CHAPTER TWENTY-FOUR

2.8K 186 41
                                    


Berett

            Wala silang imikan ni Cami habang bumibiyahe pauwi pero damang-dama niya ang galit nito kahit hindi nagsasalita. Tahimik lang itong nakatingin sa kalsada at hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.

            Pero okay lang ito sa kanya. Sa katunayan, naaaliw siya. Nakakaaliw palang makitang galit si Cami. Kahit para naman silang aso't-pusa na dalawa sa tuwing magkasama sila umpisa pa lang, iba ang galit na ipinakita nito kanina nang makita siyang may kasamang babae. He could see fire in her eyes. The suppressed anger when she saw him kissing Angela.

            Si Angela na aksidenteng na-meet niya sa bar na pinuntahan nang malaman niyang hindi agad uuwi si Cami dahil binitbit na naman kung saan ng boss nito. Well, Angela was an old friend and game naman iyon sa lahat ng lalaki. Pumunta kasi siya sa old hangout niya na lagi niyang pinupuntahan noon kapag gusto niyang mang-hunting ng mga lalaki at doon sila nagtagpo ng babae. But suddenly when he got there, he felt uncomfortable. Kahit maraming lalaki ang lumalapit sa kanya. Kahit na nga naaalala niya ang sinabi ni Cami na manlalaki siya. Hindi na niya maramdaman ang kilig noon na nararamdaman niya sa tuwing nakakakita siya ng guwapo at machong lalaki. Ilang lalaki ang lumapit sa kanya doon. Nagpapansin. Nagpapadala pa nga ng mga drinks pero tinatanggihan niya. Mas ang isip niya kasi ay lumilipad na si Cami ay nasa meeting na naman kasama ang boss nito.

            At talagang napipikon siya na mas importante pa kay Cami na sumama sa boss nito kaysa ang intinidihin ang kalagayan. She was pregnant and she should be taking care of herself and their child. In fact, kaya niyang buhayin si Cami kahit hindi na ito mag-trabaho. Kaya niyang i-provide ang lahat ng pangangailangan nito.

            Kahit nga ang pangangailangan nito ng lalaki sa kama.

            Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at mahinang napamura. Damn it. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Bakit biglang-bigla ay naramdaman niyang wala na siyang interes sa mga lalaki? Bakit biglang nawala ang kilig na nararamdaman niya sa tuwing makakakita ng mga hombre? Bakit biglang nawala ang libog niya kapag nakakakita ng magagandang shape at mabubuhok na braso? Nang mabubuhok na dibdib? Nang namumukol na mga chorizo?

            Kaya nga takang-taka si Angela na hindi niya pinapansin ang mga lalaking nagpapa-cute sa kanya kanina. Akala pa nga nito ay maysakit siya. At dahil iyon sa pakiramdam niya na sasabog na ang dibdib niya sa inis na nararamdaman dahil sa nangyayari sa pagitan ni Cami at ng boss nito maging sa nararamdaman niya sa sarili niya, sinabi niya lahat kay Angela iyon.

            Ang lakas nga ng tawa nito nang marinig ang ikinuwento niya.

            "Gaga, bakla. Nagiging lalaki ka na. And I am so proud of you."

            "Will you stop calling me bakla? I don't want to hear that word." Asar niyang sagot.

            Malakas na tumili si Angela. "OMG! I like it! Bestie, trust me. There is something wanted to come out from you and that is not your gay side. Look around, there are many guys wanting to have your attention but you wanted only someone's attention and she happened to be not in here."

            Sinamaan lang niya ito ng tingin.

"Tanggapin mo na, na nai-inlove ka at sa isang babae pa."

"No I'm not. And she is not a girl. She is a lesbian. Nainis lang ako dahil nilalandi siya ng boss niya kahit kaharap ako. Hindi ba puwedeng naiinis lang ako kasi buntis siya at baka mapabayaan ang anak ko?"

Inirapan siya ni Angela. "Huwag kang plastic, Bernardo. It's all over in your face. I can feel and smell the jealousy raging all over you. And, anong problema kung ma-in love ka sa babae? Kahit lesbiyana pa 'yon, babae pa rin. Don't you think it's the best thing?" Napahinga pa ito ng malalim. "Walang masama kung main-love ka sa same sex but let's face it. Kahit na maraming tanggap ang kapwa babae o kapwa lalaki na nagmamahalan, people won't stop to judge. There are still people who are close minded and won't accept the fact that same sex could fall in love with each other. Kung lalaki ang mahal mo, okay lang iyon. Iyon ka. Pero hindi mo pinilit ang naramdaman mo ngayon. I think it's the nature's way of telling you that you are bound to be with a woman. Ayaw mo lang aminin dahil napapahiya ka sa sarili mo." Mahabang litanya niya.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon