CHAPTER 10 ( TENDER, LOVING, CARE MOMENT)

9 0 0
                                    

TAHIMIK na nagda drive si Elias habang nakatitig naman si Erika dito. Sa resort palang napapansin na ng dalaga ang pananahimik nito at tila ayaw syang kausapin. Lalo na nang magpaalam ito sa dalawang pares na mauuna na dahil may aasikasuhin pa ito bukas.
Sina Sheena at Blade ay may pinuntahan pa, habang si Attorney at Anne ay bumili pa ng mga prutas sa daan para pasalubong daw sa pamilya ni Anne.

" Tisoy, galit ka ba sa akin?"

Diretsa nyang tanong. Naninibago kasi sya sa ikinikilos nito, tapos nakakunot noo pa. Napabutunghininga ito pero hindi sumagot.
Ilang minuto pa nang hindi sya nito sinagot. Kaya nainis na talaga sya sa binata ng tuluyan.

" Huhulaan ko ba kung galit ka? O hindi tayo mag uusap hanggang makarating tayo sa bahay?"

Pilit na ginagawa nyang mahinahon ang boses.

" I can't believe this..ikaw na nga tong may kasalan, tapos ikaw pa tong nagagalit."
May pagtatampong sagot ng binata. Agad naman tinuro ni Erika ang sarili nang hindi makapaniwala.

" Ako? Anong kasalanan ko sayo? Bakit hindi ko alam na may kasalan ako sayo? Pwede bang pakilinaw kung ano yun?" Naguguluhang tanong ng dalaga.

" Yung blue eyes. Bakit ka nakipag holding hands dun?"!

Galit na sabi ni Elias nang hindi tumitingin.
Napataas ang kilay ni Erika nang maalala yung kaninang nagsu swimming sila nang makita sila nung Douhgray at kinausap sya para magpaalam. Siguro ganun lang ang mga foreigner, masyado lang friendly at approachable.

" Ahhh..define holding hands?" Ang nasabi ng dalaga.

" Ano?" kunot noong tanong nito sa dalaga.

" Define holding hands..at isama mo na rin ang pag define ng handshake"

Taas kilay na saad ng dalaga dito pero hindi na ito ulit nagsalita.

" Ok..ako na ang sasagot para sayo. Nakipag handshake sya kanina tapos sabi babalik nadaw sya sa bansa nila..tas sabi nice meeting you again Erika. Yun lang."

Pero hindi parin ito umimik at hindi nagbago ang hitsura ng mukha..tila galit parin ang mokong. Itinaas nya ang kabilang kamay nito na nasa monubela at pinagsiklop ang kanilang mga palad. Gulat na napatingin ang binata sa kanya.

" Ito ang holding hands..baby."

Biglang napapreno ng sasakyan si Elias na muntik na nilang ikasubsob. Inirapan nya ang binata dahil dun.

" Ano ba yan Tisoy! Bigla -bigla ka nalang nagpipreno eh!"

Reklamo nya pero nanatiling naka holding hands sa binata.

" Huwag ka kasing manggugulat." Anito na parang nangingiti.

" Hindi ah! Sinasampulan lang kita kung ano ang holding hands at shake hands."

" You're just being sweet..kasi may kasalanan ka". Pinipigil ng binata ang ngiti.

" Tama na ang pag english english. Saka na pag magaling na akong sumagot ng english." Reklamo ng dalaga a ikinatawa nya.

" Gusto ko hawakan ang kamay mo hanggang makarating tayo sa bahay, pero nagda drive pa ako."

" Ah..o0 nga pala. Sige mamaya nalang ulit." Saka dahan- dahang bumitaw ang dalaga.

" But..i'd really love to kiss you.." Napamulagat ang dalaga.

" Baka may makakita sa atin eh.." Nahihiyang saad ni Erika.

" Look..may nakikita ka bang mga tao? Puro kahoy lang naman ang nasa paligid oh..ni wala ngang sasakyan eh."

Natatawang saad nito. Nagpaling-linga naman sya at nang humarap sya sa binata ay agad nyang naramdaman ang mainit nitong mga labi sa labi nya. Napangiti sya damhin ang mga halik nito. Sa una ay marahan at mapaglaro hanggang sa maramdaman nyang dahan dahan itong nagiging agresibo at nagiging maalab.

THE SINNER:  ELIAS JAMES YU ( UPDATING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon