CHAPTER TWENTY-NINE

2.6K 147 32
                                    


Berett

Wala ang atensiyon niya sa mga trabahong nakatambak sa harap niya. Lampasan lang ang tingin niya sa laptop dahil ang utak niya ay lumilipad sa nangyaring pagkikita nila ni Aaron. How could that happen? He made sure that when he filed that restraining order against him, he can no longer come near him. But that asshole got away. That asshole was free against that restraining order.

He was free to taunt him again.

Mahina siyang napamura at naisubsob ang mga kamay sa mukha. He was happy with Cami. He was happy with the family the they were beginning to build. Bakit kailangan pang biglang sumulpot ang lalaking iyon?

Napabuga siya ng hangin at muling tumingin sa kaharap na laptop. Alam naman niya kung ano lang ang habol ni Aaron sa kanya. Pera lang. At sa biglang pagsulpot ng lalaking iyon alam niyang gagawa at gagawa iyon ng paraan para guluhin siya at muli siyang magbigay ng pera. Ang ikinakatakot pa niya ay ang muli nitong panggugulo. Baka pati sa pamilya niya ay lumabas na ito at sabihin ang totoong mga nangyari sa kanila.

No. Hindi puwede. Ngayon pang okay na siya sa pamilya niya. Ngayon pang magkakaanak na siya. Ngayon pang narito na si Cami na alam niyang mahal niya. Siguradong magugulo ang lahat kapag nalaman ng magulang niya at ng magulang ni Cami kung ano ang mga kalokohang pinaggagawa niya noon. Alam niyang kung tanggap ni Cami ang nakaraan niya, ang mga magulang nila ay hinding-hindi matatanggap iyon.

Kailangan niya itong magawan ng paraan. Sa kanya nagsimula ang gulong ito, siya ang kailangang umayos nito.

Kinuha niya ang telepono at nanginginig ang mga kamay na idinayal ang numero ni Aaron.

"So, you are not blocking my number anymore?" bungad nito sa kanya.

"We need to talk." Seryosong sabi niya dito.

Natawa ito. "You know where I stay. If you want to talk to me, come and talk to me. I'll be waiting for you."

Hindi na siya sumagot at ini-end ang usapan nila. Tumayo siya at kinuha ang susi ng kotse niyang nakapatong sa mesa. Lumabas siya ng opisina at nagbilin sa sekretarya niyang lalabas lang saglit. Dumeretso siya sa parking at sumakay sa sasakyan at pinasibad iyon paaalis doon. Dumeretso siya sa pamilya na condo na madalas niyang puntahan noon. Of course, he knew this place. He was paying the monthly rent of Aaron's unit here before. And he was sure, he was still staying here.

Agad siyang nakilala ng nasa reception nang makita siyang. Ngumiti ito agad sa kanya.

"Sir Berett. Long time no see," nakangiting sabi ng nasa reception. Alam naman niyang bakla din ito. Matagal na silang nagka-amuyan.

Tipid siyang ngumiti dito. "Is Aaron in his unit?"

Lalo nang lumapad ang ngiti nito. "Nagkabalikan na kayo, Sir? Okay na? Narinig ko ang nangyari dati."

Sumimangot siya. Tsismoso pa talaga ang baklang 'to. Sabagay noon pa naman ganito na ito.

"Is he there?" hindi niya sinagot ang tanong nito.

Tumingin ito sa mga bunton ng papel sa harapan bago sumagot sa kanya.

"Yes. Itawag ko na darating ka," kinuha nito ang telepono pero agad niyang pinigilan.

"I want this to be a surprise for him," alanganin siyang nakangiti tapos ay may iniipit sa kamay nito. Five hundred iyon para manahimik na ang isang ito.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon