Prologue

2.1K 29 11
                                    

LOVE is happiness

Tama nga sila , masaya ang magmahal ng seryoso na wala kang ginagawang kalokohan, na loyal kayo sa isa't-isa na mahal ka niya at mahal mo siya ! Dati simula nung iniwan ako ni Bee parang nawalan ako ng pag-asa na magmahal ulit, nawalan ako ng gana sa buhay, parang gusto ko ng mamatay ! ni hindi ko nga pinapansin ang mga umaaligid sa akin na mga babae ee pero simula ng makilala ko ang babaeng ito, binuhay nya ang puso ko na matagal ng patay, hinukay nya ang pinakailalam nito para lang muling mabuhay kaya nung nakilala ko na siya ng lubusan palagi ko na siyang hinahanap, hindi ako mapakali pag hindi ko sya nakikita o nakakausap .. Gusto ko palagi lang syang nasa tabi ko kaya talagang ang LOVE ay isang kasiyahan na ayaw mong mawala .....

LOVE is smiling when you hear that persons voice

Marinig ko lang ang boses nya na sobrang ingay, masaya na ako, buo na ang araw ko ! OO aaminin ko nakakairita sya simula pa lang, ang ingay-ingay nya nakakainis ! pero habang tumatagal hinahanap ko ang nakakairitang boses na yun .. Pinagtatawanan nga ako ng mga kaibigan ko ee kung bakit daw ako nagkakaganito sa kanya pero wala akong pakialam sa kanila kasi ang gusto ko ay ang makasama siya hanggang sa huling tibok ng puso ko .....

LOVE is the butterflies in your tummy no matter how many times you see that person

Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ang ganitong klaseng bagay, hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tama ko sa kanya .. Ang lakas ng epekto nya sa akin ee, para na akong baliw sa kakaisip sa kanya bago ako matulog, ewan ! timang na siguro ako, kung bakit pa kasi na nakilala ko pa siya ee pero nagpasalamat na din ako kasi kung hindi ko siya nakilala siguro hanggang ngayon hindi parin ako makamove on kay Bee ....

LOVE is when you look at them and smile for no reason

Everytime na makita ko syang ngumiti o tumawa ng pagkalakas-lakas, napapatawa narin ako hindi nga lang halata, hindi ko kasi pinapakita sa kanila baka sabihin pa nila na baliw ako kasi tumatawa ako mag-isa, hahaha .. Everytime din na nakikita ko syang ngumingiti na may kasamang ibang lalaki parang gusto kong pumatay, gusto kong patayin ang kasama nya ! Ewan nagiging selfish kasi ako pagadting sa kanya kasi gusto ko lahat ng mga ginagawa nya gusto ko ako ang dahilan ng lahat ng mga yon .... Ganito talaga siguro sa LOVE selfish !

LOVE is seeing an imperfect person perfectly

Hahaha, baliw na nga siguro ako ! baliw ako sa kanyang pagmamahal naks ang cheesy ko :) simula kasi nung makilala ko sya nagbago ang lahat sa akin, kung noon madilim ang buhay ko at magulo ngayon lumiwanag na ito at maayos ng dahil kasi ito sa kanya ! Lahat ng mga sinasabi nya ginagawa ko para lang maging masaya sya sa piling ko, para masabi nya na hindi sya magsisi dahil ako ang minahal nya .. Napaka swerte ko nga siguro kasi sya ang napili ko, sya ang minahal ko at sya ang gusto kong makasama habang buhay at sana nga din swerte sya dahil ako ang pinili nyang makasama ..

LOVE is painful

Painful ? OO tama kayo, masakit ! masakit talaga ang magmahal, kung masaya ka man dahil nagmahal ka, magiging masakit rin ito pagdating ng panahon ! OO aaminin ko na ginamit ko lang sya noon, ginamit ko siya kasi gusto kung marealize na Bee na mali ang iwan nya ako at ipagpalit sa iba, kaya lang hindi ko inaasahan na sa mga plano na ginawa ko ay walang nagtagumpay dahil lahat ng iyon ay palpak ! Palpak lahat ang mga plano na ginawa ko kasi dumating bigla ang isang araw na ayoko syang mawala, na nagpadalos-dalos ako sa mga sinasabi ko kaya sa huli ay naging KAMI narin, mabuti na yong nagpadalos-dalos ako kasi kung hindi ko nagawa yun siguro  hanggang ngayon nagpapaka-TORPE parin ako ....

LOVE is hard

Hard ? Tsss, napakahirap talaga ! sobrang hirap, simula nong naging kami maraming dumating na mga pagsubok na kailangan naming harapin hanggang sa dumating ang isang napakalaking pagsubok na kinakailangan ko syang bitiwan at gumawa ng maling desisyon .... Alam kong nahihirapan sya nung mga panahon nayun, nasasaktan, at hindi alam ang gagawin ! Kaya sa maling desisyon na ginawa ko nasaktan kami parehas ng lubusan, nasaktan kami sa isang maling desisyon na aking nagawa .....

LOVE is sacrifice

Sa mga maling desisyon na aking nagawa, nakayanan parin naming lumaban, lumaban sya kahit alam nya sa sarili nya na hindi na nya kaya na hindi na nya kayang mabuhay pa ! Kaya nung nabigyan kami ni KAPALARAN ng isang pang pagkakataon, nasabi ko sa sarili ko na ayaw ko ng bumitiw pa dahil lang sa isang maling desisyon na aking gagawin, ayoko ng maulit pa ang lahat ng mga iyon kasi ang gusto ko lang sa buhay ko ay ang makasama sya habang buhay hanggang sa huling hininga ko ....

LOVE is sadness

Sadness ? bakit ba kung kelan sigurado ka na sa mga ginagawa mo tsaka naman dadating ang SADNESS na ito, hindi ba pwedeng wala nalang ito ? na puro nalang HAPPINESS lahat ? kasi simula ng dumating ito, ayoko ng mabuhay pa, ganito pala talaga kasakit ang magmahal noh ? parang feeling mo kinuha nalang bigla-bigla ang puso mo ng wala man lang paalam ! Ang sakit, sobrang sakit ng aking nararamdaman, kung bakit pa kasi sya pa ? bakit ba kasi sya pa ang kinuha ? Sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko, bumalik na naman ako sa dating ako, na nawalan ng gana na mabuhay pa, parang feeling ko ako lang mag-isa sa mundong ito ! Kaya minsan napag-isip-isip ko na mabuti na sigurong sumunod na lang ako sa kanya baka kasi maging masaya na kami habang buhay sa pangalawa namin buhay ! Madamot talaga si KAPALARAN sa akin noh ? kasi konting panahon lang ang hinihingi ko pero hindi nya talaga ako pinagbigyan, ewan siguro KARMA to ! Hahaha nakakatawa naman kasi ngayong ok na ang lahat ngayon dumating ang letcheng KARMA na ito ! Kung bakit kasi ngayon pa ? ngayon pang mahal na mahal na mahal na mahal ko na sya .......................

 Kenji's Diary 1 ---------- SOON ....

Kenji Delos Reyes DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon