akin ngayon babaeng ka !
Nagpunta ako sa Parking Lot, nagbabakasakali na nandon sya, ewan ! Bigla ko nalang naisip ee, ang weird ko talaga ! Tsk >.<
At hindi nga ako nagkakamali andi to nga sya !! Ang kapal talaga nito ! Pinaghintay nya ako sa loob tapos andito lang pala sya nakikipaglandian sa lalaki ! PESTE !
"ATHENA!" napalingon sila sa akin pareho pero ANAK NG ! Di man lang ako pinansin ng babaeng to ! PAKSEEETTTT talaga oh !
"ANO KA BA !! KANINA PA KITA HINAHANAP ! MGA 1 HOUR NA ATA KITANG HINAHANAP!! SINO NAMAN TO ?!! NAMEET MO DITO TAPOS NAKIPAGLANDIAN KA NA?!" ayan di ko tuloy nakontrol ang mga pinagsasabi ko !
"NO DUMB@SS. HE'S MY OPPA" oppa ! Oppa ! Oppahin ko yang mukha nya ee !
"At sinong niloko mo hindi nga kayo magkamukha ee!" tong gago naman to, tawa ng tawa parang baliw !
"You must be Kenji, I am Natahn Dizon. Athena's Kuya" ahhhh ee di mabuti ! Potek pahiya ako dun ahh.. Bwesit talaga tong babaeng to ohhh !!
"Ngayon naniniwala ka na ba ?"
"Kenji Delos Reyes. Boyfriend nya." yun nalang nasabi ko. Tsk pahiya ako ahhh !
"Hoy ! Ang kapal ng mukha di kita boyfriend !" singit nya at anong HINDI ! Gago talaga oh ! Napahiya na nga ako sa kuya nya tapos sasabihin nya pang di nya ako boyfriend !! ULOL talaga !
"Sige, maiwan ko na kayo. Ikaw na bahala sa kapatid ko ok? At ikaw naman magpakabait ka ! See you later Princess" at pinat nya ang ulo ni Athena, parang aso lang ? Tsk.. OA talaga ng mga kuya minsan..
"Tara. Tumawag sa akin si Sara. Hindi mo raw nadala yung bag mo, nandun daw lahat yung kelangan mo pati bakit hindi mo ako pinansin kanina nung tinawag kita ?"
"Oo nga eh. Wala akong dalang pera, sayang madami pa naman akong gustong bilhin pero ok lang. Hindi kita nakilala kasi wala akong suot na contacts. Nearsighted ako eh."
Ahhh kaya pala ! Tsk akala ko kung ano na ! Di naman kasi nagsabi kaagad ee. Kaya ayun hinila ko na naman sya papasok ng mall. Ikot-ikot, punta doon punta dito kahit saan na kami napadpad at nung napagpasyahan namin na umuwi na. LINTEK LANG ! Umulan pa, malas talaga !
Hinubad ko ag jacket ko at binigay sa kanya. Kahit ganito ako ka gago gentleman din ako noh !
"ipatong mo to sa ulo mo"
"paano ka ? Ok lang naman ako eh, suot mo na yan" tignan mo to, ako na nga tong nagmamagandang loob ee. Tsk.
"Suotin mo na ! Ok lang ako. Kaya ko to ! Tara na." tas hinawakan ko sya parang may kuryente ngang dumaloy ee. Ano ba yun ?! Di ko na talaga maintindihan ang sarili ko.. Kailangan ko na talaga sigurong magpacheck-up.
END OF PART 1 :)
AN: Pasensya na po kung hindi masyadong mahaba ang mga UD ko may ginagawa din kasi ako ee ^^ spell BUSY ee di A-K-O mehehehehe sinisingit ko lang kasi ito.. Pero yaan nyo pag may time ako hahabaan ko na talaga.. Tyaka gusto ko na din ito tapusin ee o kahit umabot man lang ako sa gitna ng story nila yung part na nasaktan na masyado si Athena gusto ko kasi dun ee hehehe :D Basta pagsisikapan ko po sya na bibilisan ang pa-UUD :)
Sooooo ENJOY nalang po kayo kahit unti lang sya ^______^
BINABASA MO ANG
Kenji Delos Reyes Diary
Fiksi PenggemarA very memorable diary of Kenji Delos Reyes ^___________^V sana po magustuhan nyo ..