CHAPTER TWENTY-THREE

2.9K 161 42
                                    


Cami

Nanatili siyang nakatingin sa pinto na dinaanan ni Berett habang tila wala sa sarili na nakahawak sa mga labi niya. Pakiramdam niya ay ramdam pa niya ang labi nito na nakahalik sa kanya.

He kissed her. He experienced being kissed by Berett before. But earlier, she felt there was something in that kiss. She never felt she was kissed by someone who was gay. She felt, she was kissed by someone who was claiming her lips. No. Not just her lips. She was kissed by someone who was telling her that she was owned. There was possessiveness in that kiss. A kiss that was telling her that she belonged to someone.

That she belonged to Berett.

"Oh, God." Pakiramdam niya ay umikot yata ang mundo niya kaya parang nanghihinang napaupo siya sa office chair niya. What was going on? May regla ba si Berett? May sumpong? Epekto ba iyon ng ginawa nila kagabi?

She was the one who initiated it. She really needed that sex. That release. Because she felt she was going crazy if she didn't have that. The moment she became pregnant, her hormones were raging inside of her. Her mind and her body were screaming for carnal pleasure that she needed to feel. And she got it last night. But what was happening to Berett?

Nang dumating ito sa opisina niya, talagang kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito lalo na nang makita ang boss niya. Kung bakit naman kasi ayaw pang huminto ng boss niya sa pangungulit sa kanya. Sigurado naman siyang nagti-trip lang ang isang iyon at siya talaga ang trip ngayon. Sigurado naman siyang wala iyong gusto sa kanya. Sino ba naman ang magkakagusto sa babaeng buntis at alam na may asawa pa? Sabagay, hindi naman niya masisisi si Berett na hindi mainis. Kahit sinong lalaki kapag nalaman na may umaaligid pa sa asawa nito ay talagang magwawala.

Pero hindi lalaki si Berett. Bakla ito at alam niyang wala itong pakialam kung may babae o may lalaki mang lumandi sa kanya. Kaya talagang naninibago siya sa inaakto nito. At nagagalit pa sa tuwing tatawagin niyang bakla? What was wrong with that? Sanay si Berett na tinatawag niyang bakla.

Pakiramdam niya ay pumipintig ang ulo niya sa dami ng naiisip. Hindi tuloy siya maka-focus sa ginagawa niya. Kahit nga nang sabihin ng sekretarya niya na kailangan na niyang pumunta sa conference para maka-attend ng meeting ay wala doon ang atensiyon niya.

Nakatitig lang siya sa presentation na ipinapakita ng mga kasama niyang managers. Kumpleto ang lahat ng managers doon pati na si Brendan. Naipagpasalamat niyang hindi naman siya kinukulit nito ngayon. Naka-focus lang ito sa meeting at sa mga discussion tungkol sa projection ng bawat department sa susunod na taon. Nakalatag sa harap niya ang reports ng mga staff niya at paulit-ulit lang niyang binabasa pero hindi naman niya maintindihan. Napatingin siya sa telepono niya nang mag-vibrate iyon. May nag-text. Si Berett.

What do you want for lunch? I'll send you some.

Napakunot ang noo niya. Tinatanong siya kung ano ang gusto niyang lunch? Wala naman itong pakialam sa kanya. Sa bahay nga, kanya-kanya sila ng luto o kung ano ang gusto nilang kainin. Mas madalas nga, siya pa ang nagpupumilit dito na ihanap siya ng mga pagkain na trip niyang kainin. Hindi na lang niya ito sinagot. Baka hindi naman para sa kanya ang text na iyon. Baka para lang sa mga kalandian nitong lalaki. Maya-maya ay naka-receive na naman siya ng text.

Lunch. What food do you want to eat for lunch, Cami? Don't let me text you the third time.

Napatitig siya sa message na ipinadala ni Berett. Pakiradam niya ay naririnig pa niya ang authoritative na boses nito. At para sa kanya talaga ang text na iyon? Ano ba ang nangyayari sa baklang iyon?

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon