CHAPTER 15 : CLINGY ELIAS

23 0 0
                                    


CHAPTR 15

Almost 8am na pero hindi parin naliligo si Elias para pumasok. Natapos na silang kumain ng breakfast at nakapag hugas na rin ng mga pinagkainan si Erika pero napansin nyang nasa terrace ang kasintahan at may kausap sa telepono. Hinayaan nya muna nitong tapusin ang tawag bago magpasyang lapitan.

" Tisoy, hindi ka ba papasok?"

Usisa nya dito. Napakamot ito ng ulo bago bumaling sa kanya.

" Ahmm..nope.I wanna stay here with you today. Ayaw mo ba nun? Sayo ako buong araw?" Nakangiti nitong saad. Napataas ang kilay ni Erika.

" Tisoy..akala ko ba nag usap na tayo? Diba nag promise na ako na kahit anong mangyari hindi na ako aalis dito sa taas.? May mga bodyguards din oh.Kailangan mong pumasok..nasa baba lang naman ang office mo eh."

" Pero..feeling ko pagod ako ngayon eh..let me rest today, okay?" Nakangisi parin nitong pagdadahilan.

" Parang hindi naman. Kailan ka pa napagod? Tsaka wala ka naman ginawa ngayon at kagabi maaga tayong natulog diba?"
Usisa ni Erika dito.Tila nakaramdam ng inis si Elias dahil sa mga sinabi ni Erika.
" Fine! If you dont want me here..eh di aalis ako!"

Bigla itong tumalikod at pumasok ng kwarto. Napataas ang dalawang kilay ni Erika habang sinusundan ng tingin si Elias na pumasok ng bathroom.
Alam nyang nag dadahilan lang ito para hindi pumasok at mabantayan sya dahil natatakot itong mapahamak na naman sya. Pero nag usap na silang magdo doble ingat na sya at hindi na lalabas ng penthouse pag wala ito. Nag agree naman ang lalake pero hito ito ngayon parang nagbago na naman a g isip.

Feeling nya talagang sinasadya nitong magtagal sa pagligo at pagbibihis dahil nakapaglinis na sya't lahat ng living room at iba pang sulok ng penthouse ay naroon pa din ito sa kwarto at mukhang abala. Almost 10am na at ginagawa na nya ang kanyang online classes lessons at iba pa..saka palang nya itong lumabas ng kwarto.
Nilingon nya ito pero hindi sya nito tinapunan ng tingin. Umalis ito nang hindi manlang sya kinakausap kaya nainis sya dito. Habang tumatagal sila..marami syang nadidiskubreng mga ugali ni Elias na madalas ay hindi nya maintindiha. Tulad nalang ngayon..na pinag usapan na nilang bagay pero hindi pa pala ito gustong gawin nito.
Madalas itong magtampo sa kanya na ang alam nya ay gawain lang ng mga babae. Masyado din itong clingy habang patagal at sya ang madalas manuyo dito. Para ngang sya ang lalake at ito ang babae. Pero natatawa nalang sya minsan sa inaakto nito. Mabilis naman itong suyuin,at kapag nagkabati na sila ay masyado na itong clingy.

Almost 11:30 na nang matapos ang klase nya online. Konting kembot nalang ay matatapos na ang taon at masusuklian na nya ang pag sasakrepisyo sa kanya ni Elias. Ang pagtulong nito na pag aralin sya at maibigah ang kanyang pangangailangan.
At kapag ok na ang kumpanya nito next year at wala nang problema sa mga kalaban ay baka pumasok na sya university. Sa ngayon tiis tiis lang muna dahil sa sitwasyon.
Napagpasyahan nyang magsaing ng kanin total may natira pang ulam kagabi na niluto nyang kaldereta. Gusto nyang pahatiran sa guard ng lunch si Elias sa baba kung hindi ito aakyat. Malamang na hindi ito aakyat dahil sa may tampo na naman.
Nang matapos maluto ang kanin ay ininit nya ang ulam at naglagay sa tupperware na babasagin para ipahatid sa kasintahan. Nang matapos ay sinilip nya ang peephole kung nasa labas ang mga ini assign nitong mga bodyguards. Nang makitang nakatayo ang mga ito sa harap ng pinto ay kaagad syang nagbukas.

" Ma'am, may kailangan po ba kayo"? Anang isa na animoy dumagundong ang boses na parang kulog. Boses palang pang malakasan na ang dating nitong isa.

" Ahmm..o0 sana. Magpapahatid lang sana ako ng pagkain sa boss nyo sa office nya sa baba, kung ok lang?" Naiilang nyang saad dito.

" Im sorry ma'am pero hindi kami pwedeng umalis sa pwesto namin. Kapag ginawa namin yun baka masisante kami agad." Seryosong saad ng isa.

" Ahhh..ganun ba?" Napangiwi sya..paano nya ngayon yan. Siguro tawagan nya nalang si Tisoy na umakyat.
" Pero ma'am pwede kong tawagan ang isa kong tauhan para umakyat dito kung gusto nyo."
Anito nang hindi pa sya pumapasok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE SINNER:  ELIAS JAMES YU ( UPDATING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon