Chapter 7

1 0 0
                                    

"ANG sarap talaga ng sawsawan niyo Aling Ising!" Kumuha pa ako ng isang fishball mula sa hawak kong plastic cup.

"Naku! syempre naman, minsan ko lang kayo makita eh. Magmula noong grumaduate kayo ay bihira na lamang kayong mapadaan dito."

Napangiti naman ako dito. "Alam kung busy na kayo sa mga trabaho niyo kaya naman sinusulit ko ang pagkakataon na ito. Wag niyo ng bayaran yan. Malaki rin ang naitulong nyo sakin lalo na ng nagsisimula palang ang karinderya ko."

"Hindi po pwede Aling Ising, negosyo niyo po ito. Dapat lang na magbayad kami."

Pagkatapos namin sa Arcade ay naisipan namin na dito na lang kumain.

Ising Eatery ang pangalan ng karinderya ni Aling Ising. Dito kami madalas tumambay ni Lorenzo noong nasa kolehiyo pa kami. Hindi kasi namin gusto ang nilulutong ulam sa university. Kaya nang matuklasan namin ang nag-uumpisa palang na karinderyang ito ay sinubukan agad namin, at hindi naman kami nagkamali dahil masarap talaga magluto si Aling Ising. Nasa mid-60's na si Aling Ising pero makikita pa rin na malakas pa ito at kayang kaya makipagsabayan sa mga kagaya namim.

Matapos namin kumain noon ay naging suki na kami dito. Sinasama na rin namin minsan ang mga kaklase namin. Kaya naman unti-unti na rin itong nakilala.

Ngayon na lang ulit kami nakabalik dito and I'm happy to see na unti-unti ng lumalaki ang dating kubo-kubo lang na kainan.

Naging malapit na rin samin si Aling Ising. Kaya madalas ay hindi na ito nagpapabayad sa mga kinakain namin ni Lorenzo. Pero syempre mariin naman namin itong tinatanggihan. Nagbabayad pa rin kami.

"Sabi ko na nga ba at kayo rin dalawa ang magkakatuluyan bandang huli." Pareho naman kami natigilan dito.

"Ho?" Naguguluhang tanong ko.

"Hindi ba't magkasintahan kayong dalawa? bagay na bagay kayo sa isa't isa."

Napatingin naman ako kay Lorenzo na tumingin din pala sa akin.

"Naku! hindi po." Agad kong pagtanggi dito. Baka mamaya makahalata si Lorenzo.

"Kung makatanggi ka parang luging lugi ka.." Humarap sakin si Lorenzo at tinitigan akong maigi.

Tinaasan ko naman ito ng kilay. "Lugi naman talaga ako!"

"Wow choosy pa siya!" Sabi nito pagkatapos ay kumuha ng isang fishball.

Napahalakhak ako ng magkamali itong isawsaw sa maanghang na sauce ang fishball na kinakain nito.

"Oh! Shit! Aling Ising pahingi po ng tubig ang anghang po." Hindi magkandaugaga sa paghahanap ng tubig si Lorenzo.

"Ay! teka.. oh eto na." Kumuha ng tubig si Aling Ising at inabot ito kay Lorenzo.

"Ano ba yan Lorenzo! Hanggang ngayon ayaw mo pa rin sa maanghang." Hindi ko mapigilang tumawa pero pinipigil ko pa rin dahil alam kong malapit na maasar si Lorenzo. May pagkapikunin pa naman ito kung minsan.

"Diba usually paglalaki mas gusto nila ang maanghang pero bakit ikaw hindi?"

Matapos makainom ng tubig ay inilayo na nito ang maanghang na sawsawan. Lihim naman akong natawa dito. Takot na baka doon niya ulit ito maisawsaw.

"I just don't like spicy. At Kara, iba-iba ang klase ng tao. Some like spicy and others may not. So quit comparing."

Napalingon naman ako sa bagong dating na kausap ni Aling Ising. Namilog ang mata ko ng makilala kung sino ito.

"Lorenzo, si Dustin oh.." Turo ko pa sa pwesto nila ni Aling Ising.

Lumingon saglit si Lorenzo pagkatapos ay ibinalik ulit ang tingin sa kinakain.

Wedding in TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon