Chapter 16

0 0 0
                                    

MATAPOS ang pag-uusap namin ni Lorenzo ay  nagbago na ang lahat. Bumalik na ito sa dati. Madalas na ulit itong nakangiti at makipag-asaran sa akin.

Kakatapos ko lang mag-ayos ng sarili nang may marining ako na parang may masayang nag uusap sa aming sala. Pababa pa lang ako ay naririnig ko na ang mga tawanan nila Lorenzo at tawa ng isang bata.

Bata? may bata sa bahay?

Nanlaki ang aking mga mata nang marealized ko kung sino ang taong nagtatawanan sa baba. Binilisan ko ang paghakbang sa hagdan. Pagdating ko sa kusina ay di ko inaasahan kung sino ang nakita ko.

"Ate Carla!" Sigaw ko.

"Kara, nice to see you again."

Agad akong lumapit dito at niyakap ito. "OMG! I missed you, Ate. Buti naman bumisita ka dito." I'm so happy na binisita kami nito.

"Pagkadating na pagkadating ko ay kayo agad ang naisip ko na una kong bisitahin." masayang paliwanag nito at niyakap akong muli.

Napalingon kami ni Ate Carla nang tumikhim si Lorenzo.

"Ehem! Ako ang kapatid pero parang mas namiss mo pa si Kara. You're so unfair, Ate." Pagmamaktol nito.  Buhat-buhat nito ang 1 year old boy na pamangkin ni Lorenzo si Baby Dylan.

Naghiwalay kaming dalawa ni Ate Carla at natatawang tiningnan si Lorenzo. Lumapit ako dito para buhatin ang cute na cute na si baby Dylan. Ibinigay naman sakin ni Lorenzo ang bata.

"Hi! Baby Dy. Why so cute pa rin?" Dylan just giggle when some of my hair fell on his face after giving him a kissed on the cheeks. Pagkatapos nito ay hinarap ko si Lorenzo.

"Alam mo kasi Lorenzo nabanggit kasi sakin ni Ate Carla na ampon ka lang daw." Natatawang pang-asar ko dito.

"Look at her, Ate. Inaaway niya ang baby brother mo!"

Napangiwi naman si Ate Carla sa pagiging pababy ni Lorenzo. Pababy talaga at hindi pabebe.

"Stop it Lorenzo! Baby brother? you can even make a baby of yours." May pang-aasar na tumingin sa akin si Ate Carla.

Umiwas ako ng tingin at nilaro na lamang si Baby Dy.

Sa tingin ko hindi pa kami parehong handa sa bagay na yan. Masyado pang complicated ang relationship naming dalawa ni Lorenzo. Hindi pa rin ako sigurado kung kaya na bang magmahal muli ni Lorenzo.

"Why so quiet guys?" Natatawang nagpapalit-palit ang tingin nito sa aming dalawa. "Alam n'yo bang nagtatampo pa ako sa inyong dalawa dahil hindi n'yo ako inimbita sa kasal." Nakasimangot na ito.

"Well... Ate, biglaan kasi ang kasal kaya hindi na kami nakapag-imbita." Napapakamot sa batok na sagot ng kapatid.

Naniningkit ang matang lumingon si Ate Carla dito. "Kaya dapat magpakasal kayo ulit and this time invited na ako."

"And I'll be the one to design your wedding gown." Napangiti na lang ako.

Carla Dela Fuente is a famous fashion designer in Europe. Doon ito nag-aral ng kolehiyo, dahil na rin magaling at passion talaga nito ang magdisenyo ng mga damit ay natuklasan siya ng isa sa mga judge ng fashion show na kung saan isinali ni Ate Carla ang mga designs niya. Doon na nagsimulang sumikat at makilala ang mga pangalan niya. Sa ngayon ay may sarili na itong company sa Europe. Sa bansang din na iyon niya nakilala ang kanyang asawa na Filipino din. May Car Company kasing hinahawakan ang asawa nitong si Kuya Mikee Dela Fuente. Actually, bagay na bagay silang dalawa. Si Ate Carla na pasaway at si Kuya Mikee na very quiet and neat laging tingnan.

"Oo nga pala.. Ate Carla where's Kuya Mikee?" Pag-iiba ko.

Inilapit ko si Baby Dy nang mapansing nakaturo ito kay Ate. Namimiss na siguro ang mama.

Wedding in TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon