TISOY'S POVHindi ko maalis ang titig sa reaksyon ni Erica nang makapasok kami. Manghang-mangha sa mga nakikita sa loob ng bago naming bahay. Namimilog ang mga mata habang umiikot ito sa dalawang palapag na bahay. Kanina pa ito walang imik at tanging mata lang at nakaawang na bibig ang nangungusap. Napatikhim ako na ikinalingon nya.
" So, nagustuhan mo?" Basag ko sa katahimikan nya.
" Tisoy, naalala kong sinabihan kitang gusto ko lumipat tayo sa medyo malaking apartment..yung dalawa ang kwarto para maging kumportable ka din, pero hindi ko sinabing ganito kalaki.
..mahal ito, alam ko at hindi ako tanga! Saan mo kinuha ang perang pinangbili mo dito?"Napalunok ako bigla nang wala sa oras. Ito na to..kailangan ko na naman mag imbento ng panibagong kasinungalingan at hindi ako sigurado kong maniniwala ba sya.
" Ekay, hindi pa bayad to. Installment ang bahay na ito dahil sa tulong ng boss ko. Nakita nyang masipag ako at deserve ko magkaroon ng ganito kaya tinulungan nya ako."
" Pero kahit na..mahal parin ito. Ilang taon mo ito pagtatrabahuan?"
At sa pagkakataong ito, inis na ang nakikita ko sa mukha nya. Tila ayaw nya sa ideyang may malaking bahay at pagtatrabahuan ko ng matagal." Medyo matagal din, pero huwag mo nang problemahin yun Ekay..ang importante may bahay na tayo. Tara sa taas..ituturo ko sayo ang kwarto mo."
Pag iiba ko ng usapan para mag iba na din ang mood nya. Napairap sya at iniikot ulit ang mga mata sa buong kabahayan. Kinuha ko na ang mga dala nyang gamit ant nagpatiuna na ako sa taas at napilitan naman syang sumunod.
Napa awang ulit ang bibig nya nang buksan ko ang magiging kwarto niya. May queen size bed, at may side table sa kanan at mayroong lamp shade sa magkabilang side ng bed, isang malaking puting cabinet, may sariling banyo, malalaking glass windows. Color light pink ang bed sheets.
Maganda ang kwarta nya pero wala akong nakikitang excitement sa mukha nya, parang poker face lang ito at nakatingin lang sa kabuuan ng kwarto." Mukhang hindi mo yata nagustuhan ang kwarto mo." Nagkunwari akong lumungkot na bigla nyang ikinalingon.
" Hindi! Ah..magandang..maganda sya. Naninibago lang ako sa bigla kong pagkakaroon ng ganitong kagandang kwarto. Sobrang ganda ng bahay na hindi ko maaatim isipin na ilang taon mo itong paghihirapan. Eh wala pa akong trabaho para makatulong sayo sa pagbabayad."
Kaya pala malungkot ito at hindi makaramdam ng excitement dahil pinoproblema nito kung paaano ako makakabayad. Napabuntunghininga ako at hinarap sya." Look Ekay, mas gaganahan akong magtrabaho at makakabayad tayo agad kung makikita kitang masaya sa pagkakaroon natin nitong bahay. At darating din ang time na magkakaroon ka ng trabaho..pwede kang tumulong sa akin kung gusto mo para mawala na yang guilt mo sa isiping hindi mo ako natutulungan.
Yang paglalaba pa ngalang sa damit ko sobra sobra nang tulong, pati yung pagluluto mo ng pagkain ko at paglilinis ng bahay."Ngumiti ako at hinawakan ko sya sa balikat.
" Ayusin mo na ang mga damit mo sa cabinet. Magpahinga ka at tatawagin kita pagkatapos kong magluto para kumain tayo."
" Tutulungan na kita maglu..."
" Nope, gawin mo nalang ang sinasabi ko. Ako na muna magluluto kahit ngayon lang. Bukas pa naman ang pasok ko eh."
Napangiti na sya at tumango. Lumabas na ako at bumaba at nagtungo sa kusina para magluto ng late lunch namin. Pasado na ala una ng hapon at gutom na rin ako. Kumuha ako ng beef na pang steak at kumuha ng butter at iba pang ingredients para sa steak. Kumuha na din ako ng french beans at nagpakulo ng tubig para banlian ito at gawing side dish ng steak. Patitikimin ko si Ekay na special menu ko. Alam kong hindi pa sya nakakain nito dahil sa limang taong umuuwi ako sa maliit na bahay ay iba ang mga niluluto nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/277115864-288-k60285.jpg)
BINABASA MO ANG
THE SINNER: ELIAS JAMES YU ( UPDATING)
DragosteNang mamatay ang kuya ni Maria Erika Dimaunahan o Ekay, ay ang tanging bestfriend ng kuya nya na si TISOY ang umalalay at bumuhay sa kanya. Dahil walang ibang kamag- anak ay itinuring nya na ang binata na nag iisang importanteng tao sa buhay na...