Maagang natapos ni Elias ang lahat ng trabaho sa opisina. Nakipag meeting din sya sa mga ilang possible investors. Kaya maaga syang nakapagpahinga. Gabi na ng ikatlong araw na hindi nya nakikita ang dalaga. Gustong- gusto na nya ito makita, mayakap at mahalikang muli.
Nagpasya syang umuwi sa village kung nasaan ang bago nyang bahay.Total naman nasimulan na nila ang planong pakikipag negosasyon sa isa na namang target ng gobyerno na grupo ng sindikato..ang Sweet Dragon. Ayon sa report isang matinik na bakla ang leader ng sindikatong ito. Alias Catriona or Sweet Dragon but his real name is Bert Balut. Involve sa iba't -ibang crimes list like drug trafficking, human trafficking and marami pang iba.
Gusto nyang pagpahingahin ang utak at katawan pansamantala at maglaan ng oras para sa babaeng napaka importante sa kanya. Bago sumabak na naman sa giyera. Dalawang malalaking sindikato nalang at magiging free na ang kumpanya nya from its truce to the government.Tahimik syang nagmamaneho pabalik ng bahay pero nasa Magallanes banda palang sya nakita nyang may bumubuntot na sa kanyang isang motorsiklo. Hindi nya binilisan ang pagpapatakbo para hindi sya mahalata pero inihanda nya ang sarili at inilabas ang baril mula sa drawer ng sasakyan. Ipinatong nya ang isang kamay sa steering wheel para suportahan ang isa sa pagkasa. Para anytime ay handa sya.
Ilang segundo pa ay nag overtake ang motorsiklo. Naging alerto sya at agad binuksan ang bintana at hinyaang makalapit ng ilang metro ang motor at agad syang nag minor para pumantay dito at sa tamang timing ay kasunod ang paglabas nya ng baril sabay kalabit ng gatilyo ng tatlong beses. Sapul ang lalake at sumemplang ang motor nito na kita nya pang bumalentong at nagpaikot-ikot sa highway.
Agad nyang e denial ang phone at si Blade ang sumagot." Hey.."
Anito sa pas na boses na parang nagising sa pagkakahimbing.
" Alert Ben and Derek. Someone's tailed me but i got him"
Dead?"
" Dont know. I shot him thrice. Sumemplang at nagpaikot ikot ang motor."
" Ok, we'll know tomorrow..kapag nasa news na."
" Keep your ass safe.On my way back home now." Ani Elias.
" And you too.."
Mabilis syang nakarating sa village dahil wala na masyadong traffic sa ganung oras. Ipinarada nya ang sasakyan ilang metro mula sa bahay nya. At bago pumasok ng gate. Kinuha nya ang cellphone at tinawagan si Erika. Naka limang ring sya bago nito sinagot ang cellphone. At mukhang tulog na nga ito bago sya tumawag.
" Tisoyyy...ok ka lang ba? Bakit napatawag ka?"
Anang inaantok pang boses. Napangiti sya habang nakasandal sa pintuan. May sarili syang susi pero gusto nyang pagbuksan sya nito.
" Baby..pagod ako.." Anya sa malambing na boses.
" Ahmm..nagtatrabaho ka pa ba? Maganda sana kung andito ka na para ma massage kita." Mas lalong napangiti si Elias.
" Gagawin mo yun?"" Syempre..pampawala ng pagod."
" Ahh sige nga buksan mo na ang pinto para makapasok ako"
" Ha?! Nasa baba ka talaga? Tisoy ha? Baka ginu good time mo lang ako.!"
" Oo nga..buksan mo na"
Agad na pinatay nito ang tawag at dinig nyang nagmamadali itong bumaba ng hagdanan. Napangisi sya sa excitement. At biglang bumukas ang pintuan. And there she is..the most sexiest and prettiest woman in his eyes. She is just wearing a wine red satin sleepwear and not wearing under garment that made him gulp. Pakiramdam nya ay bigla syang pinagpawisan sa nakitang magandang tanawin sa harapan. Nakangiti syang niyakap ng dalaga at pagkatapos ay hinila sya sa loob ng bahay.

BINABASA MO ANG
THE SINNER: ELIAS JAMES YU ( UPDATING)
RomanceNang mamatay ang kuya ni Maria Erika Dimaunahan o Ekay, ay ang tanging bestfriend ng kuya nya na si TISOY ang umalalay at bumuhay sa kanya. Dahil walang ibang kamag- anak ay itinuring nya na ang binata na nag iisang importanteng tao sa buhay na...