Chapter 14

0 0 0
                                    

KINABUKASAN maaga akong nagising para ayusin ang mga gamit namin. Excited akong i-arrange ang lahat ng gamit na niregalo at binili nila Mama at Mommy Karen para samin.

Kumain muna ako ng breakfast. Buti na lang pala may malapit na convenient store dito. Binilhan ko na din si Lorenzo at siguradong gutom na ito.

Pagkatapos kumain ay inumpisahan ko na ang pagbukas ng mga box. Meron kaming Microwave, Blender, Plate with spoon and fork, Oven and iba pang kitchen utensils.

Lumipat naman ako ng pwesto kung saan nakalagay ang iba pang box.

Ang dami pala nito.

Napalingon ako ng marinig ko ang yabag na nanggaling sa hagdan. Gising na si Lorenzo.

Nang magising kasi ito kaninang madaling araw ay pinalipat ko ito sa kwarto para mas makatulog siya ng maayos. Hindi kami tabi natulog dahil alam kung hindi yon magugustuhan ni Lorenzo. Kahit na mas gusto ko iyon.

"Lorenzo, gising ka na pala. Bumili ako ng pagkain sa convenient store. Gusto mo na bang kuma- " Pinutol ako nito.

"Okay." Dumiretso ito sa kusina nang hindi man lang ako nililingon.

Nabigla ako sa inasal nito. Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napansin ko na lang nang tumulo ang luha ko. Agad ko itong pinahid at nag-umpisa na muling mag-ayos ng gamit.

Pansin kong naging mailap sa akin si Lorenzo. Pagkatapos ni Lorenzo kumain ay tumulong na rin ito sa'kin sa pag-aayos ng gamit pero tahimik pa rin ito.

Hindi ko na namalayan ang oras, inabot na kami ng tanghali sa pag-aayos ng gamit. Naisip kong ipagluto ito pero past 12 na baka nagugutom na rin si Lorenzo.

Magpapa-deliver na lang ako.

Nakangiting humarap ako kay Lorenzo na kasalukuyang busy sa pagbubuhat ng mga appliances.

"Lorenzo hindi pa pala tayo kumakain.. what do you want? mag-order na lang tayo." tanong ko dito.

Mukang hindi ata siya nito narinig kaya tinanong ko ulit ito.

"Lorenzo, ayos lang ba sa'yo na mag-order na lang tayo? hindi na kasi ako nakapagluto. Do want adobo? or-" Pinutol nito ang anumang sasabihin ko.

"Anything will do." Natigilan ako sa naging sagot nito. Hindi man lang ako nito nilingon. Usually agad itong nagsa-suggest ng maraming putahe na parang may fiesta kahit na dalawa lang naman kaming kakain.

Bumuntong hininga ako.
"Hmmn.. do you want drinks or water na lang?" tanong ko pa pero hindi na ako sinagot pa nito.

"R-Right.. water na lang siguro." I bit my lower lip to stop myself from crying because of his coldness.

Ayos lang yan Kara! wala lang siya sa mood kaya ganyan.

After eating ay pinagpatuloy na namin ang pag-aayos sa bahay. Kinalimutan ko na lang ang mga naging kilos nito at masaya kong pinagmasdan si Lorenzo habang patuloy ito sa ginagawa. I'm so happy na kahit na parang cold sa kanya si Lorenzo ay hindi ako hinayaan nitong mag-isang mag-asikaso ng lahat ng ito.

Pasimple kong kinuhanan ito ng picture gamit ang aking phone. Ang guwapo ng asawa ko. Kinikilig kong wika sa sarili.

Maya-maya ay nagring ang phone ko kaya naman napatingin sa kanya si Lorenzo.

Sa sobrang taranta ko muntik ko pang mabitawan ang phone dahil nakatutok sa direksyon ni Lorenzo ang camera ng phone ko baka makahalata ito na kanina ko pa siya kinukuhanan ng litrato. Lumayo muna ako para sagutin ang tawag.

"Ma!" sagot ko sa tawag nang makita ko ang name ni Mama sa phone ko.

(How are you iha? Gusto ko sanang pumunta dyan pero alam kung nag-aayos pa kayo.. so maybe next time.)

Wedding in TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon