"MARICAR wala ba talaga akong ginawa o sinabi nung gabing nalasing ako? para kasing meron eh."Tanong ko kay Maricar.
Tinitigan lang ako ni Maricar habang nagpupunas ito ng baso.
Nandito ako sa Restobar na pinagtatrabahuhan nito at kung saan din siya huling naglasing. Makikigulo muna siya dito tutal maaga pa naman kaya wala pa gaanong customer.
"I swear Kara, don't ever drink again." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito.
"Edi may ginawa nga ako? Shit! anong ginawa ko. Tell me." Lumapit ako kay Maricar at niyugyog ito.
Sinasabi ko na eh! may nangyari talaga eh.
"Teka nga. Aray ko Kara." Itinigil ko ang pagyugyog sakanya.
Itinigil nito ang ginagawa at tinitigan si Kara, naalala niya ang huling sinabi ni Lorenzo ng gabing iyon.
"Don't tell her anything about her confession."
"Bakit?" Hindi maiwasang tanong ni Maricar kay Lorenzo.
"You don't love her. Do you?" Tinignan lang siya nito bago binuhat ang lasing na babae.
"Maricar.. Hoy! Maricar!"
Naikurap niya ang mata ng iwagayway ni Kara ang kamay.
"Ano na? Bakit natulala ka na lang dyan bigla?" Iniwas nito ang tingin sakin. Tumalikod ito at pumunta sa mga table para punasan ito.
"Wala. Hindi ka lang namin mapigilan dahil gusto mong pumunta ng stage at kunin ang microphone."
"I did? Omg! nakakahiya. Siguro pinagtatawanan na ako ni Lorenzo." Napatakip ako ng mukha. Ang kapal talaga ng mukha ko.
"Pero sure ka yun lang talaga ang ginawa ko?" Lumapit ako dito at kinulit pa ito tungkol doon.
Humarap ito sakin at halos magsalubong na ang kilay nito. "Kara wala ka bang ibang gagawin?"
Yun na nga wala akong magawa dahil Sunday ngayon. "Wala." Nakangiting sabi ko with matching taas ng kilay para mas maasar pa ito.
"Kung ganun umuwi ka na lang sa inyo. I'm working Kara I can't entertain you." Pagtaboy nito sakin.
Ang harsh ng babaeng to, pero alam kong ganyan lang talaga to. Mukang masungit pero mabait 'to.
Nagkunwari naman akong malungkot. "Bakit pinapaalis mo na ako, hindi mo na ba ako mahal, best friend?" Nagkunwari pa siyang nagpupunas ng luha kahit wala naman talaga.
"Kara, ang arte mo. Wag kang magdrama dyan." Sungit nito sa kanya.
"Eto naman ang sungit, meron ka ba? may extra pads ako." Nagkunwari pa ako na kukunin ito sa bag ko.
Akmang babatukan ako nito kaya nagmamadali akong tumakbo palabas.
Tawang-tawa ako ng hindi ako nito naabutan. It looks childish but who cares. Edad lang ang tumatanda.
"Karaaaa!" Natawa na rin ito.
"Eto na uuwi na. GG eh. Bye."
PAGKAGALING sa Restobar ay dumeretso ako sa mall, bumili muna ako ng skin care sa Watsons. Napansin ko kasi na tumutubo na naman ang mga Mt. pinatubo ko sa mukha.
In other words, pimples.
Hindi naman ako matagyawatin pero syempre dahil sa dirt na na-aabsorb ng balat natin kaya nagkakaroon ng pimples.
Palabas na siya ng makita niya ang babaeng gusto ni Lorenzo.
Ano nga ba ulit name nun? Ah! Cristy..ay hindi Cris-Cristine. Yun! Cristine nga.
BINABASA MO ANG
Wedding in Trouble
RomanceKara Villena is a 25-year-old lady who has been single since birth, causing her mother to set her up on blind dates. However, she is not dating anyone because she is secretly in love with her best friend named Lorenzo. Unfortunately, due to unfavora...