BerettHe was expecting to get away from the plan of their parents about the wedding. He already has plans of his own. May kakausapin na siyang fake judge. Fake witnesses. Everything would be fake para lang ma-satisfy ang mga magulang nila ni Cami na talagang nagpakasal sila at papanindigan niya ang pagbubuntis nito. Pero hindi niya inaasahan na mas matalino ang magulang nila sa kanila.
Now they were married. Legally. Marahan niyang nahilot ang magkabilang sentido habang nakasakay sa sasakyan na maghahatid sa kanila sa bagong bahay na titirahan nila.
"We could have gotten our things first. Wala kaming gagamitin sa bagong bahay na titirahan namin."
Si Cami ang nagsalita noon na katabi niya. Ang daddy niya ang nagmamaneho ng sasakyan papunta sa bagong bahay nila. Napagdesisyunan na kasi na pagkalabas ng ospital ay dito na sila dederetso. Pakiramdam niya ay maloloka na siya. Mamamanhikan lang sila tapos ngayon ay may asawa na siya?
"Hindi 'nyo na kakailanganin ang mga gamit 'nyo. Kumpleto na ang mga gamit diyan sa bagong bahay na titirahan 'nyo. I planned this for so long. And don't worry, Cami. Kung may kailangan ka man na mga personal na gamit mo, ako na lang ang kukuha sa condo mo." Sagot ng tatay nito.
"What?! No!" Bulalas nito kaya nagtatakang napatingin siya dito. Nanlalaki din ang mata nitong nakatingin sa kanya. Bahagya itong tumikhim at pilit na ngumiti. "I mean, there are some of my personal things that I don't want other people to see."
Natawa lang ang daddy nito at nagtinginan pa at ang daddy niya. Tumaas ang kilay niya sa babae.
"May sikreto ka?" Mahinang tanong niya dito.
Napahinga ito ng malalim. "I have some things there."
"What kind of things?"
Umirap ito sa kanya. "You know. Things," nanlalaki pa ang mata nito na parang sinasabing alam niya ang ibig nitong sabihin.
Nagtatanong pa rin ang tingin niya dito.
"I am a single lesbian living alone. I get lonely sometimes and I need things to... you know. To satify myself." Pilit pa ring nagpapaliwanag ito.
"Ah..." napa-ikot ang mata niya. "Mga vibrator mo. Ang lungkot ng buhay mo, tibash. Nabuhay ka sa plastic chorizo. Akala ko ba lagi kang nakakakuha ng mga chicks mo gabi-gabi."
"Siyempre may mga times na mag-isa lang ako tapos nabo-bored. Naho-horny. Don't tell me you don't own something like that?" Inirapan siya nito.
"Siyempre wala. Kung bored ako, maghahanap ako ng buhay na chorizo at hindi plastic. Kaibigan at kamag-anak lang dapat ang mga plastic."
Natawa si Cami sa sinabi niya at napailing. Napangiti din siya. Seeing her laughing like she didn't have any problem at all made everything around them lively. Sa bilis ng mga nangyari sa kanilang dalawa, this smile gave him a bit of calmness.
"Mukhang talagang magkakasundo kayong dalawa at natutuwa kami doon. Nandito na tayo," boses ng tatay niya iyon.
Mabilis siyang lumayo kay Cami at ganoon din ang ginawa nito. Sumilip sila sa labas at nakita nila ang isang modern built house. Halatang bagong gawa lang.
"In fairness may taste ang tatay mo sa house design. Yayamanin ang hitsura," mahinang sabi ni Cami sa kanya.
"Mana sa akin 'yan. Feeling ko kunwari lalaki lang 'yan pero katulad ko din. Chorizo ang gusto ko," sagot niya na nanatiling nakatingin sa bahay.
BINABASA MO ANG
BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)
RomanceBerett and Cami never thought that they could get along with one another. After both of them suffered a heartbreak and both of them are members of the third sex, they decided to stick together. Had fun and let destiny decide for their fate. But an...