CHAPTER 13 ( WAR PLANS AGAINST SWEET DRAGON )

11 0 0
                                    


PAGKATAPOS ng sandaling lambingan ay humantong ang dalawa sa kitchen lara magluto ng paboritong sinigang at chopsuey. Tamang-tama namang tumawag si Blade na parating na sila ni Sheena. Ipinatawag na din nila si Derek para sa pag uusapang importanteng bagay.
Nang makapaghanda ng mesa ay saka namang bumukas ang pinto at bumungad noo'y sina Blade at Sheena kasabay pa si Derek.

" Hmmm..i smell something like..our favorite?" Nakangising baling ni Blade kay Elias.

" Oo..special daw kasi ang mga bisita kaya ito pinagluto namin kayo. By the way Erika..this is Derek..our trusted friend. Derek my soon to be wife..Erika"

" Hi Derek..kumusta?" Anang dalaga sabay abot ng kamay.

" Its nice to meet you Erika. Ang awkward naman pala dito. Bakit pa ba kasi ako pumunta dito? Eh double date pala ito.." Napapailing na saad nito.
Sabay silang nagtawanan dahil sa sinabi nito. Kawawang Derek..wala manlang girlfriend.

" Maghanap kana kasi. Masyado ka kasing takot matali" Ani Blade.

" Tumulong nalang tayo sa paghahanda ng pagkain..gutom na ako eh"
Pag iwas nito. Napapailing na sumunod si Blade at tumulong na rin sa mesa. Hindi na ito nagawang pigilan pa ni Erika.
Habang kumakain ay magkakaiba ang usapan nila. Si Erika at Sheena ay iba ang topic at iba din naman ang pinag uusapan ng mga lalake. Hanggang matapos kumain ay naiwan ang dalawang babae sa kitchen at sila na ang nagligpit ng mga pinagkainan at naghugas ng pinggan. Samantalang nasa terrace ang tatlo at may pinag uusapang importante.

" Sheena,yung trabaho nila Blade na may kinalaman sa sindikato..matagal mo na bang alam?" Curious na tanong niya dito.

" Oo..before pa kami naghiwalay ay alam ko na ang sitwsyon nila. Alam din ni Anne."

" Ahh, natatakot ako para sa kanila. Alam kong ikaw din. Hindi kasi natin alam ang mangyayari at napaka sobrang delikado." Nangangambang saad ng dalaga.

" Oo ako din. Pero wala naman tayong magagawa para pigilan pa sila. Ang tanging magagawa nalang natin ay mag ingat at suportahan ang mga mahal natin."

" Tama ka Sheena. Sobrang mahal ko lang si Tisoy kaya sobrang natatakot din ako na baka may mangyari sa kanyang masama. Parang hindi ko mai imagine ang buhay ko kapag wala sya."
Nakangiting nakikinig si Sheena kay Erika habang nagshi share ito ng saloobin.

" Napaka sweet mo naman pala. Bagay na bagay kayo ni Elias..hula ko clingy sya sayo? Kai kahit yung mukha nya ay mukhang tigasin at bad boy..yung galaw nya bilang kaibigan namin ay sobrang kabaligtaran. Super thoughtful nun at malambing."
Natawa si Erika sa sinabi ni sheena.

" Manghuhula ka ba? Oo, ang totoo nagtampo sya sa akin kanina dahil sinabihan ko syang nagiging clingy na." Pagsusumbong ni Erika sabay silang nagtawanan sa kusina.

" Sabi na ngaba eh." Ani Erika.

"Eh si Blade sayo? Ganun din?"
Biglang napataas ang kilay ni Sheena sa naging katanungan ng dalaga.

" Hay naku..paiba iba ang ugali nun. Pero madalas sya si Mr. Romantiko. Kaya nga dati iniwan ko dahil sa sobrang pagka romantiko..lahat ata ng babae ay nahumaling. Tapos ngayon sobrang possessive at maduda ng wala sa lugar. Madalas kami nag aaway, pero syempre pag mahal mo tatanggapin mo lahat ng ugali at matuto kang intindihin nalang."

" Tama ka dyan. Pero diko inakalang playboy pala dati si Blade." Natatawang saad ni Erika. Napakibit-balikat nalang ito habang natatawa.

NAABUTAN nilang nag iinom ng beer ang tatlo habang may pinag uusapan tungkol sa next operation..at sa sunod na target na Sweet Dragon. Umupo ang dalawa sa dawala pang bakanteng upuan at nakinig sa usapan ng tatlo.
As usual si Derek ang maga approach sa Sweet Dragon para makipag deal..at this time gagamit sila ng babae para pambugaw. At gagamitin din ni Derek ang sarili para mapaamo si Sweet Dragon..knowing that the leader is gay ay may tsansa itong maakit sa hotness at kagwapuhan ni Derek.

THE SINNER:  ELIAS JAMES YU ( UPDATING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon